Family issues

17 0 0
                                    

Shannon

It's been three days ng sagutin ko si Drew. So far so good naman ang relationship namin. Mas dumaldal siya, mas nakakainis, mas nakakademons, mas naging possessive, mas naging clingy, mas naging mapag-mahal, at mas naging caring. He has a lot of surprises. Pambawi daw sa effort ko nung birthday niya. Tss.

Ilang araw ng wala sa bahay ang magaling Kong ina at ang kabit niya. Ewan ko kung San nagpunta. As if I care. Mas mabuting wala sila dito, mas nae-enjoy ko ang buong bahay. Di kasi ako lumalabas ng kwarto pag nandito sila. Nakakabanas lang.

Nagpunta ako sa swimming pool. Ayos makakapag-swimming ako. Wala namang tao sa bahay bukod samin ni Manang Beth. Nakababad lang ako sa tubig after ng ilang pabalik-balik. Pumikit ako. Ngayon lang ulit ako nakapag-relax.

Ilang oras na pero nasa tubig pa rin ako. Haha, adik sa swimming pool eh. Naramdaman Kong may parang takbo ng takbo sa loob ng bahay. Palapit ng palapit sakin.

"Shan! Ang Mama mo!" Napamulat ako. Anong meron sa kanya?
"Rodriguez?! What the Fvck are you doing here?!" Shit puro dugo ang damit niya
"Mamaya ko na ie-explain. Sumama ka muna sakin!" Sobra siyang natataranta
"Bakit ba?! San ka galing?! Ba't puro dugo ka?!" Tanong ko
"Ang Mama mo nasa hospital! Sumama ka sakin!"
"What?!" Mabilis akong umahon sa pool at kinuha ang towel
"Ano bang nangyari?!" Hindi siya umimik. Titig na titig lang siya sakin
"Rodriguez! Ano ba?!" Natataranta na din ako
"Wow! I mean mag-bihis ka na" umiwas siya ng tingin. Shit! I forgot naka-two piece lang ako. Nagtatakbo ako papasok ng bahay. Ngayon lang ulit ako kinabahan. Bakit nasa hospital siya?!

Nasa kotse na agad siya at nasa driver seat.
"Baba!" Sabi ko
"Huh?!"
"Ako ang magda-drive!" Pinandilatan ko siya ng Mata
"Ok ok" lumipat siya sa passenger seat tapos sumakay na ako. I started the engine.
"Saang hospital?" Tanong ko
"Sa hospital niyo"

I drive as fast as I could. Kailangan naming makarating agad.

"What the hell??! bagalan mo ng konti! Waahh!"
"May sasakyan!!! Waahh!!!!!!"
"Oh my! Red ang-- wahhhh!!!!!!"
"Shit! Fvck! Crap! Holy shit!!!!"
"Ang bilis mo sobra!!!!!"
"Wala tayo sa race!!!!!!!"
"Ayoko pang mamatay!!!!!!!"
"Ma!!!!!! Pa!!!!!!!!"

Napaka-ingay niya sa sasakyan. Lalake ba talaga 'to?! Bakla ba 'to?!

"Shan!!!! Ano ba?!!!!!!" Sigaw pa din siya ng sigaw
"SHUT THE HELL UP!!!" Sinigawan ko din siya. Natahimik naman siya at pumikit na lang.

Nakarating kami in just 5 minutes. Lulang-lula siya ng bumaba. Para siyang susuka anytime.

"Nasan siya?!"
"Nasa ER"

Tumakbo ako ng mabilis. Wala na akong pakialam kung madapa ako. Hindi ko na hinintay si Glenn. Baka nasa CR yun.

Nagulat ako sa nadatnan ko. Totoo ba 'to?!

Nandun si Dad. Umiiyak siya. Puro dugo ang damit niya.
Nandun si kuya. Naka-tungo. Gulong-gulo ang itsura.
Nandun si Mike, yung kabit ng Mama ko. Kinakausap niya yung mga lalaking naka-itim.
Nandun si Mr. Lee. Nakatingin lang siya sakin.
Andaming lalaking naka-itim na nagkalat. Mga tauhan sila ni Dad.

What the hell is this?!

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon