Confessions of MaLise

26 2 0
                                    

Shannon

Nagbibihis ako ngayon dahil invited kami sa birthday ng president ng school namin. Grabe lang, gusto lahat ng tao dumalo sa birthday niya. Tss, papansin much?! Ayoko nga sanang pumunta pero pinilit nila ako. Ang daldal ni Ann kung anu-anong sinabe mapapunta lang ako. Ang OA ni Isa masyado daw akong kj tapos nakakasakit daw ng damdamin. Ang annoying naman ni Ellise binilhan agad ako ng damit at high heels, anong akala niya sakin? Mahirap at di kayang bumili ng damit at sapatos? Tss. Itinago ko sa ilalim ng kama ko ang damit at heels na ibinigay niya. Iba ang isinuot ko. Time check, its 8:00 pm. Biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Drew.

"Why?" Tanong ko
"Ready ka na?"
"Yeah"
"Andito ako sa labas ng bahay niyo" I ended up the call at nagtatakbo papunta sa gate? Wait! Hinga! Inhale, exhale. Anong nangyayari sakin?

"Excited to see me huh?" Nakasandal siya sa kotse niya tapos yan agad ang sinabi niya.
"Kapal ng mukha" sabi ko sabay irap
"Ganyan mo ba itrato ang manliligaw mo?"
"Gusto mong basagin ko yang mukha mo?"
"Joke lang, ikaw naman. Hihi Tara na" pinagbuksan niya ako ng kotse tapos sumakay na ako.

Nanliligaw na ba talaga to sakin?

Dada ng Dada si Drew sa sasakyan. Hindi ko naman pinapakinggan.
"Babe naman tingin ka naman sakin oh" nanlaki ang mata ko. Parang masusuka ako. Merong something sa tiyan ko.
"What the Fvck Drew?!"
"Eh? Ayaw mo ng babe?"
"Tangna! Manahimik ka nga!"
"Ahm. Sige na nga, baby"
"What the hell?! Yuck! Yuck! Yuck! Kadiri! Sobra kang kadiri! Ew! Ew! Ew! Yuck! Yuck! Yuck! Stop calling me stupid endearments! Yuck!" Sigaw ako ng sigaw ng ganon. Tawa naman siya ng tawa.

Ganun lang kami hanggang makarating.

Ellise

Fvck! Bakit hanggang dito may kasama pa ding babae si Mach? Bakit naman kung kailan na kasama ko siya saka niya ipapakitang palagi siyang may babae? Nag-text siya sakin na susunduin niya ako. Natuwa ako syempre kasi susunduin ako ni Mach. Dapat sabay kami ni Evan eh. Hindi ko lang alam kung anong nangyari dun. Hindi na ako nagtanong kasi syempre gusto ko din to.

Nung dumating siya kinabahan ako. Grabe lang. Ano kayang meron? Nagtaka ako kung bakit sa likod ako ng kotse niya pinaupo. Nang makapasok ako saka ko na-realize na may kasama pala siya. Fvck! Bakit ang Sakit?

Tahimik lang ako habang kwentuhan sila ng kwentuhan. Tawa ng tawa si Mach. Masyado silang Masaya sabit lang ako dito. Feeling ko maiiyak na ako. Tumingin sakin yung babaeng kasama niya.
"Okay ka lang?" Tanong niya. Pinilit Kong ngumiti.
"Yeah" sabi ko. Nag-patuloy naman sila sa paglalandian nila.

The word okay was always been a lie to everyone. You're saying you're okay while you're really not. I'm an example.

Nung makadating kami sa party kumuha agad ako ng drinks. I need this now. Andito na sina Drew, Shan, Isa, Ann, Glenn, at Evan. Dumiretso sa table nila si Mach at yung kasama niya. Tangna lang! Sa sobrang ka-excited ng kasama niyang babae hindi na ako naalala ni Mach..... o baka sadyang di niya ako inalala.

Sa sobrang sakit di ko na kinaya. Umalis ako dun at nagtatakbo. Umiyak na ako. Takbo lang ako ng takbo. Nakarating ako sa isang bar. Tadhana talaga. Pumasok ako at um-order ng alak. Di na naman nila siguro malalaman na minor lang ako.

Inom. Inom. Inom. Yan lang ang ginawa ko. Tangna! Ang sakit. May kumausap saking lalaki, hindi ko siya pinansin. Ini-order niya ako ng hard drinks. Iinumin ko na sana ng may biglang humila sakin.

Mach

Sobra akong nataranta ng tawagan ako ni Evan. Sunduin ko daw si Ellise. Langya! Iniiwasan ko na nga yun eh. Ayokong lumala pa ang nararamdaman ko sa kanya. She doesn't deserve a guy like me. Gago ako at oo, gusto ko na si Ellise. Ngayon ko lang na-realize. Nung iniiwasan ko siya parang may kulang sakin hindi ko alam kung bakit. Siya pala yun. Tinawagan ko agad si Tricia para Samahan ako sa party at para na din hindi maging awkward pag sinundo ko si Ellise.

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon