Finally

16 0 0
                                    

Shannon

I dialled Isa's number para itanong Kung pupunta ba siya kina Drew.
"Hello"
"Isa pupunta ka ba sa bahay Nina Drew?"
"Ha? Hindi eh"
"Diba birthday niya ngayon?"
"Talaga? Tanungin mo si Mach"

Shet! Oo nga, magkababata nga pala sila ni Drew. Tinawagan ko naman si Mach.

"Uy Shan napatawag ka? Miss mo na 'ko"
"Punyeta ka Mach isusumbong kita Kay Ellise!"
"Joke lang. Takot ko na lang Kay Drew eh"
"Speaking of Drew, pupunta ka ba sa kanila?"
"Sus! Walang party dun. Pumupunta lang kami sa Bar pag gabi"
"Alam mong birthday niya?"
"Oo naman"
"Bakit walang party?"
"Di kami mahilig sa ganyan"
"Ah, ge" I hanged up.

Tss. Paano ko makakausap si Drew? Nasan ba siya ngayon? Matawagan nga. Oo na! ako na ang madaming load! Ako na ang madaming tinatawagan.

"Baby loves?"
"Kita tayo mamaya"
"Saan?  Ide-date mo 'ko?"
"Tss. Oo na. Text ko na lang sayo kung saan"
"Okay"
"6:30" sabi ko
"Okay"
"Bye"
"I love you baby loves"
"Tss"

May tatawagan ulit ako. Tss. Walang aangal!

"Lady?"
"Idesign mo ang garden sa bahay sa Makati"
"Huh?!" Tss. Minsan ang sarap Batukan ni Mr. Lee. Hiyang-hiya na nga akong sabihin to eh.
"Something Romantic" sabi ko. Feeling ko ang Pula na ng mukha ko.
"Okay lady" buti naman di siya masyadong matanong.

Nag-text ako Kay Drew.

Susunduin kita sa inyo. Be ready at 6:30.

Shit lang! Parang kinakabahan ako. Pumunta ako sa kwarto ko at tiningnan ang loob ng closet ko. Oversized t-shirts, pants, denim shorts, plain v-neck t-shirts. Tiningnan ko kung ano ang pwedeng suotin sa paa. Rubber shoes at flip flops. Shit! Alangan namang ganito ang suotin ko. Napaupo ako sa kama.
"Kelan ka pa naging mapili sa susuotin mo Shan?" And now I'm talking to myself. Hassle naman kung bibili pa ako.

Binuksan ko ang drawer ko. May Nakita akong isang set ng jewelries. Tss. Kinuha ko ang singsing. Okay na 'to. Nung isusuot ko na bigla Kong nabitiwan. Yumuko ako para silipin sa ilalim ng kama. There! Nakita ko yung damit at heels na Bigay ni Ellise. Destiny?

Nag-ready ako at 5:30. Natapos ako sa paga-ayos at 6:10. Dumating ako kayna Drew at 6:35.
"5 minutes late ka" sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Galing talaga netong chumansing.
"Excited much?"
"Eh syempre naman, ide-date mo 'ko eh"
"Tss. Tara na"
"Ako na ang magda-drive" sabi niya sabay kuha ng Susi sakin
"Okay, Sa bahay ko tayo"
"Sa Makati?"
"Ba't mo alam?"
"Mahal kita eh" connect?

Daldal ng daldal si Drew pero di niya ino-open yung tungkol sa birthday niya. Grabe pala tong magtampo.
"Baby loves!!"
"What?"
"Hindi ka naman nakikinig eh"
"Ano bang sinasabe mo?"
"Wala. I love you na lang"
"Tss"
"Kelan mo ko sasagutin?" Tanong niya. Gusto Ko sanang sabihin na, mamaya kaya tumahimik ka na lang dyan, pero baka masyado siyang mag-saya.
"Ewan ko"
"Eh?.... ang ganda mo" hindi ako umimik
"Okay, ang gwapo ko" pinuri ang sarili. Tss

Nakakabingi tong lalaking 'to. Napakadaldal. Nakarating na kami. Talagang alam niya to ha. Kami lang kaya ang nandito?
"Diyan ka muna" sabi ko sa kanya. Iche-check ko lang ang garden. Pagdating ko...... wow! Ang galing ni Mr. Lee. Na-inlove na ba yun? Heart there....heart here.... heart everywhere.. May candlelight dinner sa gitna. May mga lantern sa puno. Puno ng petals ng rose ang Bermuda grass. Andaming kandila sa paligid kaya hindi na kailangan ng ilaw. Sobrang Romantic.

Binalikan ko si Drew. Buti naman masunurin 'to at hindi sumunod sakin kundi sira ang diskarte ko este ni Mr. Lee pala.
"Ba't ang tagal mo baby loves?"
"Tss. Tara na" ako naman ang humawak sa kamay niya. Dinala ko siya sa garden.

"Happy birthday...... Baby loves" sabi ko tapos di ko napigilang mag-blush. Nahihiya ako! Leche!
"Wow!" Yun lang ang sinabe niya tapos niyakap niya ako. Niyakap ko na din siya. Birthday naman niya ngayon eh, pagbigyan na.
"Kain tayo, gutom na ko" sabi ko. Napabitaw naman siya sa pagkaka-yakap sakin.
"Sinira mo naman ang moment natin Baby loves eh"
"Tss. Tara na" tinulak-tulak ko pa siya

After namin kumain dinala ko siya sa rooftop ng bahay. Haha! Konting oras lang namin napakinabangan ang garden. Sobrang effort pa man din ni Mr. Lee.

"Sobrang saya ko ngayon baby loves"
"Okay"
"Pero mas sasaya ako kung tayo na"
"Okay"
"Tayo na?!"

Tumahimik ako bago tumango. Nag-practice pa man din ako ng mga lines kagabi tapos ganito ko lang pala siya sasagutin.

Drew

Fvckshit! Hindi ako makaimik. Kami na! Oh my God! Kami na!
"Baby loves payakap" sabi ko
"Chansing ka masyado ha" pero nagpa-yakap naman. Umupo kami tapos sumandal sa wall. Ang ganda dito sa taas. Hawak-hawak ko ang kamay niya. Tahimik lang kami.

"I love you" sabi ko
"Love you too" sabi niya
"Bakit walang I?"
"Eh di I"
"Baby loves"
"Hmm?" Napa-ngiti ako. Dati pag tinatawag ko siyang baby loves lagi akong namumura. Ngayon hindi na.

Eto na ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko. Happy Birthday to me.

Shannon

Silence filled the whole place. One thing is for sure..... I fell in love tonight..... with the guy holding my hand...... right now.

I now have a boyfriend. Yuck!

------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sila na..... Eh di wow. Psh.

Hihi. Keep on reading guys. Thank yow!

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon