Evan's confession

26 0 0
                                    

Ann

Naka-balik na nga pala kami from Tagaytay. Di ko talaga makakalimutan yun. Sobrang memorable at sobrang saya. Binilhan pa ako ni Evan ng T-shirt na may design na Arrow na naka-point sa kaliwa tapos may nakasulat na Mine. Hihi. Ang cute. Pupunta nga ako ngayon sa NBS kasi nag-pasama sakin si Evan. May bibilhin siguro yung libro. Alam niyo na. Wala ang buong family ko. Nasaan ang mga yun? Sinuot ko yung T-shirt. Bagay sakin hihi.

Magku-kwento muna ako ha habang nagba-byahe ako. Tss. Lokong Evan yun! Di ako sinundo pero okay lang. Sabi nga Nina Shan ang daldal ko daw. Hindi naman eh. Ang swerte ko kasi naging kaibigan ko si Shan. Sobrang cold nun eh este cool pala. Wag niyo sasabihin. Hihi. Ang sweet kaya nila ni Drew. Si Mach at Ellise going strong ang relationship. Grabe lang sa ka-sweetan. Nakaka-inggit eh. Hindi na babaero si Mach, haha. Si Isa naman at khen may sarili ng mundo.

Hay! Nakarating din pero bakit parang sarado? Lumapit ako sa glass door. Hala! Wala ka talagang makikita sa loob kasi may nakaharang ng curtain pati sa glasss door tapos ang gara ng nakalagay.

Sorry were close.
Only Miss Ann Freya Bernardo can enter National Book Store.

Ba't naman magsasara ang NBS? Tsaka pangalan ko tong nakalagay. Bakit naman? Sikat na ba ako? Hala! O baka kapangalan ko lang. What a coincidence?! Magka-apelyido din kami? Baka ako toh. Well, ganito naman ang pangalan ko kaya pwede naman siguro akong pumasok. Dahan-dahan Kong itinulak ang pinto. Waahh! Ang dilim! Huhu! Gusto ko ng lumabas. Nung hahatakin ko na yung pinto hindi ko mabuksan. Anong nangyayari? Binabangungot ata ako. Nagsign of the Cross ako at pumikit tsaka nag-dasal.

"Lord kung nananaginip po ako wag namang ganito. Nakakatakot po. Gusto ko na pong magising. Mahal ko po ang buhay ko. Promise po magpapaka-bait na ako. Di ko na nanakawin ang cupcake ni Mama. Di ko na kukunin ang chocolate ng kapatid ko sa ref. Hihi! Konti lang po. Di na po ako magte-twerk. Di ko na po tatakasan si Papa para gumala. Maghuhugas na po ako ng pinggan at maglilinis ng bahay. 3 hours na lang po ako magne-net. Ay pwede po kahit 5 hours? Lord! Tulungan mo 'ko"

"Pucha! Di ko na kaya! Ang lakas ng saltik ng isang to. Hahahahahaha" Napamulat ako kasi narinig kong Nag-salita si Mach. May ilaw na. Nilibot ko ang paningin ko.

Nakita ko sina Drew, Ellise, Isa, Evan, shan, mga kaklase namin ni shan, yung iba ko pang kaibigan at ang pamilya ko.

Anong ginagawa nila dito?! Narinig kaya nila ang dasal ko? Malamang! Nakakahiya! Anong gagawin ko? Ano bang meron? Pumikit ulit ako. Baka parte lang din to ng panaginip ko.

"Lord andito po mga friends, classmates at family ko. Haha! Joke lang po yung sinabe ko kanina. Amen" tumingin ulit ako sa kanila. Naka-nganga sila tapos umiiling-iling. Nginitian ko sila.

"Anong meron? Haha! Totoo ba 'to? Bakit kayo nandito? Joke ba 'to?" Sunod-sunod Kong tanong. Pumila yung iba Kong kaklase pati sina Shan. Di nila sinasagot ang tanong ko. Isa-isa silang lumapit sakin tapos may dala silang post-it.

"Idea to ni Evan. Wag mo kaming sisihin. This is the ten Commandments of love" sabi ng friend ko na si Mica tapos idinikit niya sa damit ko ang post-it na may nakasulat na Ten Commandments of Love. Ano to?! Anong nangyayari?

"First Commandment, thou shall not hug, hold hands, or smooch except in private" si Faye. Classmate ko. Di kami masyadong close pero sobrang bait niyan. Dinikit niya yung post-it sa damit ko. Nakalagay dun ang sinabe niya.

"Second Commandment, thou shall not lie to thy sweetheart unless it is necessary" sabi ni Jacob. Crush ko yan wag kayong ano. Tapos may dinikit din siyang post-it.

"Third Commandment, thou shall talk with your boyfriend all night on the phone" si Isa tapos nakipag-beso siya sakin

"Fourth Commandment, thou shall not ask a girl for a kiss, but take it. Haba ng hair" sabi ni Ellise tapos gaya ng iba idinikit din niya ang post-it sa damit ko.

"Don't flirt. Don't be a fvckin' slut. Yo----" napatigil sa pagsa-salita si Shan kasi sumigaw si Evan
"Shan, yung Commandment na! Mauubos ang oras natin" sabi ni Evan. Sinam-an siya ng tingin ni Shan
"You want me to stop this fvckin' stupid idea of yours?" Cold na tanong ni Shan Kay Evan
"Ituloy mo na! Napag-usapan na natin to ah. Please" pakiusap ni Evan
"Tss. Fine. Swear im going to kill you Dickhead for commanding me" pahabol ni Shan
"Kabayaran na 'to sa pagiging tutor ko sayo" Evan
"Did you plan this from the very start?" Shan
"Ituloy mo na" Evan. Nag-fvck you lang si Shan tapos humarap sakin
"Again bitch! The fifth fvckin' Commandment, thou shall not fvckin' have more than one fvcking boyfriend, be a fvckin' loyal girlfriend" sa noo ko idinikit ni Shan ang post-it. Ang harsh naman Neto. Cussing Machine ang bibig. Oopps. Wag niyo Kong isusumbong.

"Sixth Commandment, thou shalt be kind to your boyfriend's sister or brother" si Drew tapos idinikit niya ang post-it

"Seventh Commandment, thou shalt be sweet to your boyfriend everyday and shall be extra sweet at any occasions" si khen tapos ginulo niya ang buhok ko. Ngumiti lang ako.

"Eight Commandment, thou shall give your full attention at your boyfriend when he's with you. Don't look at other guy, he won't like it" si rain. Close friend ko yan at kapitbahay na din. Hala! Napupuno na ang damit ko ng post-it.

"Ninth Commandment, thou shalt flatter your boyfriend, this really pays off. Kaw nga ang nagnanakaw ng chocolate ko" yung cute at chubby Kong kapatid. Nagpeace sign lang ako. Kaya pala wala sila sa bahay. Nandito sila.

"Tenth Commandment, thou shalt know that he loves you for who you are. Never doubt him but Love him so much instead" si Mach. Tapos tiningnan niya yung damit ko.
"Ah eh. San ko ididikit? Puno na eh. Dito ba?" Tanong ni Mach. Tiningnan ko naman ang itinuturo niya. Sobra akong namula sabay takip sa dib-dib ko. Binatukan naman siya ni rain at khen. Hinablot ko sa kanya ang post-it tapos inirapan siya. Ang manyak talaga nito.

"Ahm. Ehem. Hi Ann" Nabaling ang atensyon namin Kay Evan. Kinakabahan siya. Suot niya yung t-shirt na kagaya ng sakin. Haha. Couple shirt pala to. Nag-salita na ulit siya "siguro nagtataka ka kung Anong nangyayari pero hear me out para malaman mo" nakatingin lang ako sa kanya at hinintay siyang mag-salita.

"The wikipedia says that love is variety of different feelings, States and attitudes that ranges from interpersonal affection. It can refer to an emotion of a strong attraction and personal attachment" he paused. Grabe! Nasaulo niya yun?
"Simple definition of Love from Merriam Webster says that love is a feeling of strong or constant affection for a person and what I believe is that love is something you feel for a person in a romantic way and yes Ann.... Im Romantically in love with you. Love is really unexpected. It chooses it's own time when to be felt. Everyone knew about this including your family... If you'll let me.... I'm going to court you" Nakaluhod na si Evan sakin. Hindi yung luhod-samba ha. Yung isang knee niya lang ang Nakaluhod tapos yung Isa naka-bend. Tumingin muna ako sa paligid. Ang ganda. Di ko agad napansin na nakaayos pala to. Tiningnan ko ang parents ko. Masaya sila para sakin. Sobrang effort na 'to bakit pa ako mag-no no?
"Tumayo ka nga! Leche ka! Anong pumasok sa kukote mo at ipinasara mo tong NBS? Paano na lang yung mga gustong bumili ha?"
"My family owns this kaya walang problema. Bakit ka nagmu-mura? Nahawa ka na Kay Shan" sabi niya.
"Wag mo 'Kong idamay sa kalokohan mo ha!" Sigaw ni Shan. Napatawa naman ako.
"Bakit dumaldal ka ata?" Tanong ko Kay Evan
"Nahawa ako sayo eh.... So, payag ka ba?"
"Ahm...." Kunwari nag-iisip pa ako. Kinabahan naman bigla si Evan. Haha
"Oo. Kung makakaya mo ang kadaldalan at kakulitan ko eh" sabi ko. Nag-sigh naman siya tapos ngumiti.
"Oo naman" nagpalakpakan lahat ng nanonood samin. Ano to? Show?

Leche! Magkaka-boyfriend na 'ko. Haha excited? Nanliligaw pa nga lang eh.

Basta ang alam ko sobrang saya ko ngayon dahil Nakita ko na ang lalaking para sakin.

Sa inyo? Wala pa. Bleh.
------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Salbahe ni Ann. Huhu. Anyway, Favorite ni author yung pangalang Freya. Hihi. Basta ko na lang kasi iniisip yung name kasi may dumadagdag na characters. Di ko napansin na may Freya din yung pangalan ni Ann tapos yun din ang Pangalan ng Mama ni Shan. Hihi. Yaan niyo na! Ang bitter ni Shan kasi walang ka-effort effort ang pagco-confess ni Drew. Haha.

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon