Confession of Drew

30 1 0
                                    

Shannon

That night hindi talaga ako umuwi sa bahay. Nagla-lakad lakad lang ako sa park baka maka-tyempo ng Laban. 'Lam niyo na.

"Shan!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Drew.
"Why?" Tanong ko. Hindi ko siya tiningnan naglakad na ulit ako.
"Wala gusto lang kitang Samahan" I nodded.
"Ayaw mo ba dun sa party?" Tanong niya
"Maingay" sabi ko. Tumahimik naman siya. Nakakita ako ng playground. Umupo ako sa may duyan tapos nag-swing. Umupo din si Drew sa Isa pa.
"Hay sa wakas nakatapos na din ng highschool" sabi ni Drew. Tumingin ako sa langit. Andaming stars.
"That was my lucky star" sabi ko habang tinuturo ang pinaka-makinang na bituin.
"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Am I weird?
"Lagi ko yang nakikita kapag tumitingin ako sa langit. Parang binibigyan niya ako ng liwanag. I used to tell that star what I feel" napa-ngiti siya sa sinabe ko. I guess, kailangan ko ng kausap ngayon. Magiging madaldal muna ulit ako at isip-bata.
"I tell my wishes to that star" nagulat siya sa sinabe ko pero pinigilan niyang 'wag mag-salita.
"Nagulat ka noh? Di mo akalaing ang isang tulad ko ay nagwi-wish sa star. Weird ba 'ko?" Umiling siya
"Nagulat ako kasi sinasabi mo sakin yang mga bagay na ikaw lang ang nakaka-alam" sabi niya. Ngumiti ako. Ramdam Kong naka-titig lang siya sakin.
"Alam mo ba ang mas weird?" Tanong ko pa
"Ano?"
"I called that star.....Mighty Shan" napatawa siya sa sinabe ko
"Sige lang pagtawanan mo 'ko" sabi ko pero di pa rin siya tumitigil sa katatawa
"Sorry hahahaha can't help it hahahaha" natawa na lang din ako. Biglang nanlaki ang mata niya. His face was priceless. Why?

Oh wait, did I just..... Laugh?
After years tumawa ulit ako. Totoong tawa.

"Wag ka ngang ganyan! Mukha kang tanga!"sigaw ko. Kasi yung expression ng mukha niya parang nag-hubad na ako sa harapan niya. Yuck! Ano ba 'tong sinasabe ko. Swear! Gulat na gulat siya! Napa-iwas ako ng tingin.
"Pag di ka umayos di mo na ko makikitang tumatawa kahit ngumi-ngiti"

Drew

My world suddenly stops. Did she just laugh? I know it wasn't fake. It's real. I'm totally shocked. Feeling ko Lumipad ang utak ko.

"Pag di ka umayos di mo na ko makikitang tumatawa kahit ngumi-ngiti"

Bigla Kong hinatak ang utak ko at ngumiti sa kanya. Ngayon lang siya naging ganito. Ngayon lang siya nag-kwento ng mga weird na bagay. Nakinig lang ako. Ayokong palagpasin ang pagka-kataon. First time din siyang nag-complain kasi pinag-tawanan ko siya. Usually kasi puro tss at threats lang ang maririnig mo sa kanya. First time niyang mag-kwento sakin. Sobrang saya ko kasi ako yung pinag-sabihan niya niya ng mga bagay na 'yun. I do really like this girl. Habang patagal ng patagalnakikilala ko ang tunay na Shan. Habang tumatagal mas nahuhulog ako sa kanya.

Mahal ko na yata toh.

Shannon

Nakatitig lang siya sakin. Ang tahimik. Tss. Nilalamok na 'ko dito. Inaantok na din ako. Tumayo na ako.
"Ge! Una na 'ko sayo" sabi ko at nag-lakad na.
"Ihahatid kita" sabi niya. Tatanggi pa ba ako? Di ko dala ang kotse ko eh.

Tahimik lang kami hanggang makarating sa bahay.
"Thanks" sabi ko pagka-baba.

Hinila niya ako kaya napaharap ako sa kanya. Problema nito?
"What?" Iritado Kong tanong. Antok na 'ko eh.
Bigla siyang namutla, tapos pinag-pawisan habang titig na titig sakin. Nag-sigh siya.
"C-can I c-court y-you?" Sus! Akala ko natatae siya eh. Manliligaw lang pala. Wait.....

"What the hell? Shit! Bullshit! This is crap! What the fuck?! Are you fvckin' serious?! Don't fool me. You're frackin freakin' annoying me!" Sigaw ko sa kanya. Seriously?!
"Grabe ka palang mag-mura kapag nabibigla. Hehe" sabi niya tapos nag-kamot ng ulo niya. May kuto ba siya?
"Umuwi ka na nga"
"Oo na. Yung sinabe ko totoo yun. Iintayin ko ang sagot mo. Hindi mo naman kailangang um-oo ngayon. Pag-isipan mo muna!" Sabi niya habang sumasakay sa kotse niya. Bigla na lang siyang umalis.

Hindi mo kailangang um-oo ngayon

Tss. Sure ba siyang o-oo ako?
Langya! Panibagong problema na naman 'to.

Ano bang nararamdaman niyo kapag may umamin sa inyo?

Ako kasi ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na Ewan.

Fvck! Anong gagawin ko?

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon