New friends

34 0 0
                                    

Shannon

Tss. Kakademonyo yung Khen na yun. Puntahan ba naman ako sa room. Kasama ko siya ngayon papunta kaming cafeteria.
"Ba't ka nandito?" Tanong ko
"Pinuntahan ko si lyka"
"Sino yun?"
"Yung kaibigan ko" ah yung nanabunot sakin? Langya! Di makalimutan eh
"Ba't mo ko pinuntahan sa room?"
"Wala, gusto ko lang"

Nandun na sina Isa, Ellise, Mach, Evan tsaka si Drew. Aw! Awkward ba? Tss. Whatever. Umupo na 'ko nakiupo naman si khen. Teka, ba't andito si Ann?
"Sino siya?" Tanong ni Ellise habang tinuturo si khen
"Ako si khen, kaibigan ni Shan" biglang sabat ni khen. Kaibigan? Kelan pa? Tss.
"Ha? May kaibigan ka pa pala bukod samin?" Isa
"Psh. Member siya ng Soul taker" sabi ko. Tumango naman sila. Sa pagkaka-alam ko wala akong kaibigan, Kahit isa.
Pansin ko namang hindi umiimik si Ann. Diba madaldal to? Nasan ang dila Neto? Naputol na ba?
"Ahm. Si Ann nga pala. Kababata ko" napansin ata ni Evan na nakatingin ako Kay Ann kaya ipinakilala niya. Himala! Hindi siya nagbabasa ngayon.
"Kaklase ko si Shan" sabi ni Ann. So? Kumain na 'ko. Di ako pinapansin ni Drew. Pakialam ko?
"Ah" Evan. Tumingin ako Kay khen
"Kain ka diyan" sabi ko
"Ay! Okay lang. Busog pa 'ko" tumango ako at nag-patuloy sa pag-lamon. Ang tahimik ata. Anong nangyari?

"Hihi. Nakakatuwa naman may bago na tayong friends. Hi khen. Hi Ann. Ako si Isa" muntangang pagpapa-kilala ni Isa. Muntanga, short for mukhang tanga. I know she's just trying to broke the silence.
"Ah, hi" sabi ni khen. Tss. Masyado 'tong friendly huh.
"Ah, guys una na 'ko ha" biglang tayo ni Ann
"Ihahatid na kita" sabi ni Evan. Hmm. Fishy.
"Ok" Ann. Umalis na yung dalawa. Silence again.
"Ah, ako din aalis na. Thanks. Bye Shan. See ya again" sabi ni khen sabay takbo.

"Ahm. Sa Friday na ang Ball ah. May date na kayo?" Sabi ni Ellise. Napatingin ako Kay Drew. Nakatingin din siya sakin. Ako ang unang umiwas. Date ko pa ba siya? Aatend pa ba 'ko?
"Ah, hihi. Inaya ako ni Glenn" sabi ni Isa na kinikilig pa
"You mean, Glenn Rodriguez?!" Rodriguez? Sounds familiar huh. Baka siya yung lalaki sa Detention room.
"Yeah" Isa
"Kyaah! Ang swerte mo girl" Ellise
"Eh ikaw Sino?" Napansin ko na biglang tumingin si Mach Kay Ellise. Fishy again.
"Si........ Troy" nahihiyang sabi ni Ellise
"Kyahh. Yung gwapong basketball captain?" Isa. Tumango naman si Ellise. Biglang nalungkot si Mach tapos umiwas ng tingin
"Eh ikaw Mach, Sinong date mo?" Tanong ko. I was actually staring at him. Si Ellise naman ang napatingin sa kanya. Fishy again and again?
"Si Tricia" walang-ganang sabi ni Mach. Si Ellise naman ang umiwas ng tingin. Si Tricia yung transferred student na secretary ng Student Council.

Maya-maya nag-alisan na silang tatlo. Kaming dalawa na lang ni Drew ang natira. Sinong unang aalis? Tss. Ako na nga lang. Tumayo na ako. Nakakailang hakbang pa lang ako ng hinila ako ni Drew.

"Yung sa Ball may nag-aya na ba sayong iba?" Tanong niya
"Tss. Diba ikaw ang Date ko?" Tanong ko. Di ako makatingin sa kanya. Wait, may kasalanan ba 'ko?
"Ok" ngumiti siya. Naglakad na ulit ako
"Hatid kita" sabi niya. Tumango lang ako.

I guess we're already okay. That's good.

What If I Change?(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon