Shannon
"Shan" iritado akong tumingin sa kanya
"What?" Cold Kong sabi
"Mag-usap naman tayo" nag-umpisa na naman siyang umiyak. Tss.
"Fine. Magbibihis lang ako" ano bang pumasok sa kukote ko at pumayag ako?Maya-maya bumaba na ako.
"Go. Mag-salita ka lang. Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. This might be the last time that i will talk to you about this matters" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya. Nag-sigh siya bago Nag-salita
"Alam Kong galit ka sakin" buti alam mo. Sobra pa sa sobra.
"Pero sana maintindihan mo na ginagawa ko 'to dahil sa inyo ng kuya mo" Fvck! Kami pa ang dahilan ng pagkakaroon mo ng kabit?
"May dahilan kung bakit ko 'to ginagawa" ba't di mo sabihin ng maintindihan ko?
"Ginawa at sinabi ko ang hindi dapat para sa kaligtasan niyo" what?! Anong sinasabe nito? Bakit? Nasa peligro ba ang buhay namin?
"Alam Kong nasaktan ka sa ginawa ko" puta ka pala eh! Alam mo naman pala
"Sorry kung nasaktan kita. Di kita masisisi kung bakit naging cold ka sakin" sorry lang? Ilang beses ka bang nag-sorry? Nabago mo ba ang nangyayari? Naayos ba ng sorry mo ang buhay ko? Naintindihan ko ba ang ginawa mo dahil sa sorry mo? Naalis ba ng sorry mo ang Sakit?
"Hindi mo lang alam mas nasasaktan ako sa tuwing dumadaan ka sa harap ko na parang di mo ko Nakita" hindi ka masasaktan kung di mo yun ginawa. Anong gusto mo? Umasta ako na ayos lang ang lahat. Gusto mo bang ipakita ko sayo na tuwang-tuwa ako sa ginawa mo? Sorry ha, pero di ako fake na tao. Hindi ko kayang i-fake ang naramdaman ko. Hindi ko kayang kausapin ang taong naging dahilan ng pag-kasira ng sariling pamilya na mayroon ako dati. Hindi ko kayang maging manhid.
"Hindi ako maka-hinga sa tuwing iniiwasan mo ko. Iyak lang ako ng iyak" sa tingin mo ikaw lang ang umiiyak? Iniiwasan kita dahil ayokong pagsalitaan ka ng hindi maganda. Umiiwas ako kasi sa tuwing nakikita kita mas nagagalit ako sayo.
"Miss na kita. Miss ko na ang dating ikaw" leche! Di na ko babalik sa dati! Sinira mo na ang buhay ko. Wala na ang mabait, masayahin at mapag-mahal mong anak! Matagal ng Patay. Tanggapin mo kung ano ako ngayon dahil ikaw ang may gawa nito. Dahil sayo kaya ako nagkaganito.
"Alam ko sinisisi mo ko sa nangyari. Di ako magagalit sayo" kahit ano pang sabihin mo wala ng pag-asang bumalik ang mga bagay na nakasanayan mo noon. Masanay ka sa ngayon dahil kapag ako mas tumindi pa ang galit sayo baka makalimutan Kong may ina pa ako.
"Sorry talaga! Pangako ko hindi kita papabayaan. Nandito pa rin ako" tss. Hindi kita kailangan.Hindi na siya Nag-salita ulit. Umiiyak lang siya ng umiiyak. Tumayo na ako.
"Tapos ka na? Baka may idadagdag ka pa" sabi ko. Tumingin lang siya sakin. Naglakad na 'ko papunta sa kwarto ko."Anak, mahal na mahal kita" narinig Kong sabi niya bago ko isarado ang pinto. Kumawala na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Parang ilog na agos lang ng agos. Ang sakit.
Bakit mo ginawa yun? Freya Fortaleza. Mama.
Sa muling pag-kakataon, narinig ko ang sarili Kong humihikbi.
Hindi masosolusyunan ng pag-iyak ang problema. Tumutulong lang Ito para mabawasan ang Sakit. Totoo nga na mahirap ibalik ang tiwala lalo na kung isa sa mahal mo sa buhay ang sumira.
BINABASA MO ANG
What If I Change?(completed)
JugendliteraturProblems. It's my everyday. Hell. It's my life. Death. It's my goal. Love. It's my weakness. Fight. It's my strength. Friends. I care. Family. Nothing. Enemy. Hobby. Suffer. Pain. Hurt. Endure. Feel. Agony. Anguish. Misery. Woe. Torture. They're my...