Shannon
Maaga akong nagising. Normal day para sa ibang tao pero para sa amin.....hell. Ano kayang mangyayari mamaya? Inihanda ko na ang mga gagamitin ko. Para sa pamilya ko to. Hindi ko kakayanin kung mawawala sila tapos mabubuhay ako, ngayon pa na ayos na ulit kami.
Isa-isa Kong tinext ang mga gang-mates ko. Sinabi ko lang na thank you. That was weird 'cause I've never said thank you to them before. Pero kung ano man ang mangyayari mamaya, bahala na.
Bumaba ako para mag-breakfast. May gana pa talaga akong kumain. Nagulat ako kasi andun na sa lamesa si Mama at si kuya.
"Si Papa?" Tanong ko Kay kuya
"May kausap sa phone" sabi niya. Tumango na lang ako tapos kumuha ng tinapay at sunny-side-up. I drank my milk. Umupo na din si Papa. Nagkatinginan sila ni Mama
"Princess bumili ako ng ticket papunta sa Paris and" kinabahan ako. Eto ba yung way nila para ilayo ako dito?
"And what Pa?" Tanong ko. Gusto Kong makasigurado
"Magbakasyon ka muna dun Shan" sabi ni Mama
"Ayoko po" I said firmly
"Bakit? Diba matagal mo ng gustong pumunta ng Paris?"
"Dati yun kuya, I'll be staying here. I'm not going"
"Pero----" di na naituloy ni kuya ang sasabihin niya. Tumayo ako at tiningnan sila isa-isa
"I know your plan. Please lang, wag niyo na po akong pagkaisahan" sabi ko tapos tinalikuran sila. They're being unfair again. I heard them sigh. Dumiretso ako sa Kwarto ko.Mahina ba ako? Bakit sa tuwing may laban sila laging wala akong alam? Lagi akong wala. Para sa kaligtasan ko? Simula ng sumali ako sa gangster world lagi na lang na nasa panganib ang buhay ko. Hindi pa ba sapat yun para pumayag silang lumaban kasama ako? Argh! This is fvckin' annoying!
I heard my phone ringing. I answered the call.
"Baby loves" tss. It was Drew
"Yeah?"
"Ok ka lang?" Ba't ang weird niya ngayon? Usually kasi I love you ang sinasabe niya after ng baby loves. Anyare?
"Of course! Why wouldn't I?"
"Eh, kinakabahan kasi ako ngayon eh. Baka may mapahamak sa mga mahal ko"
"Tss. Such a Drama king. And also OA and Cheesy and corny"
"Oo na! Oo na"
"Tss. Okay lang ako. Walang mangyayaring masama sakin" I promise
"Ok"
"Bye"
"I love you"
"Love you too" yuck! Naiinis pa din ako kapag nagsa-sabi ng ganunI hanged up. For you and for my family, I'll make sure that I will make it alive.
Maya-maya may kumatok sa kwarto ko
"Come in!" Sabi ko. Pumasok si kuya tapos binatukan ako
"Papa's office now" sabi niya tapos nag-lakad na palabas. Yes!"Babaeng Matigas ang ulo umupo ka dito" seryosong sabi ni Papa pagdating ko sa office niya na nasa loob lang din ng bahay namin. Binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti. Natawa na lang si kuya at si Mama.
"How'd ya know?"tanong ni Kuya
"Know what?" Inosente Ko ring tanong
"Na may Plano kami" tumingin ako Kay Papa
"I heard Daddy talking to someone over a phone and I heard my name" sabi ko sabay kibit-balikat
"That's not right Princess"
"I know kuya... just got curious"
"Tss"Ipinaliwanag sakin ni Papa lahat ng kailangan Kong malaman. And dapat daw hindi ako humiwalay Kay Mr. Lee. Whatever. Ang kalaban ang susugod. Itong bahay ang puntirya nila. Ayos, saulo ko every corner of this house. Mamayang gabi sila susugod. After nun bumalik na kami sa kwarto namin.
Time check, it's 5:30 pm. Malapit na.
I waited till 12:00 pm. Bakit ang tagal nila? Psh. Grabe lang Shan talagang atat kang mamatay?
Bababa sana ako kaso nakarinig na ako ng malakas na pag-sabog. Simula na. Let's get it on!
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ang mga baril ko pati mga dagger, shuriken, darts at katana ko. Nasan na ba ang pamilya ko? Lumabas ako ng kwarto ko at walang takot na bumaba sa sala. Madilim dito sa loob ng bahay. Leche! Napasok na agad nila ang kusina. Tss.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at nilagyan ng silencer ang baril ko. I shot every men that I saw. Nagulat ako ng may humila sakin. Psh. Si kuya.
"What?" Tanong ko
"Wag ka ngang basta sugod ng sugod. Matalino ang kalaban at hindi mo alam kung saan sila manggagaling" sermon niya
"Fine" sabi ko na lang. Eh sa gusto ko ng maubos agad sila eh.Sumunod na lang ako Kay kuya. Dumiretso kami sa back door. Shit! Andami nila. Nag-lakad palabas si kuya at nakita Kong may lalaki sa puno. Inihagis ko ang dagger ko at nahulog ang lalaki. Tiningnan ko si kuya.
"Wag pala basta sugod ng sugod ha" sabi ko at nag-lakad na din palabas. Baril lang kami ng baril. Saan ba kami pupunta?
"Kuya, bakit nasa labas tayo?" Tanong ko
"Papasabugin nina Papa ang bahay kaya dapat makakaalis na tayo" sabi niya
"Paano sila?" Tanong ko
"Susunod sila satin"Tumango na lang ako sa kanya. May tiwala ako sa magulang ko. Hindi pa man kami nakakalayo ay may narinig na kaming pag-sabog. Napakunot ang noo ni kuya.
"Diyan ka lang ha! Wag kang susunod!" Sigaw niya. Hindi pa ba yun ang pag-sabog na sinasabe niya? Shit lang!
Dahil dakila akong masunurin ay sumunod ako Kay kuya. Baka kung ano ng nangyayari sa loob.
Umakyat ako sa kwarto ni Mama. Shit! Sirang-sira na. Bumaba ako at dumiretso sa sala. Nakita ko si Mama na nakasandal sa pader. Napatingin ako sa taas...
"MAMA!!!!!!" tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya.
Bang!
Bang!Nakarinig ako ng putok ng baril.
Tapos na.
Then everything went black.
BINABASA MO ANG
What If I Change?(completed)
Novela JuvenilProblems. It's my everyday. Hell. It's my life. Death. It's my goal. Love. It's my weakness. Fight. It's my strength. Friends. I care. Family. Nothing. Enemy. Hobby. Suffer. Pain. Hurt. Endure. Feel. Agony. Anguish. Misery. Woe. Torture. They're my...