TYRON
Nay, kumusta na po kayo?
Mabuti naman ako anak, ikaw?
Kumusta ka na diyan?Okay naman po, may ibabalita
pala ako sa inyo, Nay.Ano 'yon?
Malapit na po akong umuwi,
confirmed na po 'yong flight ko.Talaga ba, anak? Mabuti naman
kung ganon... miss na miss na
kita, anak.Ako din po, miss na miss ko
na po kayo.Ikaw naman kasi, anak... pwede
ka naman palang umuwi, nagpalipas
ka pa ng ilang taon.Nay, sorry na po... napag-usapan
na po natin iyan 'di ba? Ang
importante po, pauwi na ako
at magkikita na tayo.Salamat naman, anak.
Ako din, may ibabalita sa iyo.
Nay, kung tungkol na naman
po kya Anicka, huwag na lang po.Anak, hindi ka pa ba nakakalimot
sa nangyari noon? Pinagbayaran
na niya ang mga nagawa niya,
sobra-sobra pa ang siningil ng
tadhana sa kanya. kalimutan mo
na iyon, anak.Nay, ayoko na ho sanang
pag-usapan.Patawarin mo na siya, anak...
para na rin sa ikagagaan ng
kalooban mo.Nagkabaligtad na ang sitwasyon
ngayon, ikaw na ang nasa itaas,
at siya na ang nasa ibaba... hindi
pa ba sapat na iginanti ka na
ng tadhana?Nay, kinalimutan ko na po
siya, huwag na po kayong
mag-alala.Maiba ako, ikaw ba eh... wala pang ipakikilala sa akin?
Wala ka pa bang balak na
mag-asawa? Aba, gusto ko nang
magkaroon ng apo ah..Hahaha... Nay, apo lang pala
ang gusto nyo eh, madali ho
nating magawan ng paraan yan.Bakit? mag-aasawa ka na ba?
Kaya ka ba uuwi para ipakilala
sa akin ang mapapangasawa mo?Hahaha... nay pwede ho
kayong magka-apo kahit
hindi ako mag-asawa... wala
na ho akong balak mag-asawa.Susmaryosep kang bata ka...
puro ka talaga kalokohan..Nay, seryoso po ako.. ilang
apo po ba ang gusto nyo?Heh! Ako nga ay tigil-tigilan mo,
ha. Anong akala mo sa magiging
apo ko? kape? Pwedeng instant?Noodles po, nay, may instant
din. Hahaha... si Nanay
bumabanat, sabi ko naman
sa inyo huwag kayong nagdidikit
kay Bench eh... nahahawa tuloy
kayo sa mga banat niya.Heh! Huwag mong ibahin
ang usapan.Hahaha... Nay, wala na po
akong balak mag-asawa...
sakit lang po iyon sa ulo,
masaya po ako sa buhay
kong malaya...Hay nako... ewan ko ba sa iyo,
sana lang ay mabago ng hinaharap
ang mga katwiran mo na iyan.Sige na, anak, alam kong
gabi na diyan... magpahinga ka
na. Balitaan mo ako agad kung
kailan ang eksaktong dating mo
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
General Fiction"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...