PAGKAALIS ng kahuli-hulihang nakipag-libing ay napabuntong-hininga na lamang si Anicka.
Ano nang gagawin niya ngayon?
Nag-iisa na lamang siya.
Nakita niya ang ama sa loob ng kwarto nito na wala nang buhay.
Nagbaril ito sa sarili.
Ayon sa iniwan nitong sulat ay humihingi ito ng tawad sa kanya.
Hindi pa malinaw kung bakit.
Nang maalala ang ama ay muling pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.
Bakit nagawa iyon ng ama?
Kung may problema, o kung may nagawa ito ay maaari naman nila iyong pag-usapan.
Bakit kailangang kitlin nito ang sarili nitong buhay? Sa dami ng mga pinag-daanan nila ay ngayon pa ba ito susuko?
Ama niya ito.
Ito na lamang ang natitira sa kanya. Hindi maaaring hindi niya ito mapatawad.
Napabuntong-hiningang lumabas na lamang siya ng sementeryo at nagpasya nang umuwi.
Pagdating niya sa bahay ay may magarang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay nila.
Kunot-noong binuksan niya ang gate at pumasok.
Muling nag-init ang kanyang mga mata nang mapatingin sa mansyon.
Nag-iisa na lamang siya sa napakalaking mansyon na ito.
Iniisip niyang ibenta na lamang ito at bumili ng mas maliit na bahay. Hindi naman niya kailangan ng ganito kalaking tirahan. Napakalaki nito para sa kanya, paglilinis pa lamang nito ay kukulangin na ang dalawang araw niya. Hindi naman na niya kayang kumuha ng katulong. Praktikal lamang na ibenta na lamang niya ito.
Ang ama na lamang niya naman ang dahilan kung bakit doon pa rin sila nakatira. Hindi nito matanggap na wala na sa kanila ang lahat. Ayon dito ay darating din daw ang araw na mababawi nila ang lahat ng nawala sa kanila.
Sumubok pa rin itong magtayo ng negosyo ngunit nabigo lamang ito.
Wala nang gustong magtiwala rito dahil sa mga nangyari. Malaking kawalan dito ang pagkawala nito sa pwesto.
Kung siya ang tatanungin ay nasanay na rin naman siya sa sitwasyon nila. Hindi na hinahanap ng katawan niya ang masarap na buhay. Natuto na siyang magbanat ng buto upang tustusan ang sariling pangangailangan.
Isa lamang ang pinanghihinayangan niya sa mga nangyari, ang pagkawala ng ina.
Masyado itong naging mataas at materyosa, kaya't hindi nito kinaya ang pagkawala ng lahat. Gayundin ang panlilibak ng mga tao, kaya't inatake ito sa puso.
Naiiling na lamang siya nang maalala niya na naman ang mga magulang.
Kung sana ay natuto na lamang na tanggapin ng mga ito ang kinahinatnan ng buhay nila, disin sana ay buo pa ang pamilya nila.
Hindi na siya nagtaka nang bumaba ang may-ari ng sasakyan at sumunod sa kanya.
Isa ito marahil sa mga pinagkaka-utangan ng kanyang ama.
Sa tantiya niya ay nasa edad kuwarenta hanggang kuwareta y singko ang lalaki.
May hitsura din naman ito. Ngunit base sa ngiti nito ay nararamdaman niyang hindi magandang balita ang dala nito.
"Ah... magandang hapon sa iyo, Anicka," magalang at nakangiting bati nito sa kanya.
"M-magandang hapon din po...--" sadya niyang ibinitin ang salita sapagkat hindi niya kilala ang lalaki.
"Lorenzo... Lorenzo Montelibano." dugtong naman nito sabay lahad ng kamay sa kanya.
Dala ng kagandahang asal ay tinanggap niya ang pakikipagkamay nito.
Na tumagal kaysa sa nararapat, sapagkat hindi nito agad binitiwan ang kamay niya.
Nahihiyang bahagya niyang hinatak ang kamay niya na tila ayaw na nitong bitiwan.
"Hrmp... maaari na ba akong pumasok at nang mapag-usapan na natin ang dahilan ng pagparito ko?" medyo napahiya nitong sabi.
"Ahm..." litong lumingon siya sa loob ng bahay at muling bumaling ang tingin dito.
Hindi niya alam kung papapasukin ba ito o hindi. Hindi niya ito kilala kaya't bahagya siyang nag-dalawang isip.
"Huwag kang mag-alala, kilala ko ang ama mo," anito nang tila ay nabasa ang nasa isip niya.
Wala sa loob na napatango na lamang siya sa sinabi nito at pinapasok ito sa loob ng bahay.
Nanlaki ang mga mata niya at literal na bumuka ang labi nang umpisahan na nito ang dahilan kung bakit ito naroon.
"No...! Hindi totoo iyan! Hindi magagawa sa akin ng Papa iyan!" umiiling at nanlalaki pa rin ang mga matang sabi niya.
Unti-unti nang nanunubig ang mga mata niya.
"Narito ang lahat ng kasulatan na magpapatunay sa pagkaka-utang ng ama mo. At may pirma niya rin ito. Maaari mong ipasuri, kung nais mo. Kasama ang kasulatan na kung hindi siya makakabayad ng halagang dalawang milyon, ay ikaw ang magiging kabayaran sa pagkaka-utang na iyon." pormal at malupit na saad nito.
Doon na tuluyang pumatak ang mga luha niya.
Paano nagawa ito sa kanya ng ama?
Naalala niya ang sulat na iniwan nito.
Ito ba ang dahilan kung bakit humihingi ito ng tawad sa kanya?
Ito rin ba ang dahilan kung bakit mas ninais na lamang nitong kitlin ang sariling buhay, kaysa makita nito ang resulta ng ginawa nito?
"Oh, Papa... what have you done?" tangis niya sa isip niya.
Ngunit hindi ito ang oras ng kahinaan. Kailangan niyang magpakatatag.
Pinahid niya ang mga luha at taas-noong humarap dito.
"Kung ganon ay kailangan kong magpakasal sa iyo, upang mabayaran ko ang pagkaka-utang ni Papa?" gusto niyang batiin ang sarili sapagkat nasabi niya iyon ng deretso at hindi pumipiyok.
Bahagyang natawa si Mr. Montelibano sa sinabi niya na ikinakunot ng noo niya.
"Don't get me wrong, hija. Gusto kita..." anitong hinagod pa siya ng malisyosong tingin, medyo nagtagal ang tingin nito sa dibdib niya na ikinapula ng mukha niya. "Pero hindi sapat na dahilan para pakasalan kita. May pamilya na ako." deretsong sagot nito na muling ikinapanlaki ng mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
Aktuelle Literatur"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...
