"NAKAKA-ISTORBO ba ako?" matalim nitong sabi.
Agad na umilap ang mga mata ni Anicka. Si Albert ang sumagot.
"No. Paalis na talaga ako, brod. Can I have a word with you?" anitong deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. Tila nakikipag-sukatan ng tingin dito.
"No... I don't think--"
"It's okay, Mahal," putol ni Tyron sa sana ay pagtutol niya. "Wait here..." hindi niya maintindihan ang ibinabadya ng mga mata nito, nang sandaling magtama ang paningin nila, bago ito nagpa-una nang lumabas.
Si Albert ang binalingan niya. " P-pero, Albert...--"
"Shh... don't worry. Much as, it'll give me pleasure, hindi ko bubugbugin ang boyfriend mo." nakangiti na nitong sabi at ginulo pa ang buhok niya, bago lumabas at sinundan si Tyron.
Naiwan si Anicka'ng natitigilan at hinayon na lamang ng tingin ang pintong nilabasan ng dalawa.
TYRON'S POV
NAGPUPUYOS ang kalooban na nauna na siyang lumabas. Baka kung magtatagal pa siya sa loob, ay hindi niya mapigilan ang sarili, at ano pa ang magawa niya kay Albert. Kababati lamang nila ni Anicka, at ayaw niyang masira agad ang maganda nang bagong simula nila, ng dahil lang sa lalaking iyon.
Pero, tang-ina talaga!
Nakaka-selos naman talaga 'yung naabutan niya. Nangyari na ito noon. Ang kaibahan nga lamang, ay naghahalikan ang dalawa noon.
Pero, ano bang malay niya kung katatapos lang nilang maghalikan?
Sa naisip, ay pagalit na sinipa niya ang batong nadaanan niya. Kawawang bato, sapagkat doon niya naibunton ang galit niya.
"Hrmp..."
Napalingon siya nang marinig ang tikhim sa likuran niya.
"Brod, hindi lalaban 'yang bato na 'yan," nahihimigan niya ang amusement sa tinig nito.
"Bakit ka nandito?" sa halip ay madilim pa rin ang anyong tanong niya rito.
Nagkibit ito ng balikat. "Nandito ako dahil iniisip ko, na baka kailangan ako ni Anicka. Despite of what happened, magkaibigan pa rin kami." deretso ang mga mata nito sa kanya.
Walang halong paghahamon, ngunit naroon ang determinasyon.
"At bakit mo biglang naisip na kailangan ka ng girlfriend ko ngayon?" aniyang idiniin ang salitang 'girlfriend'.
Umangat ang gilid ng labi nito. Naroon pa rin ang amusement. "Nabanggit ba sa iyo ni Anicka iyong tungkol kay Mr. Montelibano?" naka-angat ang kilay nito.
Biglang dumeretso ang tayo niya at naalerto ang sistema, nang marinig ang pngalang iyon. Iyon 'yung lalaking nadatnan niyang minsang kausap ni Anicka. At sa unang tingin pa lamang niya sa lalaking iyon, ay alam na niyang hindi maganda ang hangarin nito sa nobya.
"Ano ang tungkol sa lalaking iyon?"
"So, wala kang alam?"
Hindi naman nakakaloko ang paraan ng pagtatanong nito, ngunit talagang napipikon na siya. Diyata't mas may alam pa ito kaysa sa kanya.
Nagawang sabihin dito ni Anicka ang lahat, samantalang sa kanya ay hindi?
"Ano ang kailangan kong malaman?" naiinis pa ring tanong ulit niya.
Muli itong nagkibit ng balikat. "It's not my story to tell. Ask her." bahagya pa nitong ikiniling ang ulo. "Anyway, gusto kitang maka-usap dahil kay Anicka. Nakiki-usap ako sa'yo, brod, kung hindi ka seryoso sa kanya, pakawalan mo na siya. Masyado na siyang maraming masasakit na pinagdaanan nitong mga nakaraang taon, huwag mo na sanang dagdagan iyon."
"At sino ka para sabihin sa akin 'yan?" nagtatagis ang mga bagang na sabi niya.
"Sinabi ko na, magkaibigan kami. Maaaring minahal ko siya ng mas higit pa roon, pero nananatili ang pagka-kaibigan namin. Mabuting tao si Anicka, at hindi niya deserve ang masaktan."
"Sa tingin ko, wala ka sa lugar para pagsalitaan ako ng ganyan. Wala kang alam." aniya sa pagitan ng mga ngipin.
"Maaari." tumingin ito sa mga mata niyang tila naghahamon. "Pero binabalaan kita, Tyron... kahit isang patak na luhang manggaling sa mga mata niya, na ikaw ang dahilan, ipinangangako kong gagawin ko ang lahat, maagaw ko lang siya sa'yo!" iyon lang at tumalikod na ito.
Ngitngit pa rin ang kaloobang humugot ng napakalalim na buntong-hininga si Tyron. Pilit niyang pinakakalma ang sarili. Ayaw niyang pumasok sa loob ng nagngingitngit pa rin ang kalooban.
Nang medyo kalmado na, ay nagpasya na siyang pumasok, upang kausapin naman si Anicka.
ANICKA'S POV
KANINA pa siya hindi mapakali. Nandoong tatayo siya at napapalakad-lakad at sisilip sa bintana. Hindi niya naman naririnig ang pag-uusap ng mga ito. Pero base sa nakikita niya, ay seryoso ang usapan sa labas.
At alam niyang galit si Tyron, base sa dilim ng mukha nito.
Nandoon ding uupo siya at hindi mapakaling panay ang kiskis ng mga palad sa kanyang tuhod.
Bigla siyang napatayo nang pumasok si Tyron.
"Si Albert?" wala sa loob na bigla niyang tanong.
"Mas gugustuhin mo ba kung ako ang umalis, at siya ang nagpaiwan?" mahina nitong sabi sa pagngangalit ng mga bagang.
Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito.
"No. Of course, not," mabilis niyang sabi.
"I mean, anong pinag-usapan n'yo?"Ipinasok ni Tyron ang mga kamay sa magkabilang bulsa at lumakad palapit sa kanya. Naupo ito sa pang-isahang upuan na kaibayo niya. Wala sa loob na napa-upo rin siya.
Bakas na bakas ang lungkot sa anyo nito. Nais niya sanang pawiin iyon ngunit hindi niya alam kung papaano.
"Ten years ago, may ganitong eksena rin akong naabutan. Ang kaibahan lang, magkayakap na lang kayo ngayon." maya-maya ay sabi nito sa mahinang tinig na sa sahig nakatingin habang magkasalikop ang mga palad sa gitna ng nakabukang mga hita.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Sa likod ng Home Economics Building... right then, I realized, that you didn't really love me. Right then, I chose to gave up." mahina pa ring sabi nito.
"You were there?!" nanlalaki pa rin ang mga matang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
Fiksi Umum"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...