TYRON
Mahal...
Bakit?
Huwag kang mag-uniform.
Bakit na naman?
Susunduin kita diyan.
May pupuntahan tayo.
Mahal, may trabaho ako.
Sige na naman.
Saan ba kasi tayo pupunta?
Basta. We're going to
fulfill my greatest dream.
Huh? Greatest dream?
Mahal, baka puro kalokohan
na naman 'yan, ha.
Hindi po. Basta bihis
ka na lang. Nandiyan
na ako in five minutes.
Sige na nga. Kapag ito
kalokohan lang ha... lagot
ka talaga sa'kin.
Hindi nga po.
I love you.
I love you, too.
MAHAL
Mahal, ano 'to? Akala
ko ba ikaw ang susundo
sa'kin?
Trust me, Mahal. Sumama
ka na lang sa kanya.
Hmpf. Pasalamat ka,
mahal kita.
I know. I love you, too.
Sige na... sama ka na sa
kanya. Mahal binayad ko
diyan. Hahaha..
Mahal, bakit may
blindfold pa? Grr...
Mahal, ano ba talaga 'to?
Mahal naman eh, ang kj mo.
Sige na, sumunod ka na lang.
'Pag ito talaga kalokohan
lang ha.
Hindi nga po.
Sige na, isusuot ko na.
Thank you.
MATAMANG nakikiramdam si Anicka. Dahil naka-blindfold siya ay mas lalong naaalarma ang kanyang sistema. Hindi naman masyadong malayo ang biniyahe nila. Pakiramdam nga niya ay wala pang kinse minutos siyang naka-upo, bago tumigil ang sasakyan.
Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kahit kakapa-kapa ay kinuha niya ito sa bag niya at sinagot ang tawag.
"Hello..."
"Mahal, pwede mo nang tanggalin ang blindfold mo."
"Parang gusto ko na lang na naka-blindfold, ah. Parang kinakabahan ako sa kung anong kalokohan 'to," may himig biro sa boses niya.
"Mahal naman, eh... sige na..."
"Oo na po... wait."
Saglit niyang ibinaba sa kandungan ang aparato at tinanggal ang nakapiring sa mga mata. Maka-ilang beses muna siyang kumurap bago bumalik sa dati ang paningin.
Pagtingin niya ay nasa harapan sila ng paaralang pinasukan nila ni Tyron noong high school.
Agad niyang dinampot muli ang telepono at tiningnan kung naroon pa ang kasintahan.
"Mahal..."
"Ano pa'ng hinihintay mo? Baba ka na diyan, Mahal, kanina pa ako naghihintay dito. Close na nga kami ni Manong Guard, eh." anito ang mahinang tumawa.
"Mahal, ano'ng ginagawa natin dito?" kahit naguguluhan ay bumaba pa rin siya ng sasakyan.
"Pasok ka sa loob, Mahal."
"Papapasukin ba ako? Hindi na ako estudiyante."
"Trust me, hindi ka na haharangin ni Manong Guard, kahit wala kang ID."
"Puro ka talaga kalokohan,"
"Pasok ka na kasi..."
"Sige na, baba ko na 'to, hintayin mo na lang ako diyan. Teka... saang part ka nga pala ng school?"
"Makikita mo agad ako.. promise."
"Okay."
At ibinaba niya na nga ang tawag. May halong kaba at excitement na naglakad si Anicka papunta sa gate ng eskuwelahan.
Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Pagpasok niya sa gate ay nagtaka pa siya nang ngitian pa siya ng guard na nakabantay doon. Tila inaasahan nga nito ang pagdating niya.
Pagpasok niya pa ng kaunti ay natanaw niya na si Tyron. Sa lugar kung saan madalas itong tumambay noon.
Doon niya ito madalas na nakikita kapag pumapasok siya at umuuwi.
Nakita niyang sa kanya rin ito nakangiting nakatingin. Nakataas ang kilay na lumakad siya patungo rito ngunit kinindatan lamang siya nito. Nang makalapit siya ay agad itong tumayo at sinalubong siya ng mabilis na halik sa labi.
"Mahal, ang daming estudiyante, ano ka ba?" aniya sabay palo sa braso nito na tinawanan lamang ng kasintahan.
"Come on, let's take a walk inside." he said, as he entwined his fingers, with hers.
Nagtataka man sa ginagawa nito ay sumunod pa rin siya sa paglakad nito papasok ng University.
"Remember, when we were in high school?" panimula nito habang naglalakad sila. Ang isang kamay ay nakahawak sa kamay niya at ang isa naman ay nakasuksok sa bulsa nito. "I asked you, kailan kaya mangyayaring masabayan kita nang katulad ni Albert?" anitong deretso lang ang tingin.
"M-mahal..." natitigilan niyang sabi na bahagyang huminto.
Parang alam na niya ang nangyayari.
"Shh... just walk, okay?" nakangiting anito na bahagya siyang hinila palakad. "Lagi akong nakatanaw sa'yo mula sa malayo, kahit noong hindi pa tayo," anito at bumuntong-hininga. "At noong naging tayo na, hanggang tanaw pa rin ang kaya kong gawin. Ang hirap mong abutin noon, eh. Lagi kong pinapangarap na maglakad sa field na ito ng ganito..." sumulyap pa ito sa kanya.
"Mahal..." muli ay hindi siya nito pinansin.
"...kasabay ka... hawak ko ang kamay mo. At pwede kong ipagsigawan na akin ka... na mahal kita at mahal mo ako," doon ito humito at humarap sa kanya.
Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng luha. Agad nitong pinadaanan ng thumb finger nito ang pisngi niya upang palisin ang mga luhang masagana nang pumapatak.
""Shh..." masuyong anito at sinapo ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa noo. "Mahal, hindi kita dinala rito para paiyakin. Gusto ko lang masaksihan ng unibersidad na ito, ng lugar na ito, kung saan nagsimula ang pagmamahalan natin, na hindi tayo natalo ng pagsubok, na nanalo tayo, Mahal. Na nagkaroon ng katuparan ang pagmamahalan natin." muli siya nitong dinampian ng halik sa noo at mabilis na hinalikan sa mga labi.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
General Fiction"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...
