Chapter 14.1

25.5K 585 15
                                    



TYRON

WHERE are you?

Damn it, Anicka, lagi
na lang bang ganito ang
bungad text ko sa'yo? Lagi
na lang kitang hinahanap!

Nasa WAAK na ako, bakit ba?

Hindi ba sabi ko sa iyo
kaninang umaga, babalik
ako? Maliligo lang ako
at magbibihis.

Nakalimutan ko.

Nakalimutan, o, kinalimutan?
Magkaiba 'yon!

Anicka...

Oh?

Bakit hindi ka na sumagot?

Ayokong makipag-away,
ang aga-aga.

Kung hinintay mo ako,
wala sanang problema!

Bakit ba kasi kailangang
sabay pa tayong pumasok?

Didn't we both agree,
to act, as a real couple?

Ah, iyon ba? Tuloy pa
ba iyon?

Of course. Pinag-usapan
natin 'yon.

I paid you, for that!

Correction, boss... you paid me
to be your bed partner, and not as
your fake girlfriend.
Magkaiba 'yon!

What's the difference?

Huh? You're asking for
the difference? Ang bed
partner hanggang kama
lang, hindi na kailangan
pang ibandera.

Damn you!

Anyway, why the fuss, boss?
Nandiyan naman si Rachel.

I knew it!

?

You're jealous...

WHAT?

Intense, huh?

You're imagining things.

Really?

Let me tell you, in case
you didn't know... Rachel's
not my girlfriend anymore.
Naghiwalay na kami bago
pa man ako bumalik ng
Pilipinas, kung matatawag
ngang relasyon ang kung
ano mang nagkaroon kami.
We both agreed into a non-
commitment relationship,
when it's done, it's done.

Anicka...

Boss?

I told you, to stop
calling me boss!

Bakit hindi ka na nagreply?

Hindi mo naman kasi
kailangang magpaliwanag, eh.
Alam ko ang lugar ko.

Damn it, Anicka!
May pinag-usapan tayo.

Paano si Rachel?

What about her?

Ayoko ng gulo.

Hindi siya manggugulo.
Wala kaming relasyon.

Katulad ng wala din tayong
relasyon!

Damn! Paulit-ulit nalang
tayo!

Weather you like it or
not, magpapanggap
tayong may relasyon!

You're the boss.

Damn you!

ALAS ONSE Y MEDIA na ay hindi pa rin dumarating si Tyron sa WAAK. Kahit umaantak ang kalooban ay ipinag-kibit-balikat na lamang iyon ni Anicka. Muli ay inabala niya ang sarili sa trabaho. Lagpas alas dose na nang maisipan niyang kumain.

Sa pinaka-likod ng tindahan ay may isang maliit na silid na nagsisilbing pantry nila. Noong hindi pa si Tyron ang namamahala ng tindahan ay tanging mahabang mesa lamang at dalawang mahabang upuang kahoy ang naroon. Ngunit nang mag-change management ay nagkaroon na rin ng water dispenser na may hot and cold, may refrigerator, microwave oven, at dalawang stand fan, na idinagdag sa dati nang isang ceiling fan.

Inabutan niya sina Denise at Claire na kumakain.

"Anicka," agad na bati ni Claire pagkakita sa kanya. "Ngayon ka pa lang kakain?"

"Nalibang ako, eh. Hindi ko namalayan ang oras." sagot niya at matipid itong nginitian.

"So, kumusta ka-trabaho si Sir?" usisa naman ni Denise sa pagitan ng pagkain. "Grabe, Anicka... nakaka-inggit ka talaga. Biruin mo, maghapon kayong nakakulong sa kwarto ni Sir," tila kinikilig pang dagdag nito.

"Loka, nagtatrabaho kami, noh." naiiling na sabi niya.

"Kahit na, naiinggit pa rin ako." anitong ngumuso pa.

Nasa ganoon silang pag-uusap nang bumukas ang pintuan at iniluwa si Tyron. Deretso itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa labi, sa panlalaki ng mga mata niya.

Kapwa nakanganga sina Claire at Denise sa nasaksihan. Agad niyang naitulak palayo si Tyron nang makabawi sa kabiglaan.

"Hi, Mahal. Pasensya ka na, ngayon lang ako, ha. May dinaanan pa kasi ako, eh." kaswal namang sabi nito, na tila walang dalawang nilalang na kapwa nakanganga at nakatingin sa kanila nang mga sandaling iyon.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata ngunit hindi siya nito pinansin. Bagkus ay isa-isang inilabas ang mga laman ng paper bag na dala pala nito.

"But, of course, kailangan sabay tayong mag-lunch. Ipinabalot ko ito sa kabila," walang anumang anito at nag-angat ng tingin sa dalawang nakanganga pa rin. "Claire, Denise, kumuha rin kayo, marami naman 'to, hindi namin mauubos."

Tila nagulat pa ang dalawa nang marinig na binaggit ang mga pangalan nila. Kung hindi lamang sa sitwasyon ay nais niyang matawa nang kapwa ito mapitlag at hindi malaman kung ano ang uunahing gawin. Namula siya nang mapatingin siya kay Tyron at kinindatan siya nito.

Pagkakain ay agad na nagpaalam si Tyron na aalis muna at may aasikasuhin daw na importanteng bagay. Bago tuluyang umalis ay pasimpleng sinenyasan siyang sumunod dito sa opisina. Alanganin siyang tumango at sumunod naman dito. Naiwan niya ang nagtatanong pa ring mga mata nina Claire at Denise.

Nakatayong nakatalikod si Tyron sa harap ng mesa nito nang mapasukan niya sa opisina. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto pagpasok niya.

Ilang sandali muna niya itong pinagmasdan habang nakatalikod na tila may kung anong hinahanap sa mesa nito. Matinding pagpipigil ang ginawa niya upang huwag itong takbuhin at yakapin mula sa likuran.

"God, am I missing him, already?"

Isang tikhim ang ginawa niya na nakapagpa-lingon dito. Pagkakita sa kanya ay agad na umaliwalas ang mukha nito at inilahad ang isang kamay.



Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon