PAG-UWI niya ng bahay ay hindi siya sa silid niya tumuloy. Alam niyang darating nga si Tyron at papasok at papasok ito sa ayaw at sa gusto niya. At wala siyang magagawa... dahil bayad siya.
Binili siya nito.
May dalawang maids quarters ang mansyon, sa ibaba. Mabuti na lamang at regular niya ring nililinis iyon. Doon muna siya matutulog ngayong gabi.
Umakyat lamang siya para kumuha ng bihisan at bumaba na agad. Sa baba na siya maliligo. May sarili ring banyo ang mga silid sa ibaba.
Sinigurado niyang wala siyang naiwang anumang bakas. Hindi iisipin ni Tyron na umuwi siya.
TYRON'S POV
PAGSAPIT ng alas otso ng gabi ay naghanda na si Tyron upang puntahan si Anicka. Alam niyang galit ito sa kanya, at alam niyang kasalanan niya. Agad niyang pinagsisihan ang mga sinabi niya rito kanina. Hindi niya na nga lang alam kung paano bawiin.
Nasaktan lamang siya sa sinabi nito na tila siya bagay na walang halaga, na nakahanda na lamang ipaubaya nito kay Rachel.
Muntik niya nang masakal si Rachel nang pagdating niya sa hotel room nito ay abutan niya itong kumakain. Nalipasan lamang daw pala ito ng gutom kaya sumakit ang tiyan.
Duda siya sa sinabi nito, ngunit wala na siyang magagawa. Sa inis, ay iniwan niya agad ito nang oras ding iyon. Hindi na nga lamang siya makabalik ng WAAK at alam niyang galit si Anicka sa kanya. Nais niya munang palamigin ang ulo nito.
Nang lumabas si Anicka ng WAAK kanina ay nasa Trining's siya. Hindi lamang siya nagpakita rito. Kitang-kita niya nang malungkot itong tumingin sa canteen bago matamlay na umuwi.
Gusto niyang sipain ang sarili sa sakit na nakikita niya sa mga mata nito, na alam niyang siya ang may gawa.
Ipinasya niyang puntahan na lamang ito sa bahay nito upang doon kausapin at humingi ng tawad.
Ngayon nga, ay nasa tapat siya ng mansyon at nakatanaw sa silid nito. Sarado ang lahat ng ilaw ng mansyon. Tila walang tao.
Gayundin, ay tanaw niya ang silid nito na sarado ang lahat ng bintana pati na rin ang pinto ng veranda.
Nasaan kaya ito?
Wala siyang maisip na maaari nitong paki-panuluyan.
Naisipan niyang tawagan ito. Ngunit nakaka-ilang tawag na siya ay hindi pa rin ito sumasagot. Inaasahan na niya iyon, ngunit sumubok pa rin siya. Naisip niya na lamang i-text.
TYRON
Anicka, nasaan ka?
Nandito ako sa labas ng
bahay mo.
Mukhang walang tao.
Nasaan ka? Gabi na,
susunduin kita.
Anicka, please... mag-usap
tayo.
Okay, i'm sorry.
Hindi ko sinasadya iyong
mga sinabi ko. Nabigla lang
ako.
Sorry na. Nasaan ka ba?
Susunduin kita diyan.
NANG hindi pa rin ito sumagot ay naisipan niyang ibahin ang istratehiya.
Bahala na. Ang importante ay malaman niya kung nasaan ito.
TYRON
Anicka, sumagot ka!
Baka nakakalimutan mo,
pag-aari kita, sa loob ng
tatlong buwan.
Bayad kita, Anicka.
Kaya't wala kang magagawa
kundi ibigay ang mga
pangangailangan ko sa
loob ng tatlong buwan.
At kailangan kita ngayon!
Nasaan ka ba?
Kung ibabalik ko ba ang
dalawang milyon mo,
malaya na ako?
NO!
AKIN KA, ANICKA!
NAIINTINDIHAN MO?
HINDI KO KAILANGAN
ANG PERANG 'YAN, IKAW
ANG KAILANGAN KO!
AT KAILANGAN KITA,
NGAYON NA!
DAMN IT!
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
General Fiction"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...
