Chapter 20.2

21.1K 399 9
                                    



SA NARINIG na sinabi ng ina, na marami pang makikilalang iba si Anicka ay tila piniga ang puso niya. Isipin pa lamang niyang may ibang lalaking lalapit man lamang dito ay tila kinakapos na siya ng hininga. Iyon pa kayang mayroong ibang hahalik dito... yayakap... aangkin... hindi pa man ay tila gusto na niyang mamatay--o, pumatay.

"Mahal ko siya, 'Nay, at hindi ko na yata kakayaning mawala pa siya sa akin sa ikalawang pagkakataon." puno ng paghihinagpis na sabi niya.

"Nakaya mo sa nakaraang sampung taon... makakaya mo pa uli sa mga susunod pang mga taon."

"Iba ang sitwasyon noon, 'Nay. At papaano kung mabuntis din siya? Wala akong natatandaang gumamit ako ng proteksyon sa kahit na kailang pakikipagtalik ko sa kanya."

Dagli ang pagbilog ng mga mata ng Nanay niya sa sinabi niya.

Alam niyang hindi niya na kailangang sabihin pa iyon sa ina, ngunit hindi na siya makapag-isip ng tama. Masyado nang mabigat ang kinasusuungan niyang sitwasyon. Gagamitin niya kahit pinaka-maliit na tyansa na magkaroon siya, huwag lamang mawalay kay Anicka.

"Hindi ko alam kung anong klaseng pagpapalaki ang ginawa ng ama mo sa iyo, Tyron, at lumaki kang ganyan ka-iresponsable!" anito sa naniningkit na mga mata kaya't alam niyang talagang galit na ito.

"Mahal ko po si Anicka, 'Nay, at gusto ko talagang magbuntis siya. Nakahanda akong panagutan at pakasalan siya anumang oras."

Naiiling na nahilot ng Nanay niya ang sentido nito. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa iyong bata ka. Pati ang kalikutan sa babae ay minana mo sa ama mo."

Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa siya sinabi ng ina.

"Ayusin mo ang problemang ginawa mo. Siguraduhin mo lang na mailuluwal ng maayos ang apo ko." anitong tinalikuran na siya at dumeretso na sa kusina.

Pakiramdam niya ay lalo siyang nanlata sa sinabi ng ina. Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha at akmang tatayo na nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa bulsa. Agad niya iyong kinuha upang malaman kung sino ang nag-text.

Si Anicka.


MAHAL

Kailan kaya mangyayari
na magigising akong
nandito ka sa tabi ko?

Good morning to you, too,
Mahal.

Ewan ko sa'yo,
'wag mong ibahin
ang usapan.

Mahal, sorry na. Tumawag
si Nanay, eh, importante
raw kaya umuwi agad ako.
Ayoko namang gisingin ka,
alam kong napagod kita
kagabi.

Heh! Ewan ko sa'yo!

Mahal naman... babawi
ako sa'yo, promise.

Sige na... maliligo na 'ko.
May pasok pa 'ko.

Hindi ka na galit?

May konti pang tampo.

Mahal, 'wag ka nang magtampo.
Babawi talaga ako sa'yo.

Sige na.

Okay na tayo?
Please...?

Oo na. May magagawa
pa ba 'ko? Pasalamat ka
talaga mahal kita.

Salamat, Mahal.
Mas mahal kita. Lagi mong
tatandaan 'yan.

Oo na. Nabola mo na
naman ako.

Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon