Chapter 13.3

25.3K 555 3
                                        





"STAY there, huwag kang lalabas." ani Tyron na mariing tiningnan si Rachel.

"B-but--"

"Rachel..." agad niyang putol sa sinasabi nito at binigyan ito ng nagbababalang tingin.

Pinaikot nito ang mga mata at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Okay, okay, dito lang ako." pabuntong-hiningang sabi nito at pabagsak na inilapat ang likod sa swivel chair niya.

Iyon lang at agad siyang lumabas ng opisina upang hanapin si Anicka.

At ngayon nga ay magkaharap sila ng dalaga ngunit wala siyang mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nito.

"Ma--" agad siyang huminto nang makita ang nagbababalang tingin nito, sabay tingin kay Claire na nasa likod pa rin niya at tila nagtataka sa nangyayari.

Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago muling nagsalita. "Anicka, 'yong napasukan mo--"

"Okay lang, sir. Next time lang, mag-lo-lock po kayo ng pinto para hindi tayo nagkakagulatan." wala pa ring emosyong sabi nito.

"Let me--"

"Okay na nga po iyon. Anyway, may gagawin pa po ako, pasensya na po at half day lang ako. Pasok na po ako--" akmang tatalikod na itong muli upang pumasok sa opisina nang pigilan niya.

"Ahm... w-wait... ahh... k-kasi... Shit!" hindi niya alam kung paano sasabihin. "...ahh... nandiyan pa kasi si--"

Natigilan ito at tumingin sa kanya. "Ahh, okay po." anitong nag-iwas ng tingin. "Kung wala po akong gagawin, baka pwede pong umuwi na lang ako. Tutal half-day naman na po ako, itutuloy absent ko na lang." anito at mariing lumunok.

"No." agad na sagot niya. "I mean... paalis naman na siya. Wait, ihahatid ko na lang siya sa canteen." aniya at nagmamadaling lumakad na papunta sa opisina niya.

Pagpasok niya ng opisina ay napasukan niyang pahinamad na naka-upo si Rachel sa upuan niya. Agad itong nag-angat ng likod at tumingin sa gawi niya nang bumukas ang pintuan.

"Come on, ihahatid kita sa canteen." agad ang pag-ilaw ng mga mata nito sa sinabi niya.

"Okay." nakangiting sabi nito at tumayo na. "Buti pa nga doon muna tayo... or, better yet, ipasyal mo na lang ako sa mga magagandang lugar dito sa inyo." anitong mabilis na dinampot ang bag at lumapit sa kanya.

"I'm sorry, Rachel, not now. Ang dami kong trabahong kailangang asikasuhin." aniya at disimuladong umiwas dito.

"You mean, ihahatid mo lang ako doon at iiwan mo ako, at babalik ka ulit dito?" nakangusong sabi nito.

"Yeah. This is a workplace, hindi ka pwede dito."

"B-but--"

"Let's go." agad niyang putol sa sinasabi nito.

Nagmamartsang lumabas ito ng opisina. Nanghahaba pa rin ang nguso.

Nang madaanan nito si Anicka sa labas ay isang irap ang ibinigay ni Rachel dito at deretsong lumabas na ng WAAK. Nagkalampagan ang nakasabit na door chime sa padaskol na paghigit nito ng pintuan.

Naiiling na lumakad na rin siya palabas ng opisina. Nang madaanan niya ang wala pa ring kibong si Anicka ay huminto siya at tumingin dito.

"Pwede ka nang pumasok sa loob, Anicka." bahagya siyang yumuko upang bumulong dito. "Wait fo me there, and we'll talk." mahina lamang niyang sabi sa tapat ng tainga nito para hindi marinig ng mga kasamahan nito.

Hindi siya nito pinansin at pabuntong-hiningang pumasok na sa opisina niya

Sandali muna niya itong sinundan ng tingin bago naiiling na lumabas na ng WAAK at sinundan si Rachel sa Trining's.

Pagdating niya sa canteen ay inabutan niya ang inang tila hapong naka-upo sa tabi ng counter, masama raw ang pakiramdam nito.

"Dadalhin ko na po kayo sa ospital, Nay." agad niyang sabi rito.

Iwinasiwas lang nito ang kamay. "Sus, para kang si Bench. Nahapo lang ako at naparami ang luto ko. May paluto kasing kare-kare si Mrs. de Guzman, eh, sayang din naman kaya tinanggap ko."

"Nanay naman, eh. Sabi ko naman sa inyo huwag kayong masyadong nagpapagod, eh." tila nakukunsuming sermon niya sa ina. "Isara n'yo na lang kaya itong canteen. Nay, kaya ko naman po kayong buhayin kahit wala itong canteen."

"Heh!" anitong pinandilatan siya ng mga mata. "At ano'ng gusto mong gawin ko? Maghilata lang sa bahay? Naku, anak, mas lalo akong manghihina kapag wala akong ginagawa."

"Kaysa naman po ganyan," nag-aalala pa ring sabi niya.

"Huwag kang mag-alala, anak, hindi na ulit ako tatanggap ng ekstrang paluto. Ito na lang talagang canteen ang aasikasuhin ko. Nariyan naman si Bench at ang mga kusinera para makatulong ko." pagbibigay assurance nito.

"Pangako 'yan, Nay, ha. Sa susunod na mahapo ka uli ng ganyan, isasara mo na itong canteen. O, kaya kumuha ka na lang ng tao para siyang mangasiwa rito, kung ayaw n'yo talagang isara."

"Oo, na. Pangako." nakangiting anito na tinapik-tapik pa siya sa pisngi.

"Halina kayo, at ihahatid ko na kayo sa bahay. Magpahinga po muna kayo ngayong araw." aniyang inalalayan na ito sa pagtayo.

"Paano iyong bisita mo?"

"Nasaan na nga ho pala?" tila noon niya lang naalala ang dahilan ng pagpunta roon. Inilibot niya ang paningin sa canteen upang hanapin ito. Agad niya naman itong nakitang nakaupo sa pandalawahang mesa. "Sandali lang ho at lalapitan ko. Ipahahatid ko na lang po siya sa taxi, pabalik ng hotel niya."

Nilapitan niya si Rachel at sinabi rito ang binabalak. Ayaw pa nitong pumayag noong una ngunit napahinuhod niya rin ito.

Matapos magbilin ng kanyang ina sa mga maiiwan doon ay sabay-sabay na nga silang umalis ng canteen.

Pumara siya ng taxi at pinasakay ang dalawa sa likod habang siya naman sa harap. Nang makarating sila sa kanilang bahay ay bumaba na silang mag-ina at ipinahatid na si Rachel pabalik ng hotel nito.

"Can't I really stay?" ayaw pa ring sumukong tanong ni Rachel. Nakadungaw ang ulo nito sa bintana ng taxi.

"You can't. Hindi rin kita maaasikaso, kailangan kong asikasuhin si Nanay."

Bumuntong-hininga ito at nakahalukipkip na bumalik na sa upuan. Tinanguan niya ang nakatingin lang na taxi driver upang paandarin na nito ang sasakyan.

Nang makapasok sa bahay ay pinapanhik niya ang ina sa silid nito at sinabing magluluto lamang siya ng maaari nitong kainin.

Bago magluto ay naisipan muna niyang tawagan si Anicka. Sinabi niya ritong babalik siya agad. Ngunit sa kondisyon ng ina, ay alam niyang hindi niya ito basta maaaring iwan.

Nangunot ang noo niya nang ilang beses na niyang idinial ang numero nito ngunit hindi nito iyon sinasagot. Panay lang ang ring niyon hanggang sa matapos na at palitan ng boses ng operator.




Your Love is my Revenge (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon