Chapter 23.1

20.6K 426 4
                                        




FLORENCIO RESORT

IYON ang nabasa ni Anicka sa malaking arko pagbaba niya pa lamang ng taxi.

Ito na siguro ang resort na pag-aari ng asawa ni Chelsea. Muli niyang tiningnan ang hawak na calling card ng kaibigan at binasa ang nakasulat na pangalan.

Chelsea O. Florencio

Huminga muna siya ng malalim at bitbit ang hindi kalakihang maleta ay lumakad siya papalapit sa gate upang magtanong sa naroong security guard.

"Magandang umaga ho, manong guard, hinahanap ko po si Chelsea..." magalang na sabi niya rito.

Magalang din naman itong ngumiti sa kanya. "Magandang umaga din po, Ma'am. Ano pa ang pangalan n'yo?" balik-tanong nito sa magalang ding paraan.

"Anicka Escudero po..."

Sukat ay nagliwanag ang mukha ng gwardiya. "Ah, opo, itinawag na po kayo ni Ma'am Chelsea. Darating nga raw po kayo. Halika po kayo at sasamahan ko po kayo sa White House." anito na tinapik muna sa balikat ang isa pang guard na kasama nito bago lumabas ng guard house at iginiya siya patungo sa isang sasakyang tila service ng resort sapagkat may nakalagay na logo ng resort sa gilid niyon.

Humigit kumulang limang minuto rin ang biniyahe nila bago niya natanaw ang isang malaking puting mansyon na nakatayo paharap sa dagat.

Napakaringal ng pagkakatayo niyon sa gitna mismo ng maliliit ngunit magagandang cottages na gawa sa nipa at kawayan. Tanging ito lamang ang gawa sa konkreto kaya't tila ito hari na nakatayo sa gitna ng mga nasasakupan nito.

Maya-maya pa ay tumigil na ang service sa harap mismo ng pintuan ng White House.

"Ma'am, nandito na po tayo. Sandali lang po at kakatok lang po ako." anitong anyong bababa na ng sasakyan ngunit inawat niya ito.

"Naku, Manong Guard, huwag na po. Ako na lang po ang kakatok. Maraming salamat po."

"Ibinilin po kayo ni Ma'am Chelsea..." atubili pa ring sabi nito.

"Huwag na po kayong mag-alala, ako na po ang bahala. Salamat po sa paghatid sa akin dito." nginitian niya ito.

"Wala pong anuman." nakangiti rin nitong sabi.

Iyon lang at bumaba na siya ng sasakyan.

Pagbaba niya ay umalis na rin ito agad. Agad naman siyang lumapit sa pinto ng mansyon at kumatok. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at bumungad ang unipormadong kasambahay. Nasa anyo nito ang pagtatanong kung sino siya.

"Ah, good morning. Ako po si Anicka, hinahanap ko si Chelsea..."

Katulad ng guard ay nagliwanag din ang mukha nito sa sinabi niya. Agad nitong niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.

"Naku, Ma'am, pasok po kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Senyorita Chelsea..."

Sumunod siya rito at iginiya siya sa malaking sala na puro puti ang makikita. Mula sa malaking sala set, mga throw pillows, hanggang carpet at mga kurtina.

"Ma'am, tatawagin ko lang po si Senyorita..." ani ng kasambahay na wala sa loob niyang tinanguan.

Abala siya sa paghanga sa mansyon.

Nagulat pa siya nang biglang may tumili sa likuran niya.

"Siiiisss....! Kumusta?!"

Agad niya iyong nilingon.

"Grabe, Sis, makatili ka. Mamaya mapa-anak ka diyan ng wala sa oras."

Bumungisngis lang ito. "Excited lang. Paano naman, ngayon lang ako nagka-bisita, no! Maliban kina Mama at Papa, pero ikaw talaga ang unang naging bisita ko mula nang tumira ako rito." nakalabing sabi nito.

"The price of being rich, huh?" biro niya rito.

"Loka! Sa asawa ko ito, hindi sa akin, no."

"Gan'on na rin 'yon. Nasaan nga pala ang asawa mo?" iginala niya ang paningin sa mansyon.

Nalukot ang mukha ni Chelsea sa tanong niya. " As usual, nasa trabaho. Kapag saturday half day 'yon. At 'pag linggo, walang work, maghapon lang siyang nandito. Pero 'pag weekdays, mag-isa lang talaga ako saka ang mga maids."

Tango lang ang naisagot niya rito.

"Halika na, nagpahanda ako ng makakain natin. Saan mo gustong kumain? Dito, o, sa beach?"

"Dito na lang, pareho rin 'yon."

Umabrisiyete pa ito sa kanya at lumakad na sila papuntang dining room.

Kung puro puti ang lahat ng makikita sa sala, ay ganoon din sa dining room. Mula dining table, hanggang sa mga upuan nito, hanggang sa mga pinggan, ay puro puti.

"Grabe, Sis, hindi naman mahilig sa puti ang napangasawa mo, no?" namamanghang bulong niya sa kaibigan.

Magkaharap na silang naka-upo ngayon sa pang-sampuang dining table na nahahainan ng maraming pagkain.

"Napansin mo rin?" ganting bulong ding nito na sinamahan pa ng hagikgik. "'Yan din ang napansin ko noong una akong nagpunta rito. Actually, 'yung biyenan kong babae ang mahilig sa puti. Siya ang namili ng lahat ng puting makikita mo rito."

"Ganun ba? Pero ang ganda..." tumingala pa siya at iniikot ang paningin. "Ang elegante nga, eh." muli ay bumalik ang tingin niya sa kaibigan. "Masungit ba ang biyenan mo? Baka nakakahiyang makituloy ako rito." alanganin niyang sabi.

"Hindi, no. Ang babait kaya ng mga biyenan ko. Saka botong-boto sa akin 'yon. Lalo na nang magbuntis ako." anito at muli ay humagikgik.

"Thank you talaga, Sis. Maghahanap lang ako ng bagong trabaho, tapos aalis din agad ako rito." aniyang nagyuko ng ulo.

Agad na napalis ang ngiti ng kaibigan sa ginawi niya.

"Sis, may problema ka ba? Pansin kong medyo malungkot 'yang mga mata mo. Saka akala ko ba may trabaho ka? Ano ba'ng nangyari?" bakas ang concern sa mukha at tinig nito.

"W-wala. M-medyo hindi lang kami nagka-intindihan ng boss ko." aniya at nag-iwas ng tingin.

"Sis, alam kong meron. Pero sige, kain muna tayo. Saka na natin pag-usapan 'yan."

Napabuntong-hininga na lamang siya. Alam niyang hindi siya titigilan ng kaibigan.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila. Ngunit napansin niyang tila iniiwasan nito ang topic sa kung bakit siya naroon.

Pagkakain ay sinamahan na siya nito sa magiging silid niya.

At least, hindi na purong puti ngayon. Pink naman ang mottif ng silid.

"Ito ang kwarto ko rito bago kami ikasal ni Lance. Ito na lang ang gamitin mo, para hindi ka masyadong maumay sa puti." nakangiting sabi nito.

Your Love is my Revenge (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon