Chapter 4.1

27.2K 638 2
                                    


KANINA pa wala sa sarili si Anicka. Hanggang sa mga oras na iyon ay naiisip niya pa rin si Tyron.

Parang nararamdaman niya pa rin ang talim ng mga titig nito sa kanya kanina.

Sigurado siyang nakita nito ang ginawang paghalik sa kanya ni Albert.

Ano kaya ang iniisip nito sa nakita?

At bakit parang galit ito sa talim ng titig nito sa kanya?

Posible kayang...--?

"Hays! Erase, erase, erase!" mahina niyang sabi na inihilamos ang kamay sa mukha. "Huwag mo na siyang isipin, Anicka. Mas marami kang bagay na mas dapat isipin kaysa sa kanya." kausap niya sa sarili habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay at huminga ng malalim.

Pagdating ng lunch time ay may problema na naman si Anicka.

Wala siyang baong lunch!

Tanghali na kasi siyang nagising kanina kaya't hindi na siya nagluto ng babaunin.

Sa isip niya ay kakainin na lamang siya sa canteen sa tapat.

Sa kabila naman kasi ng nangyari sa nakaraan ay maganda naman ang pakitungo ni Nanay Trining sa kanya.

Ito pa ang nagpilit na tawagin na lamang daw niya itong nanay, tutal, ay parang anak na rin naman daw ang turing nito sa kanya.

Hindi niya nga lamang inaasahan na darating si Tyron.

At ngayon nga ay namomroblema siya.

Hindi umaalis si Tyron sa canteen.

Dahil salamin na sliding door ang pintuan ng canteen ng mga ito, ay tanaw niya si Tyron, na siya ngayong naka-upo sa kaha na tila nalilibang sa kanyang ginagawa.

Ang susunod pa namang pinaka-malapit na kakainan ay kinse minutos na lakarin.
Kinse minutos papunta, at kinse minutos din pabalik, e di, treinta minutos agad ang mawawala sa oras ng lunch break niya. Ayaw niya namang mamasahe at nanghihinayang din siya sa ibabayad niya.

Napahinga na lamang siya ng malalim.

"Bahala na nga."

Pagdating ng break time ay wala siyang ibang pagpipilian kundi kumain sa canteen sa tapat.

Mabuti na lamang at may kasabay siya.

Wala ring baong pagkain ang isa niyang kasama kaya't napagpasyahan nilang sabay na lamang kumain sa canteen sa tapat.

Pagpasok pa lamang nila sa loob ng canteen ay ramdam niya na ang mga mata ni Tyron na nakasunod sa kanya.

Pero kahit yata magka-stiff neck siya ay hindi siya lilingon sa gawi nito.

"Kuya, sobra po 'yong sukli ko, two hundred na buo lang po iyong binayad ko, hindi po five hundred. Sobra po kayo ng three hundred."

Narinig niyang sabi ng isang estudiyante sa cashier.

"Ahh... gan'on ba? Oo nga ano...?" nakangiting sabi nito sa estudiyante na halatang kinilig nang ngitian nito.

Sino ba naman ang hindi kikiligin?

Naka-suot ito ng yellow polo shirt na humahapit sa maskulado nitong dibdib at maong na pantalon na tila ay yumayakap sa mga hita nito.

Samahan pa ng mala-toothpaste commercial nitong ngiti.

Parang gusto na niyang dumighay sa kabusugan kahit hindi pa man lang siya nakaka-order.

"Akala ko ba hindi ka likingon?" nang-uuyam na sabi ng isang bahagi ng utak niya. "Sorry naman, napalingon lang naman ako d'on sa estudiyante." sagot naman ng kabila.

Napailing na lamang siya sa naisip.

Dati niyang pag-aari ang lahat ng iyon.

Dating buong pusong iniaalay sa kanya.

Kung hindi lang sana--

Napahinga na lamang siya ng malalim.

"Huy, nakikinig ka ba?" siko ng kasamahan niyang si Claire ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

"Huh?!" nagulat pang sabi niya.

"Hay nako... sabi ko na nga ba, lumilipad na naman 'yang utak mo, eh," sabi nito sabay paikot ng mga mata. "Sabi ko, ang gwapo ng bagong cashier. Grabe, kung ganito ba araw-araw, eh di, lagi na lang akong hindi magbabaon," kinikilig na bulong nito sa kanya.

"Shhh... marinig ka! Halika na nga, pila na tayo." sabi niya ritong bahagya lamang sumulyap kay Tyron.

Nagulat pa siya sapagkat nakatingin pa rin si Tyron sa kanya.

"Nicks, nakatingin siya rito. Ano? Okay lang ba ang hitsura ko? Hindi ba magulo ang buhok ko? Hindi pa naman ako nakapag-retouch, oh my God, hindi ako prepared!" maarteng bulong pa rin nito na pinanlakihan niya na lamang ng mga mata.

Ang style ng canteen ni Nanay Trining ay iyong tila sa mga foodcourt ng mall.

Pipila ka upang pumili ng pagkain at sa unahan ng pila ay naroon ang cashier upang bayaran ang in-order mo.

Kaya't heto siya ngayon, kinakabahang makarating sa unahan ng pila.

Nakapili na siya ng pagkain at hinihintay na lamang ang turn niya sa pagbabayad.

Pagdating sa kanya ay pilit niyang iniiwasang magtama ang mga mata nila ng cashier.

"One hundred pesos," narinig niyang sabi nito sa baritonong tinig.

Inabot niya rito ang isandaang piso nang hindi pa rin tumitingin dito.

"Duwag ka pa rin,"

Gulat na nag-angat siya ng tingin sa sinabi nito.

Pagtingin  niya rito ay kay Claire na ito nakangiting nakatingin.

Na lalo namang nagpakilig dito.

Naiiling na binuhat niya na lamang ang tray ng pagkain at inilibot ang paningin upang humanap ng bakanteng mesa.

Tila naman nananadya, ang mesa na malapit sa counter lamang ang nakita niyang bakante. Kaya't wala siyang choice kundi doon maupo.

Paglingon niya ay nakita niyang naroon pa rin si Claire at sa mga sandaling iyon ay hawak nito ang cellphone nito.

Ganoon din si Tyron.

Mukhang nagpalitan na ng number ang dalawa.

Ang bilis talaga ni Claire.

Nagkibit na lamang siya ng balikat at nag-umpisa nang kumain kahit wala pa ito sa mesa.

Baka matagalan pa ang pakikipag-ngisngisan nito sa cashier.

Lihim siyang napa-ingos.

Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon