ANICKA'S POV
"I'm so sorry, Albert..." nakayukong sabi niya.
Nang ihatid siya ni Albert ng gabing iyon ay sinabi na niya rito na nagkabalikan na sila ni Tyron at hindi na siya maaaring magpakasal dito.
"Are you sure about this, Anicka? Well, I guess, wala na rin akong karapatang tawagin kang baby?" halos malasahan niya ang pait sa salita nito.
Guiltily, she nodded, without looking at him.
"Tell me, how did it happen that fast?
"I don't know... it just happened. Maybe, we really love each other that much." lalong hindi siya makatingin dito sa kasinungalingang sinabi niya.
Mapait pa ring ngumiti ito.
"I'm sorry, too, Anicka... but I can't say, that i'm happy for you. It hurts, really. Akala ko may chance na tayo. After all these years, hindi mo ba talaga ako natutunang mahalin?" mahinang sabi nito na nakayuko ang ulo.
"I'm so sorry." iyon lang ang kaya niyang sabihin sa mga oras na iyon.
Nagulat pa siya nang pag-angat niya ng tingin ay umaalog ang mga balikat nito, tanda ng pag-iyak.
Agad din siyang pinangiliran ng luha.
"Albert, I--.., oh please, don't do this to me. Maaaring hindi kita kayang mahalin sa paraang gusto mo, pero in my own way, minahal kita... as a friend." sa pagkakataong iyon ay pumatak na ang luha niya.
He doesn't deserve this. Kung natuturuan lang sana ang puso.
"I know, I know. Just a friend. A fucking friend!" tumayo na ito at nagpahid ng luha bago huminga ng malalim. "I guess, this is goodbye?"
"Albert--"
"This is goodbye, Anicka. Hindi na magandang tingnan na nagkikita pa tayo kahit may boyfriend ka na." malungkot na sabi nito. "At hindi ko rin kayang makita ka sa piling niya."
"Yeah. Guess you're right. I'm really sorry." aniyang tinutuyo na rin ang mga mata.
"Stop saying you're sorry... nagpaka-totoo ka lang naman," umiiling na sabi nito. "Ahmm... can I hug you? For the last time?" nananantiya ang tingin nito.
Nang ibuka nito ang mga braso ay patakbo siyang yumakap dito kasabay ng muling pagpatak ng mga luha niya
Mahigpit siyang niyakap nito at mariing hinagkan sa ulo.
"Shh... don't cry." anitong hinahagod-hagod ang likod ng ulo niya.
"I can't help it, mami-miss kita," aniya sa pagitan ng paghikbi.
"Me too, baby. Me too." anitong lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.
Nasa ganoon silang posisyon nang may marinig silang kalabog galing sa silid ni Anicka.
Agad na bumitiw sa kanya si Albert at tumingin sa itaas.
"What was that?" kunot-noong tanong nito.
"W-wala 'yon, baka hindi ko lang naisara 'yong pinto sa veranda at pumasok ang hangin." ngunit parang alam niya na kung ano iyon--or sino iyon, rather.
Nagkibit-balikat na lamang si Albert sa sagot niya.
Nasa magkabilang baywang nito ang mga kamay at huminga ng malalim.
"Paano? Aalis na ako? Basta huwag mong kalilimutan, ha, kapag kailangan mo ang tulong ko, alam mo ang number ko," nakangiti na ito, kahit hindi naman iyon umabot sa mga mata nito. "Isang text lang, Anicka. After all, we're still friends, right?"
"Yeah, we're still friends." pilit niya rin itong nginitian.
Mabibigat ang mga hakbang na naglakad na si Albert papunta sa pinto kasunod siya.
"Goodbye, Anicka." baling nitong muli sa kanya pagkarating sa pinto.
"Thank you, Albert... for everything."
Siya na mismo ang lumapit at yumakap dito na agad naman nitong tinugon. Pagkaraan ng ilang minuto at ito na mismo ang nagkalas sa kamay niya at...
"Tama na 'yan, baka magbago ang isip ko at maisipan kitang ipaglaban... kahit alam kong dehado ako." malungkot na sabi nito at tumalikod na.
Nanlulumong isinara niya na ang pinto at sumandal doon ng ilang sandali.
Pakiramdam niya ay nawalan siya ng masasandalan.
Nawalan siya ng bestfriend.
Ng kapatid.
Ng karamay.
Ngayon ay nag-iisa na lamang talaga siya.
Mag-isa niyang haharapin ang buhay. Nawala na ang kaisa-isang taong hindi nang-iwan sa kanya.
Ngunit hindi niya pinagsisisihan iyon. Alam niyang tama ang ginawa niya. Ayaw niyang patuloy na paasahin si Albert. Maaaring matuloy na magpakasal siya rito, pero hindi niya maipa-pangakong matututunan niya itong mahalin.
At alam niyang unfair iyon para dito. Umaasa na lang lamang siyang makakahanap ito ng tamang babae, iyong mamahalin ito ng totoo.
Iyong kayang tumbasan ang pagmamahal na ibinibigay nito.
That's what he deserves.
Bumuntong-hininga siya at naglakad na papuntang hagdan upang umakyat na sa kanyang silid.
Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.
Pagpasok niya ay agad siyang dumeretso sa kama at pabagsak na idinapa ang sarili.
"Tapos na ba ang drama?"
Gulantang na napaigtad siya sa pagkaka-dapa at lumingon sa parte ng silid kung saan niya narinig ang tinig nito.
Napapikit siya. Nakalimutan niya ang kalabog na narinig niya kanina.
"What are you doing here?" agad na tanong niya pagkamulat ng mga mata.
Nagkibit ito ng balikat.
"Masama bang dalawin ko ang bed partner ko?" naka-angat ang kilay nitong sabi.
"How long have you been here?" napapalunok niyang tanong sapagkat dahan-dahan na itong lumalapit sa kama.
"Long enough, to witness your dramatic goodbyes," naka-ismid na sabi nito.
Sapat na ang liwanag na nangagaling sa nakabukas na pinto ng veranda upang makita niya ang pagdidilim ng mga mata nito.
Tama nga siyang ito ang may-gawa ng kalabog na narinig nila kanina.
"I'm sorry, kung naistorbo ko ang moment n'yo kanina," anitong tila nababasa ang naiisip niya.
Nakatayo na ito sa paanan ng kama niya at nakatunghay sa kanya habang nakahiga pa rin siya at nakatukod ang dalawang siko sa kama.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang isa-isa nitong tinatanggal ang mga butones ng suot nitong polo. Nang makalas iyon lahat at mahubad, ay napalunok siya nang ang buckel naman ng belt nito ang sunod nitong kinakalas.
"W-wait... I won't surrender my body to you, unless, bayad na ako!" sabi niya rito at sinabayan ng tayo.
Wrong move!
Dahil nga nakatayo si Tyron sa paanan ng kama niya, nang bumangon siya at naupo sa kama ay naging ka-level ng mukha niya ang hinaharap nito na ngayon ay tanging boxer shorts na lamang ang nakatakip sapagkat nahubad na pala nito ang pantalon nito.
At base sa nakikita niya, nakahanda na ito.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
General Fiction"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...
