Chapter 17.1

25.1K 550 29
                                        



PAGDILAT ni Anicka ay nag-iisa na lamang siya sa kama.

Hayy... lagi na lamang ganoon. Matutulog sila ng magkayakap, ngunit sa tuwina ay hindi na niya ito nagigisnan.

Pabuntong-hiningang inabot niya ang unang ginamit ni Tyron nang nagdaang gabi at niyakap. Naaamoy niya pa ang binata sa ginamit nitong unan.

Kailan kaya mangyayaring magigisnan niya ito sa tabi niya?

Katulad ng sinabi nito, ay hindi sila nagtalik ng nagdaang gabi. Ito ang unang beses na magkatabi sila, na natulog lamang talaga sila. Nakatulog siyang hinahagod nito ang buhok niya at panay ang banayad na paghalik sa noo niya.

Gusto niyang umasa.

Na baka sakaling nakapasok na siyang muli sa puso nito. Na baka sakali ay mahal na siya nitong muli.

Katulad ng dati.

Ngunit pinaalalahanan niya ang sarili. Masyado pang maaga.

Ilang sandali pa, ay iinot-inot na babangon na sana siya upang pumasok sa tindahan nang bumukas ang pintuan.

Bumungad ang nakangiting si Tyron na may dalang tray ng pagkain at umuusok na kape. Natigilan siya pagkakita rito.

"Good morning, Mahal... breakfast in bed." nakangiti pa ring bati nito sabay abot sa kanya ng isang puting rosas na nasa gilid ng tray.

Wala sa loob na inabot niya ang rosas na nakatingin pa rin dito.

"Walang laman ang fridge mo kaya sumaglit muna ako sa bayan para bumili ng supplies mo at makapagluto na rin ng breakfast natin," naupo ito sa gilid ng kama at ibinaba ang tray sa harap niya at dumukwang upang bigyan siya ng mabilis na halik sa labi.

"H-hindi ka na dapat nag-abala, ang dami naman niyan," aniyang nagugulumihanan pa ring nakatingin dito.

Kumindat lamang ito sa kanya. "Let's eat, bago pa ako matunaw sa titig mo. Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo, kaya niluto ko na lang lahat." nakangising anito.

Inabot nito ang tinidor, pumiraso ng hotdog at inumang sa bibig niya. Namumulang ibinuka niya ang bibig at tinanggap ang isinubo nito.

"Ikaw ang nagluto lahat n'yan? Marunong ka?" naka-angat ang kilay na tanong niya sa pagitan ng pagnguya.

Muli itong humiwa ng hotdog at isinubo naman sa sarili bago sumagot.

"Mahal, hindi uso ang katulong sa New York. Mag-isa lang ako sa bahay, kaya ako lahat ng trabaho." ngumunguya ring sagot nito.

"Mag-isa ka lang?" muling tanong niyang dinampot na ang isang tinidor at sinimulang kainin ang niluto nitong pancake.

"Yeah," tumatango pang anito. "Kaya kailangan kong matutunan ang lahat ng gawaing bahay."

"S-si Ra-rachel... h-hindi ba--"

"Hindi kami magkasama sa bahay, kung iyon ang gusto mong malaman," nangingiting putol nito sa kanya, habang patuloy pa rin ang pagkain.

"Ahm... a-akala ko lang..." namumulang sabi niya at nakayukong ipinagpatuloy ang pagkain.

Nabitin sa ere ang hawak na tinidor ni Tyron at napatingin sa kanya. Bumuntong-hininga ito at iniangat ng malayang kamay nito ang baba niya upang magtama ang kanilang mga mata.

"Mahal, gusto ko sanang alisin mo na sa isip mo si Rachel. Past na siya--"

"Past din naman ako, 'di ba?" hindi napigilan niyang mahinang putol dito. Muling ay nagyuko siya ng ulo at nilaro ng tinidor ang kinakain.

Naiiling na muli nitong itinaas ang mukha niya at hinuli ang paningin niya.

"Shh... sa tingin mo, nandito ako ngayon kung past ka na para sa akin?" naka-angat ang dalawang kilay nito.

"Dahil bayad ako?" nilakasan na niya ang loob niya.

Nandito na 'to. Aminan na. Gusto niyang malaman kung hanggang saan ba siya puwedeng pumapel sa buhay nito.

"Tss." pagak itong tumawa. "I could have any other woman, if I want to. Hindi ko kinakailangang magbayad, hindi ako nagyayabang, pero iyon ang totoo."

"Katulad ni Rachel? Dalawang beses ko na kayong inaabutang nagme-make-love, " aniya at nag-iwas ng tingin.

Ayaw niyang makita nito ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya. Ngunit hindi pumayag si Tyron na maghiwalay ang paningin nila.

"Correction, I never made love with her. It was all pure sex, no love involved." mahina ngunit mariing sabi nito.

Namula siya sa sinabi nito. Napaka-brutal naman kasing magsalita.

"At iyong dalawang beses na naabutan mo kami, siya ang parehong nag-initiate n'on. Laging itutulak ko pa lang siyang palayo, saka ka naman biglang sumusulpot. Sa totoo lang mahal, nakakatakot magtaksil sa'yo," nakangising sabi nito bago muling sumubo ng pagkain.

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Ang galing mong tumayming, eh." anito at bahagyang tumawa.

"Mahilig ka kasing gumawa sa alanganing lugar," nakairap na sabi niya.

"Malay ko ba na bigla-bigla ka na lang susulpot?" nakangising sabi nito.

"So, naistorbo ko kayo?" naka-angat ang kilay na sabi niyang binitiwan na ang tinidor.

Natawa naman ito sa ginawi niya. "Selosa ka pa rin kanggang ngayon--"

"Hindi ako nagseselos. Wala akong karapatan." nakahalukipkip niyang putol.

Nakangisi pa rin itong sinubuan na naman siya. Nakairap na tinanggap niya naman ang sinubo nito.

"Pikon pa. Sorry na, sa sinabi ko noon. Binibigyan na kita ng karapatan na magselos ngayon. Ibinibigay ko na sa iyo ang karapatang ariin ako ng buong-buo." naka-ngiting sabi nitong umaangat-angat pa ang kilay.

Natigilan siya sa sinabi nito at napatingin sa nagniningning na mga mata ng binata.

"Bakit?"

Dagling nabura ang ngiti nito sa tanong niya. "Anong bakit? Ayaw mo ba?" tila takang tanong nito.

"Why the sudden change? Nalilito na ako sa'yo. Minsan bigla kang babait at parang gusto ko nang umasa, tapos bigla na lang ibabalik mo ako sa realidad na wala pala akong dapat na asahan. Ngayon, heto ka na naman, pinapaasa mo na naman ako. Tyron, please... huwag mo na akong paasahin. Tanggap ko na naman, eh. Na hanggang dito na lang tayo, na hindi na puwede--"


Your Love is my Revenge (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon