Chapter 2.2

28.9K 685 3
                                        



"IBIG mong sabihin, gagawin mo akong kept woman? Nasisiraan ka na ba? Hindi ako ganoong klaseng babae!" medyo tumaas ang boses niya at napatayo nang sabihin iyon.

"Relax. Hindi mo naman kailangang mag-react ng ganyan. Kung hindi mo gusto, ay wala naman akong balak na pilitin ka. Ngunit kinakailangan mong bayaran ang halaga ng pagkaka-utang ng ama mo. At sa lalong madaling panahon." tila balewalang sabi nito at nagkibit pa ng balikat.

"Ang bahay na ito. Tama. Ibebenta ko ang bahay na ito, at may pambayad na ako sa iyo. Mahigit pa sa dalawang milyon ang halaga nito." nabuhayan siya ng loob sa naisip.

Hindi biro ang halaga ng mansyon nila. Mababayaran na niya si Mr. Montelibano, ay tiyak na may matitira pa rin sa kanya upang gamitin sa pagbabagong-buhay.

Nakangising naiiling si Mr. Montelibano sa sinabi niya.

"Kung ganoon ay wala ka pang alam?"

Muli ay nangunot ang noo niya rito.

"Hindi na ninyo pag-aari ang mansyon na ito. Nauna pa itong naisangla, bago pa man nangutang sa akin ang ama mo."

Muli ay nangilid ang mga luha niya sa nalaman.

Ngunit sa pagkakataong iyon ay pinigilan niya iyong pumatak.

"Hanggang kailan ang palugit ko?" matatag at taas noo niyang tanong.

"Hanggang sa katapusan ng buwan."

"Kung gayon ay makaka-alis ka na. Bumalik ka na lamang dito sa katapusan ng buwan." taas noo pa rin niyang sabi.

Hindi siya si Anicka Tiffany Escudero para lamang sa wala.

Nawala man ang lahat sa kanya ay dugong Escudero pa rin ang nananalaytay sa ugat niya.

Hindi siya magpapasindak sa taong ito.

May tatlong linggo pa siyang natitirang palugit.

Makakahanap siya ng paraan bago matapos ang nakatakdang oras.

Hindi siya papayag na maging kabit at babuyin ng taong ito.

Tumigas ang ekspresyon ng mukha niya sa naisip.

"At sa paanong paraan naman ikaw sa tingin mo makakabayad sa akin?" hamon pa rin nito.

"Hindi mo na problema iyon. Basta ang gusto ko, huwag ka na munang magpapakita sa akin, hanggang sa sumapit ang takdang panahon. Makakaalis ka na." taas noo pa ring taboy niya rito.

"Kung ganon ay magkita na lamang tayo sa katapusan ng buwan." inis na sabi nito at tumayo na.

Nang makaalis ang panauhin ay saka lamang nanghihinang napa-upo si Anicka sa naroong sofa.

Ano na ngayon ang gagawin niya?

Pati pala ang mansyon na ito ay hindi na rin sa kanya.

Saan siya magsisimula?

Idagdag pa ang problemang hatid ni Mr. Montelibano.

"Oh God, Papa. How could you do this to me? Bakit mo nagawang i-collateral ako sa pagkaka-utang mo? Iningatan mo ba ako buong buhay ko para pakinabangan, pagdating ng panahon? This is so unfair..." umiiyak na kausap niya sa larawan ng amang nakasabit sa pader ng mansyon.


ALBERT

Hi, baby. How are you?

I'm fine.

What are you doing? Do you
want me to come over?

No thanks, Albert. Nagliligpit
ako ng mga gamit ni Papa.

Your Love is my Revenge (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon