"DAMN you, Anicka! Sinabi ko na sa iyong tapos na kami!" galit na sabi nito na muli siyang kinuyumos ng halik.
Sa pagkakataong iyon ay marahas ang halik na ipinagkaloob nito sa kanya. Kahit alam niyang imposible, ay pilit siyang nagpumiglas dito upang makawala.
Nang biglang tumunog na naman ang cellphone nito.
Si Rachel uli.
Inipon niya ang lahat ng lakas niya upang maitulak ito. At sa pagkakataong iyon, ewan kung talagang napalakas ang tulak niya, o, kusa siya nitong pinakawalan, ay nakawala siya rito.
Dali-dali siyang umalis sa harap nito at nagpunta sa maliit na mesa, sa isang sulok na ipinalagay mismo ni Tyron para sa kanya.
Habang kausap nito si Rachel sa telepono ay tiim-bagang pa rin itong nakatingin sa kanya.
"Hold on, papunta na ako diyan."
Nang matapos itong makipag-usap ay marahan itong lumapit sa kanya na naniningkit pa rin ang mga mata.
Kanina lang ay purong pagnanasa ang nakikita niya sa mga matang iyon. Ngayon ay galit na ang humaliling masasalamin doon.
"I told you, tapos na kami ni Rachel. Hindi ko kailangang ipagsinungaling iyon sa'yo, at alam mo kung bakit. Wala tayong relasyon. We're just fuck buddies, no more, no less! Binili kita, Anicka! Kunwari lang ang relasyong mayroon tayo, huwag mong kalilimutan 'yon!" nagtatagis ang mga bagang at halos mag-isang linya ang mga matang sabi nito.
Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya sa sinabi nito. "So-sorry, boss. N-nadala lang ako, hindi na po mauulit."
May nakita siyang dumaang emosyon sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag kung ano, ngunit agad din namang nawala. Baka guni-guni niya lang.
Nagyuko na siya ng ulo at itinuon ang luhaang mga mata sa mga papel sa mesa.
Ilang sandali pa itong nakatayo lamang sa harap niya at nakatunghay sa kanya. Nakita niyang iniangat nito ang isang kamay ngunit agad din naman ibinaba iyon at pabuntong-hiningang tumalikod na. Muntik pa siyang mapatalon nang marinig niya ang malakas na pagsara nito ng pinto.
Doon na siya napahagulgol.
Awang-awa siya sa sarili.
Sabi niya na nga ba at hindi siya dapat na umasa. Alam niya naman ang sitwasyon, sa umpisa pa lang. Nandito lamang ito upang paghigantihan siya. Wala na itong nararamdaman sa kanya. Maaaring wala na nga itong relasyon kay Rachel, ngunit wala rin naman silang relasyon, para umasta siyang tila nagseselos na girlfriend. Ayan tuloy, ipinamukha sa kanya ang katotohanan.
Ang sakit lang.
Sana pala pumayag na lamang siyang magpagalaw kay Mr. Montelibano. At least, doon, katawan niya lang ang makukuha nito. Hindi kasama ang puso niya.
O, pumayag na lamang siya sa alok na tulong ni Albert.
Sinabi nitong handa siyang tulungan, nang hindi kinakailangan ng kapalit.
Ang tanga-tanga niya.
Nagpadaig siya sa pagmamahal niya kay Tyron.
Sa naisip ay naka-buo siya ng plano.
Hindi niya na kaya ito. Gusto niya nang makalaya.
Kay Tyron.
At sa pagmamahal niya rito.
Kailangan niya nga lang munang makasiguro. Kakapalan niya na ang mukha niya. Katulad ng dati ay wala na siyang ibang matatakbuhan.
Kinuha niya ang cellphone at itinext ang isang pamilyar na numero.
ANICKA
Hi.
Anicka, kumusta? May
problema ba?Itatanong ko sana kung
willing ka pa ring pahiramin
ako ng pera?I'm sorry, Albert... alam
kong nasaktan kita, pero
wala na akong ibang
malalapitan.I told you, i'm still your
friend, kahit na ano pa
ang mangyari. Handa pa
rin akong tulungan ka.Kailan mo kailangan?
Sasabihan kita.
Salamat talaga, Albert.
And i'm so sorry... ang
tanga-tanga ko.Hey, don't say that.
Naiintindihan ko.Hindi ako magtatanong
kung bakit at kung ano
ang nangyari. Alam kong
kapag handa ka na, ikaw
mismo ang magsasabi sa akin.Salamat talaga, Albert.
Salamat din na ako ang napili
mong lapitan, kaysa kung kanino,
na baka ikapahamak mo pa.Sabihan mo lang ako kung
kailan mo kailangan, ha.Sige. Thank you, ulit.
KAHIT na papaano ay nakahinga siya ng maluwag sa maging pag-uusap nila ni Albert.
Alam niyang tila sinasamantala niya ang pagmamahal nito sa kanya, ngunit wala na siyang ibang maisip na paraan.
Kapit sa patalim. 'Ika nga nila.
Kailangan na lamang niyang maka-usap si Tyron.
Ngunit hindi ngayong gabi. Masyado siyang emosyonal. Masyado siyang nasaktan sa mga sinabi nito. Bukas na niya ito kakausapin.
Maghapon siyang hindi lumabas ng opisina dahil ayaw niyang usisain siya ng mga kasama tungkol sa nangyari kanina. Lagpas alas singko na nang maisipan niyang ayusin ang mga gamit niya at umuwi. Katulad ng inaasahan niya, agad siyang sinalubong ng nag-uusisang mga mata ni Claire. Akala niya ay naka-alis na ito. Ngunit sa malas, ay tila talagang hinihintay siya.
"Bruha, pakipaliwanag nga sa akin iyong nangyari kanina. Nako, teh, kanina ka pa rin hinihintay ni Denise, 'di ka lang inabot at sinundo ng jowa!" salubong agad nito paglabas niya.
"Walang ibig sabihin ang nakita n'yo." sabi niyang nag-iwas ng tingin at dumeretso na sa pintuan.
"Ano? Teka lang naman..." habol pa nito ngunit tuluyan na siyang nakalabas.
Paglabas niya ay dumako ang tingin niya sa canteen sa harap. Ang gagang puso niya, tila umaasa pang matatanaw doon ang binata.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
Ficción General"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...