Chapter 3.3

27K 645 10
                                    



MAYA-MAYA ay narinig na niya ang malakas na pagsara ng pinto sa labas.

Napahinga siya ng malalim at tila nabunutan ng tinik.

Mabuti na rin ang ganito, kaysa patagalin  niya pa.

Inaamin niyang, minsan niyang inisip na magkaroon ng anak dito, ngunit kinalimutan na niya ang ideya na iyon.

Mas lalo lamang siyang mahihirapang kalasan ito kapag nagkataon.

Bumabanggit na ito ng salitang kasal.

At iyon ang iniiwasan niya.

END OF FLASHBACK

"Wala akong girlfriend," nang makabawi ay sabi niya.

"Ay, true ba 'yan? 'Yang yummy mo na 'yan, wala kang jowa? Ay nako, kuya, wait mo lang, irarampa kita sa bayan, for sure, hindi matatapos ang araw, nakapila ang mga nag-a-apply maging jowa mo!" sabi nito sa pagitan ng pag-nguya.

Natawa na lamang siya sa sinabi ng pinsan.

"Huwag mo nga akong isali sa kalokohan mo, ha."

"Ay, wait... may magandang girlaloo doon sa tindahan ng mga school supplies, sa tapat ng canteen natin. Hay nako, kuya, kapag nakita mo siya baka maisipan mo nang mag-jowa. Ang ganda kaya ni Anicka, kung naging min lang ako, niligawan ko talaga 'yon. Eh, dahil nga pareho kaming girl, why not, kayo na lang dalawa? Bagay na bagay kayo, promise!" tuloy-tuloy pa ring daldal nito.

Agad na nangunot ang noo niya nang marinig ang pangalang binanggit nito.

Wala kasing alam ang pinsan niya sa nakaraan niya. Hindi pa ito sa kanila nakatira nang mga panahong iyon. Wala itong ideya sa nakaraan nila ni Anicka.

Napa-angat din ang paningin ng nanay niyang tahimik lamang na kumakain.

"Mano nga ikaw Bench, eh, tigil-tigilan mo na ang kuya mo! Tapusin mo na lang iyang kinakain mo at baka kung ano pa ang lumabas diyan sa bibig mo!" agad na awat ng nanay niya rito.

"Why, mother dear? May nasabi ba aketch na masama? Maganda naman talaga si Anicka,"

"Heh! Basta kumain ka na lang diyan. Sige ka, baka itinda ko sa bayan iyong mga pasalubong ng kuya mo sa iyo."

"Ay, dahil diyan, quite na ang beauty ko." anitong nagkunwa pang sinisipiran ang bibig.

Naiiling na lamang siya sa kadaldalan ng pinsan.

TYRON

Nay, nasa canteen na
po ba kayo?

Oo, anak. Kanina pa, hindi na
ako nagpaalam at natutulog ka pa.

Bakit hindi n'yo po ako
ginising para natulungan
ko kayong magbukas ng
canteen?

Nako, huwag ka nang mag-alala
at kaya ko na ito. Nandito naman
si Bench. Sanay na kami rito.

Ganoon ho ba? Sige po,
maliligo lang ako at
pupunta ako diyan. Gusto
ko rin pong makita iyang canteen.

O siya, sige. Dito ka na
rin kumain.

Sige po.

KATULAD ng mga nagdaang araw, ay inihinatid na naman ni Albert si Anicka sa trabaho.

Mula nang sabihin niya rito ang posibilidad na tanggapin niya ang alok nitong kasal, ay lalo itong naging pursigido sa pagsuyo sa kanya.

Nang mapadako ang paningin niya sa tindahan sa tapat ay nakita niyang bukas na ito.

Bababa na sana siya ng sasakyan, nang hawakan siya ni Albert sa braso at kabigin paharap dito, at kinintalan siya ng isang masuyong halik sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata niyang napatingin dito.

Hindi pa naman tinted ang dala nitong sasakyan, kaya't siguradong kita sila sa loob. Tutuksuhin na naman siya ng mga kasamahan sa trabaho.

"Come on, baby. It's just a goodbye kiss, pampa-good vibes lang."

"Albert--"

"Okay, i'm sorry. Hindi ko na uulitin. Kj. Baby, even friends, kiss each other goodbye, right?"

"Oo na. Ikaw talaga. Sige na, lalabas na ako at baka ma-late pa ako." naiiling na lamang siya sa ginawa nito.

"Okay. Susunduin kita uli mamaya, ha!"

Tumango lamang siya rito at bumaba na ng sasakyan

Hindi niya alam kung nakagawian lamang ba niya, o, kung ano ang nagtulak sa kanya upang lingunin ang kainan sa tapat.

Pakiramdam niya ay tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makasalubong ng mga mata niya ang isang pares ng nagbabagang mga mata.

Matiim ang titig nito sa kanya at nag-ngangalit ang mga bagang.

Kung maaari lamang na bumuka ang lupa at lamunin siya, ay mas mamatamisin niya pa.

Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon