Chapter 13.1

26.6K 568 35
                                        




PAGKAGISING ni Anicka kinabukasan, ay wala na si Tyron sa tabi niya. Ngunit may nakita siyang isang bungkos ng mga puting rosas, na nakapatong sa ibabaw ng nightstand niya. Agad siyang bumangon at may ngiti sa mga labing inabot niya iyon at sinamyo.

Masakit pa ang buong katawan niya partikular na ang bahaging iyon, dahil sa nangyari sa kanila ni Tyron ng nagdaang gabi... technically, hanggang kaninang madaling araw. Tila hindi ito napapagod at nauubusan ng lakas. Kung hindi pa nagbubukang-liwayway na ay wala pa itong balak na magpahinga at patulugin siya.

Mahal,

Good morning... last night was really great. Thank you.
I didn't wake you up... I know you're tired. You don't have to go to work today... just rest, okay?
See you later.

Tyron

Napangiti siya nang mabasa ang nakasulat sa kalakip nitong card.

Pagtingin niya sa orasan ay alas diyes y media na pala. Dahil wala naman siyang gagawin ay nagpasya siyang pumasok na lamang sa WAAK. Abot pa naman siya, kahit half day lang.

Ayaw niya namang manatili sa bahay maghapon. Kung anu-ano lang ang maiisip niya. Mas gusto niyang may ginagawa.

Kahit nananakit ang katawan ay iinot-inot siyang bumangon at pumasok sa cr para maligo.


PAGPASOK pa lamang niya sa tindahan ay agad na siyang sinalubong ni Claire.

"Bruha ka, tanghali na, ah. Anong nangyari sa'yo?"

Dahil may sampung minuto pa para mag-ala-una ay break pa rin nito.

Agad siyang nag-iwas ng tingin dito.
"Wala, tinanghali lang ako ng gising kaya napa-half day," sagot niya at pinilit na ngumiti.

"Ano?! Mula nang pumasok ka dito parang ngayon lang nangyaring tinanghali ka ng gising, ah." nagdududang sabi nito. "Saka, teka..." nangunot ang noo niya nang sipat-sipatin siya nito at ikutan na parang bang may hinahanap sa kanya.

"Ano ba? Para kang sira diyan. Bakit ba?" naiilang niyang sabi rito.

"Hmm..." anitong patuloy pa rin sa tila pag-inspeksyon sa kanya. "Ewan ko kung ako lang, ha. Pero parang may something sa'yo, eh. Hindi ko lang matukoy kung ano."

Dagli siyang namula sa sinabi nito kaya't umiwas na lamang siya.

"Gosh! Nahalata niya kaya?"

"E-ewan ko sa'yo. Kung anu-anong iniisip mo!" aniyang tinalikuran na ito upang makaiwas. "Nandito na ba si boss?" sabi niya pa na lumakad na papunta sa opisina ng tindahan.

"T-teka... may bisita siya. Sabi huwag daw silang--" habol-babala nito ngunit huli na, sapagkat agad na niyang nabuksan ang pintuan matapos ang dalawang mahihinang katok. "--iis-tor-bo-hin..." pautal na lamang nitong naituloy ang sinasabi.

Kung maaari lamang na lumubog siya sa kinatatayuan niya ay mas gugustuhin niya pa, sa nabungaran sa loob ng opisina.

Kapwa naman nagulat ang dalawamg nilalang na nasa loob at nang makita siya ay agad na naitulak ni Tyron ang babaeng pasaklang na naka-upo sa kandungan nito, habang naghahalikan ang dalawa.

Nanlalaki ang mga mata ni Tyron na nakatingin sa kanya.

"Anicka!" gulat nitong sabi. "W-wait... it's not what you think!" gahol na paliwanag nito na gustuhin mang tumayo at makalapit agad sa kanya, ay hindi magawa dahil naka-upo pa rin sa kandungan nito ang kahalikang babae at nag-uuyam ang ngiting nakatingin sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin. "S-sorry, b-boss. I didn't mean to interrupt." ewan niya kung saan siya kumuha ng lakas upang makapag-salita pa.

Tila lalo namang ntaranta ang binata. "Anicka, wait... listen first--" pilit itong kumakawala sa nakakandong dito ngunit dahil siguro sa pagkataranta ay lalong hindi ito maka-alis.

"So, you're Anicka," singit ng babae sa kandungan nito na naka-angat ang kilay na hinagod siya ng malisyosang tingin mula ulo hanggang paa. Matapos ay nakalabing muling humarap kay Tyron. "Well, not bad, babe." maarteng sabi nito at muling ikinawit ang mga braso sa leeg ni Tyron.

Hindi niya na nakayanan ang tagpo kaya't mabilis niyang hinila ang pinto pasara at nagmamadaling tumakbo papuntang cr.

"Ikaw naman kasi, basta ka pumapasok, eh. Ayan tuloy kung anu-ano ang naaabutan mo." ani Claire na nakasunod pa rin sa kanya. " Ang ganda ng girlfriend ni boss, 'no?" tuloy-tuloy na sabi nito na walang kamalay-malay sa pagkadurog ng puso niya.

Binilisan niya pa ang lakad bago pa man nito makita ang mga luha niyang nag-uunahan na sa pagpatak.

"Anyare d'on? Oa. Nakakita lang ng naghahalikan, eh. Pa-virgin 'to." narinig niya pang sabi nito bago niya naisara ang pinto.

Pagpasok ng cr ay agad siyang nag-lock ng pinto at doon malaya nang ibinuhos ang mga luha.

"Ang tanga-tanga ko talaga! Umasa ako na may pag-asang magiging okay din ang lahat. Ang tanga ko, dahil nakalimutan ko na three months nga lang pala iyon. After three months, ay may iba pala siyang babalikan. Pagkatapos niyang magsawa sa akin.

Binili nga lang pala ako.

Sa loob ng tatlong buwan. Matapos ang tatlong buwan ay babalik na ito sa ibang bansa at ipagpapatuloy ang buhay doon. Kasama ag totoong girlfriend nito.

"I want us to ACT as a real couple."

Oo nga pala, acting nga lang pala iyong hiniling niya. Hindi niya sinabing...

"I want us to be a real couple."

Ang gaga mo talaga, Anicka! Ang gaga mo! Kaya pala acting lang ang gusto niya ay mayroon pala siyang siyang for real.

Maya-maya ay naulinigan niya ang boses ni Tyron na hinahanap siya.

"Where's Anicka?"

"Ahm, Sir... pasensya na po kayo. Hindi niya naman po alam, eh. Wala po siyang kasalanan, kasi hindi ko po agad nasabi
sa--"

"I said, where is she?" matigas ang boses na putol nito kay Claire.

Agad niyang inayos ang sarili.

Naghilamos muna siya bago ni-retouch ang masirang make-up. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto.

"Ahh, Sir... nasa c-r p-po..." mabagal na pagkakasabi nito sapagkat natanawan na nito ang pagdating niya. "A-ayan na po pala siya, Sir. Inuulit ko po, wala po talaga siyang kasalanan. Hindi ko po siya nasabihan agad."


Your Love is my Revenge (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon