Chapter 4.2

25.6K 666 22
                                    



MAYA-MAYA pa ay dumating na si Claire na dala rin ang tray ng pagkain nito.

"Hay nako, wala na pala akong pag-asa kay pogi,"

Nangunot ang noo niya sa sinabi nito. Akala ba niya ay nagkapalitan na ang mga ito ng cellphone number?

Hinihintay niyang dugtungan nito ang sinabi ngunit nakangiti lamang itong nag-umpisa nang kumain.

Lokaret talaga 'to. Binitin pa ako sa kwento.

Hindi naman na siya nagtanong at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya.

Si Albert.

Uminom muna siya ng tubig bago sinagot ang tawag.

"Hello..."

"Hi, baby. Kumain ka na ba?"

"Kumakain kami ngayon, kasabay ko si Claire."

"Sayang naman, akala ko pwede tayong mag-sabay. Nandito ako ngayon sa malapit, may kausap akong prospective buyer, eh."

"Ah, gan'on ba? First batch kasi kami ni Claire, kaya ang aga naming nag-lunch,"

Hindi sabay-sabay ang break ng mga empleyado sa school supplies na pinagta-trabahuhan niya. Kailangang may maiwang bantay sa tindahan habang kumakain ang iba, kaya't body-body ang schedule ng kain nila. Anim sila sa tindahan kaya naman tatlong batch sila kung mag-lunch.

"Ah, gan'on ba? Hindi bale, mamaya na lang. Sabay tayong mag-dinner, bago kita ihatid sa bahay mo,"

"Sige. Hihintayin na lang kita mamaya."

"Sige na, baka naaabala na kita sa pagkain mo. I love you."

"Sige. Goodluck sa ka-meeting mo."

Iyon lang at tinapos na niya ang tawag.

"Sino 'yon? Si Papa Albert?"

"Oo." matipid niyang sagot.

Ayaw niya na sana pang pag-usapan.

Ewan niya, pero nararamdaman niya pa rin na nakatingin si Tyron sa kanya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay hindi nga siya nagkamali.

Madilim na naman ng mukha nitong nakatingin nga sa kanya.

"Ang swerte mo talaga, Nicks. Ang ganda mo kasi, eh. Kapag sinagot mo si Papa Albert, balato mo na lang sa akin si pogi, ha." sabi nitong sinundan ng hagikgik.

Muli ay kunot-noo niyang tiningnan ito na tila hinihingan ng paliwanag sa mga sinabi nito.

Ngunit nakangiting nagkibit lamang itong muli ng balikat.

Naiiling na ipinagpatuloy na lamang niya ang pagkain.

Kailangan na niyang maka-alis sa lugar na iyon. Kung totoong apoy lamang ang inilalabas ng mga mata ni Tyron, malamang, kanina pa siya abo. Hindi na siya magtataka kung hindi siya matunawan.

Nang muling tumunog ang  cellphone niya.
May nag-text.

Agad niya iyong kinuha upang tingnan ang mensahe. Nangunot ang noo niya sapagkat hindi niya kilala ang rumehistrong numero dito.

09160000000

CANCEL YOUR DATE WITH THAT BASTARD, BOYFRIEND OF YOURS!

Mas lalong nangunot ang noo niya sa pagkagulat nang mabasa ang laman ng katatanggap lamang na mensahe.

Hindi nakarehistro ang number.

Wala naman siyang boyfriend.

Baka wrong send.

Kibit-balikat niyang sabi sa sarili, at saka binura ang naturang mensahe at muling itinabi ang cellphone.

Napitlag siya nang muli iyong tumunog.

May tumatawag.

Kaparehong numero ng nag-text sa kanya kanina.

Ilang saglit na nakatitig lamang siya sa cellphone niya nang huminto iyon sa pagtunog

Ngunit muli na naman iyong tumunog, tanda na may nag-text na naman.

09160000000

ANSWER MY CALL! DAMN IT!

Who are you?

So, who are you na lang
ako ngayon, ha?!

Hindi nga kita kilala

Talaga ba? MAHAL?

Ngayon, kilala mo na ba ako?


Dagling lumipad ang nanlalaki niyang mga mata patungo rito. Nasalubong niya ang nag-aapoy pa rin nitong mga tingin.


Tyron?

I'm glad, nakilala mo ako
dahil sa endearment na
iyan! Bakit? Wala na bang
ibang tumawag sa iyo ng
ganyan? Teka... ilan nga ba
uli kaming pinag-laruan mo?

At ilan sila ngayong pina-iikot
mo?

Tyron, please, hindi ba pwedeng
kalimutan na lang natin ang
nakaraan? Kung may nagawa man
akong kasalanan noon, buong
puso akong humihingi ng tawad.
Just please... kalimutan na
natin 'yon.

In your dreams, Anicka.

Pagbabayaran mo ang
lahat ng sakit na ibinigay
mo sa kin.

Paano mo nga pala nalaman
ang number ko?

Huwag mong ibahin
ang usapan.

Okay. What do you want?

YOU!

Me?

Yes, YOU!

I have no time for this

I don't care about your
fucking time!

I am telling you to cancel
your date with that fucking
bastard!

I'll meet you, after your work.

And if i don't?

THEN, YOU WILL BE SORRY!


Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon