"Sira, hindi naman nakaka-umay, ang ganda nga, eh."
Nailang siya nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin at wala sa loob na naupo sa kama at hinaplos iyon.
"Ngayon, tayo na lang ang nandito, sis, anong nangyari? Alam kong meron, kaya huwag mong sabihin sa akin na wala, dahil magtatampo na talaga ako sa'yo." anitong naupo na sa harap ng naroong vanity mirror.
"Tyron's back." walang buhay na mahina niyang sagot.
Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya. "Really?! Kailan pa?"
"Three months ago..."
"Three months? So, noong nagkita tayo nandiyan na siya? Galit pa ba siya? Kaya ka ba nagtatago?" sunud-sunod na tanong nito.
"Yeah. Pero hindi na siya galit. Noong una oo, bumalik siya para gantihan ako. Pero napatawad niya na ako, at naging kami ulit."
"Sinabi mo na sa kanya ang lahat?"
"Yeah. Alam na niya ang lahat. Mula kay Papa hanggang sa ginawa natin para lumayo siya. At naintindihan niya." malungkot siyang ngumiti.
"'Yon naman pala, eh, bakit ka umalis?" bakas ang pagtataka sa mukha ng kaibigan.
"Buntis iyong ex niya, at si Tyron ang ama." mahinang sabi niyang nagyuko ng ulo.
Muli na namang nag-init ang mga mata niya.
"What? Sigurado ka ba?"
Nagkibit siya ng balikat. "Sabi n'ong babae. Pero sabi ni Tyron hindi raw kanya 'yung bata."
"Ayun naman pala, eh, bakit umalis ka pa rin?"
"Paano naman ako makakasiguro? Ayoko naman na agawan pa ng ama 'yung anak niya, no."
"Sis, dapat sinigurado mo muna bago ka nagdesisyon. May mga bago nang teknolohiya ngayon para malaman kung kay Tyron nga iyon, o hindi." naiiling na sabi ni Chelsea.
"Natatakot ako, paano kung siya nga?"
"Well, sister, hindi mo na malalaman, kasi nga tumakas ka." sarkastikong ani Chelsea.
"Ang sakit-sakit kasi, sis. Parang hindi ko alam kung kakayanin ko kung malalaman kong kanya nga 'yon." sa pagkakataong iyon ay bumuhos na ang mga luha niya.
"Sis, kung mahal mo siya, dapat nagtiwala ka sa kanya. Dapat ipinaglaban mo siya." malumanay na sabi ng kaibigan.
"Anong laban ko sa anak niya? Anak niya 'yon, dugo at laman. At kahit sabihing ako ang mahal niya, matitiis ko bang habang kami, nandiyan din 'yung ex niya? May batang nag-uugnay sa kanila, habang buhay 'yon. At hindi ko kaya 'yon. Makasarili na kung makasarili, pero ayoko ng may kahati, kahit pa anak niya iyon. Kaya ipinaubaya ko na lang siya sa anak niya, tutal mas may karapatan naman siya sa ama niya kaysa sa akin. Kawawa naman 'yung bata kung aalisan ko siya ng ama."
"Paano ka?"
Malungkot siyang muling ngumiti. "I'll survive. Don't worry. Maghahanap lang ako ng trabaho, then, paunti-unti magmo-move on."
"Akala ko ba may trabaho ka?"
Humugot siya ng malalim na paghinga bago sumagot. "Si Tyron ang boss ko."
"Ano?! Paano nangyari 'yon?" gulat na tanong ng kaibigan niya.
"Binili niya 'yung pinagtatrabahuhan ko. Ang worst, pati na rin ang tinitirhan ko."
"Talaga? Grabe talaga ma-inlove ang isang 'yon, ha?" naiiling na sabi nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
"Binili niya iyon noong mga panahong galit pa siya sa akin. Binili niya iyon out of revenge, and not because of love."
Napangiwi si Chelsea sa sinabi niya. "Aww, gan'on?" Kapagkuwan ay umiling-iling. "I don't think so. Anyway, don't worry, sis, pwede kang tumira dito kahit hanggang kailan mo gusto." ani pa nito na pilit na pinasaya ang tinig.
"Ano ka ba? Siyempre nakakahiya sa asawa mo kung magtatagal ako rito, no!" aniyang pasimpleng tinuyo ang luha sa mga mata.
"Ganito na lang, kung ayaw mo talaga dito sa white house, pwede ka sa cottage tumira. At tamang-tama, nag-resign 'yung isang receptionist ng resort kasi ikakasal na siya next month. Irerekomenda kita kay Lance."
Bahagyang nagliwang ang mukha niya. "Talaga, sis? Hindi ko tatanggihan 'yan."
Matamis ding ngumiti ang kaibigan niya. "Great. Wait, tatawagan ko lang si Lance para sabihin sa kanya, ha..." anito na tumayo na sa kinauupuan.
"Salamat talaga, sis, ha. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." naluluha pa rin niyang sabi.
"Ano ka ba? Para saan pa at tinawag kitang sis, kung wala man lang akong maitutulong sa'yo?"
Tumayo siya upang lapitan ito at yakapin. Hinagod-hagod naman nito ang likuran niya.
"Sige na, at tatawagan ko muna si Lance. Tama na drama natin, baka mag-artista na ang baby ko paglabas." natatawang sabi nito upang pagaanin ang sitwasyon.
Nang lumabas ito ng silid ay muli siyang bumalik ng upo sa gilid ng kama.
Ngayong mag-isa na naman siya ay muli niyang naaalala si Tyron.
Kumusta ka kaya ito?
Miss na miss niya na ang binata kahit kaninang umaga niya lamang ito huling nakita. Pagkatapos nilang mag-usap kanina ay tinanggal na niya ang luma niyang sim card at itinapon. Alam niyang hindi siya nito titigilan.
At hindi iyon makakatulong sa paglimot niya. Kaya't kailangan na niyang putulin ang lahat ng maaaring mag-ugnay sa kanila.
Nahiga siya sa kama at namaluktot. Iniyakap niya ang mga braso niya sa kanyang mga binti at ipinatong ang baba sa kanyang tuhod.
Alam niyang matatagalan bago niya makalimutan ang binata, o baka nga hindi na, kahit na kailan.
Ngunit kakayanin niya. Kailangang panindigan niya ang naging desisyon niya.
Muli na namang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata.
Hindi niya namalayang nakatulog siya sa ganoong posisyon.
Nang silipin siya ng kaibigan ay napailing na lamamg ito. Muli nitong maingat na isinara ang pinto at hinayaan na lamang siyang magpahinga.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
Fiksi Umum"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...
