Chapter 11.1

24.9K 561 3
                                    



TYRON

Where are you?

On my way, Sir.

You're already late.

I'm sorry..

Masyado ka bang pinagod ni
Albert at hindi ka nagising
ng maaga?

WHAT?!

Sir, please... kapag sinagot
ko 'yan, hindi ka naman
maniniwala, so what's the
use?

Sorry po kung na-late ako...
hindi na po mauulit. Ibawas
n'yo na lang po sa sahod ko.


Damn you! I don't fucking
care about your salary!

Kapag sumagot ako, galit ka...
kapag naman hindi ako
sumagot, galit ka rin.

DAMN IT!


NAPABUNTONG-HININGA na lamang siya sa takbo ng usapan nila ni Tyron.

Totoong tinanghali siya ng gising, pero hindi sa kadahilanang sinabi nito.

Tinanghali siya ng gising dahil sa kaiisip ng salitang gagamitin niya sa pakikipag-usap dito mamaya.

Mamaya niya na binabalak na kausapin ito tungkol sa plano niya.

Bahala na.

Baka panghinaan pa siya ng loob kapag pinatagal niya pa.


PAGPASOK niya pa lamang ng WAAK ay agad na siyang sinalubong ng tarantang anyo ni Claire.

"Hay nako, Anicka... mabuti na lang at dumating ka na. Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses nang lumalabas ng opisina si boss at tinatanong kung dumating ka na," salubong agad nito sa kanya. "Ipapa-inventory yata iyong mga natitirang supplies. Sabi ko nga, ako na lang, e... tiningnan lang ako ng masama." anito at pinaikot ang mga mata. "Diyos ko, baka kaya tayo pinapirma ng kontrata dahil ganito araw-araw ang mangyayari, huwag naman sana! First day, at to the highest level agad ang stress!" tuloy-tuloy na tungayaw nito sa mahinang boses.

Sasagot sana siya nang muli na namang bumukas ang pinto ng silid na nagsisilbing opisina.

Nagkagulatan pa sila nang magtama ang mga mata nila.

"At last, you're here, Ma'am! In case, you didn't notice, it's ten thirty!" masungit na sikmat nito sabay tingin sa relong pambisig.

"I'm sorry, Sir." sagot na lamang niya at nagyuko ng ulo. Ayaw niyang makahalata ang mga kasamahan niya kaya't nanahimik na lamang siya.

"Wala naman na ako'ng magagawa, hindi ba? Sumunod ka sa'kin." anitong tumalikod na, at bumalik sa loob ng opisina.

"Sabi ko sa'yo, e." muli ay narinig niya ang bulong ni Claire. "Sige na, sundan mo na at baka lalong topakin. Balita ko, walang jowa 'yan... baka kaya mainitin ang ulo... tigang!" bulong pa rin nitong sinabayan ng hagikgik. "Samahan mo ng konting himas--"

Sasagot sana siya nang marinig ang sigaw ni Tyron.

"Anicka, what's keeping you so long?!!" pareho pa silang napa-igtad sa sigaw nito.

"Dali na, pasukin mo na," ani Claire na bahagya pa siyang itinulak. "Balitaan mo na lang ako."

Pinandilatan niya ito ng mga mata at dali-dali nang naglakad papasok sa opisina.

"Close the door." agad na sabi ni Tyron pagpasok niya nang hindi man lamang nag-angat ng paningin at tila abala sa binabasa.

Isinara niya ang pinto at huminga ng malalim.

"Kaya mo 'yan, Anicka. It's now or never..." pagpapalakas niya sa loob niya at marahang lumapit sa mesa nito.

Nang nakatayo na siya sa harap nito ay saka pa lamang ito nag-angat ng tingin. Ibinaba nito ang hawak na folder at sumandal sa swivel chair, at pinag-salikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng tiyan nito, habang matiim na nakatitig sa kanya.

"Come here, Anicka..." anito na hindi humihiwalay ang mga mata sa kanya.

Nangunot ang noo nito nang hindi siya kumilos sa kinatatayuan niya at nakatingin lamang dito.

"I said, come here." ulit nito.

Inikot nito ang upuan patagilid.

Kahit nag-aalinlangan ay dahan-dahan siyang lumigid sa gilid ng mesa at lumapit dito nang hindi pinaghihiwalay ang kanilang paningin.

Kahit papa-ano ay pinalalakas ng aksyon nito ang loob niya.

Alam niya ang binabalak ni Tyron.

Kahit kinakabahan ay nagpatuloy pa rin siya.

Sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya, ay alam niyang malaki ang tsansa niyang tanggapin nito ang iaalok niya.

Huminto siya isang hakbang mula rito. Hindi pa rin niya binabaklas ang pagkakatingin dito.

Napatili pa siya nang bigla nitong hatakin ang kamay niya. At dahil nagulat ay nawalan siya ng panimbang at bumagsak sa kandungan nito.

"Shh... ang ingay mo talaga. Hindi pa soundproof ang opisinang ito." sabi nitong hinawakan siya sa batok at agad na kinuyumos ng halik sa labi.

Napahawak na lamang siya sa balikat nito nang mas laliman pa nito ang halik.

"The sweetest... I missed this..." pa-ungol na bulong nito at muling sinakop ang labi niya.

Napa-igtad pa siya nang maramdan ang isang kamay nito sa may damit pa niyang dibdib, at ang isa naman ay humahagod sa hita niya, paitaas. Hindi niya namalayang naka-upo na pala siyang pasaklang sa kandungan nito.

Kahit nadadarang na ay pilit niyang pinangibabaw ang matinong kaisipan, at marahan itong itinulak sa balikat, palayo sa katawan niya.

Kailangan niya munang maisagawa ang plano niya.

Atubiling lumayo si Tyron sa kanya.

"What is it this time, Anicka?" halos ay paungol na sabi nitong muling inilapit ang mukha sa kanya at pinaulanan siya ng maliliit na halik sa mukha, pagapang sa pisngi niya, pababa sa leeg niya.

"Tyron, please. We have to talk-- ahh... please..." hindi napigilang ungol niya nang maramdaman niyang sinipsip nito ang bandang leeg niya.

Patuloy naman siya sa mabuway na pagpigil dito sapagkat ayaw nitong tumigil sa ginagawa.

"Tyron, please... I want us to talk!" aniyang pinilit na patatagin ang boses.

Pabuntong-hiningang binitiwan siya nito.

"Okay, talk." anitong deretsong nakatingin sa mga mata niya ngunit hindi pa rin binibitiwan ang baywang niya, kaya't nanatili pa rin siyang nakasaklang dito.



Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon