Chapter 22.2

20.4K 445 15
                                    


AKMANG ipapasok na niya sa bag ang telepono niya nang mahagip ng paningin niya ang isang tarheta. Hindi na niya ito naalala nang mga nakaraang araw. Hindi niya akalaing magiging sagot iyon ngayon sa suliranin niya. Agad niya iyong kinuha at idinayal ang numerong naroon.

Sa ika-apat na ring ay saka may sumagot sa kabilang linya.

"Hello...?"

"Chelsea...?"

"Yes, who's this?"

"It's Anicka..."

"Siiiiissss... kumusta?!" bahagya niyang nailayo ang aparato sa tainga sa lakas at tining ng sigaw ng kaibigan. "Akala ko, wala ka nang balak na kontakin ako, eh."

Tumikhim muna siya at huminga ng malalim bago nagsalita. Parang may nakabikig sa lalamunan niya.

"Sorry, medyo busy lang, these past few days. Hrmp... ahm... c-can I stay there?" alanganin ang boses na tanong niya.

"Of course, ano ba'ng klaseng tanong 'yan, Sis? Niyayaya nga kita rito, 'di ba?"

"I mean... medyo matagal-tagal,"

"Oo naman, Sis, ano ka ba? You can even live here, if you want to."

"Talaga? Nakakahiya man, pero wala na akong ibang maisip na puntahan."

"Tch. Drama nito. Pwede kang tumira rito kahit hanggang kailan mo gusto, no! Pwede ka rito sa White House, kung ayaw mo naman, may mga cottage na pwede kang mag-stay."

"H-hindi ba nakakahiya sa husband mo?"

"Hay naku, hindi, no! Matutuwa pa nga 'yon dahil may makakasama na ako rito, araw-araw. Teka, nasaan ka ba? Ipasusundo kita."

"Okay lang ako... pupunta na lang ako diyan. May address naman sa calling card mo."

"Ahh... sige. Magpapaluto na lang ako, para sa pagdating mo."

"Sis, 'wag ka nang mag-abala. Baka mapagod ka pa, kawawa naman ang baby mo."

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa sa kabilang linya. "Abala ka diyan... sige na, punta ka na rito, excited na 'ko."

"Sige. Salamat, Sis."

"Walang anuman, drama." muli ay ang mahinang tawa nito. "Sige na, bye na. Punta ka na rito."

"Okay, bye." matapos magpaalam ay ibinaba na niya ang tawag.

TYRON'S POV

NAKATINGIN pa rin siya sa kawalan nang tumunog ang hawak pa rin niyang cellphone.

Agad niyang tiningnan iyon sa pag-aakalang si Anicka iyon.

Para lamang madismaya nang makitang hindi iyon ang kasintahan.

Angie (work)

Sir, I just want to remind
you your appointment to
Dra. Legaspi at nine o'clock.

Okay Anggie, thank you.

You're welcome, Sir.


IINOT-INOT na tumayo si Tyron. Tiningnan niya ang relo sa bisig niya. Alas otso. May isang oras pa siya para umuwi ng bahay at magbihis. Kailangan na niyang tapusin ito sa lalong madaling panahon.

Muli niyang binalingan ang cellphone at itinext si Rachel.

Tyron Babe

Fix yourself. Dadaanan
kita diyan before nine
o'clock.

Really, Babe? Where
are we going?

Just fix yourself, and
wait for me.

Okay.

Anyway, that's a good sign.
You are going to spend time
with me.

What shall I wear?

Anything na komportable
ka at ang baby.

Oh my God, Babe, I can't
believe it. You already care.
Sabi ko na nga ba at may
nararamdaman ka pa rin
para sa akin, eh.

Just go fix yourself,
Rachel. Don't waste
time. You have to be
ready before nine.

Of course, Babe. I'm so
excited.

I love you, Babe.

NANG nasa tapat na siya ng hotel na tinutuluyan ni Rachel ay tinawagan niya ito at sinabing nasa baba na siya.

Ilang minuto lang at natanaw niya itong palabas na ng hotel.

Nakasuot ito ng pulang bestida na umabot lamang halos sa tuhod nito ang haba, at halos lumuwa ang dibdib nito sa lalim ng tabas niyon sa bandang harapan. Tinernuhan nito iyon ng sa tingin niya ay dalawang pugadang taas ng sapatos.

Sa hitsura nito ay sino ang mag-aakalang halos ay apat na buwan na itong buntis.

Nang makalapit ito sa sasakyan niya ay agad niyang binuksan ang pinto upang makapasok ito.

Dahil bahagya itong yumuko pagpasok ng sasakyan ay lalong halos lumuwa at  gustong maka-alpas ang hinaharap nito.

Nakangiting humarap ito sa kanya pagpasok ng sasakyan at akmang aabutin siya ng halik sa labi ngunit mabilis siyang nakaiwas.

Nagkibit na lamang ito ng balikat at umayos ng upo.

"Where are we going, Babe?"

"You'll see. Put your seatbelt on." pormal niyang sabi rito.

"Oh, that's so sweet of you, Babe. Did you hear that, Baby?" kunwa'y kausap nito sabay hagod sa impis pa naman nitong tiyan. "Did you hear, how your Daddy cares for us?"

Hindi na lamang siya kumibo at ipinagpatuloy ang pagda-drive.

Habang daan ay hindi pa rin mapagkit ang ngiti nito sa labi.

"Ahm... Babe, pwede ko bang malaman kung saan tayo pupunta? You know, you're killing me with excitement..."

"Saint Lukes..." he said in a flat tone.

Nangunot ang noo niya sa rahas ng pagkakabaling nito sa kanya. Hindi siya magtataka kung magkaka-stiff neck ito.

"W-wait... w-wait... what are we going to do there? M-may pasyente ka bang dadalawin? Why didn't you inform me that we're heading to a hospital? I-i thought... I thought..."

"You thought, what, Rachel?" nakataas ang isang kilay na sabi niya.

"Ahh.. I thought, we're just going to eat breakfast together." bakas pa rin ang panic sa boses at hitsura nito.

"Don't worry, we will. After we're finished with the procedure." kalmado niyang sabi

"W-what procedure?" nanlalaki ang mga mata nito.

"We're going to undergo a paternity test."

"W-what?!!" shocked was very visible in her face. "W-wait... s-stop the car!"

"Why? Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Kung gusto mong panagutan ko ang bata, gusto kong mapatunayan na akin nga 'yan. Malay mo, maisipan kong pakasalan ka, kapag napatunayan kong akin nga 'yan." sabi niyang sa kalsada pa rin nakatingin.

Your Love is my Revenge (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon