"OKAY, talk."
"Let me go, Tyron. Hindi tayo makakapag-usap ng ganito," pilit siyang tumatayo sa kandungan nito ngunit lalo lamang nitong hinihigpitan ang hawak sa balakang niya.
She glared at him.
"Why?" painosenteng tanong nito na nag-uumpisa na namang hagurin ang balakang niyang bahagyang nakalabas sapagkat bahagyang nakalilis ang blouse niya, gamit ang thumb finger nito.
"Tyron, I'm serious." seryosong sabi niya. Hindi siya dapat magpadala sa panunukso nito.
Bumuntong-hininga ito at itinaas ang dalawang kamay na anyong sumusuko.
"Okay."
Nakahinga siya ng maluwag at umalis sa kandungan nito.
Pero dahil nakasaklang nga siya rito ay sa harapan nito mismo napunta ang pressure nang tanggkain niyang umahon sa pagkaka-kandong dito.
"Urgh. Dahan-dahan, baka mapisa 'yan," paungol nitong reklamo.
"S-sorry." namumulang sabi niya na nakababa na sa kandungan nito at umikot patungo sa kabilang bahagi ng mesa.
Mabuti na iyong may mesang makapagitan sa kanila.
"Well, ano ang gusto mong pag-usapan natin?" naka-arko ang kilay na tanong nito.
"Hrmp..." naka-ilang tikhim muna siya bago nagkalakas ng loob na mag-umpisa. "I want to sell my body to you." mabilis ang pagkakasabi niya bago pa magbago ang isip niya.
"You what??!!" gulat na gulat na tanong ni Tyron na napa-angat pa ang likod sa kina-uupuan. "Are you kidding me?!"
"I'm serious." matatag na sabi niyang sinalubong pa ang mga mata nito.
Nandito na siya.
Wala nang atrasan ito.
"And what made you think, na bibilhin ko nga iyang katawan mo? When we both know, that I can have you, right here, right now... for free?" nag-iisang linya ang mga matang sabi nito, kasabay ng pagtatagis ng mga bagang.
"Awhile ago, was the last time that i'd let you feast with my body, if you won't consider. Paglabas ko ng opisinang ito ay ite-text ko agad si Albert at yayayaing magpakasal. I'm serious, Tyron... and desperate!" habang sinasabi niya iyon ay nakataas ang noo niya at deretso siyang nakatingin sa mga mata ng binata. Ayaw niyang isipin nitong pinanghihinaan siya ng loob.
Hindi iyon makakatulong sa kalagayan niya.
"How much?" lalong dumilim ang mukha nito at pakiramdam niya ay malapit nang mabasag ang mga ngipin nito sa pagngangalit.
Lumunok muna siya bago sumagot.
"Two million. And I will be willing to be your bed partner for a month. I want it in cash." matatag at taas noo niyang sabi.
"Are you still a virgin?" hindi niya mabasa kung ano ang ibinabadya ng mga mata nito. Ngunit sa palagay niya ay doon nakasalalay ang magiging desisyon nito. Kaya't itinaas niya ang noo saka sumagot.
"Of course."
Ewan niya kung dinadaya lamang siya ng kanyang paningin, ngunit bahagyang lumiwanag ang mukha nito sa sinabi niya.
"Let's say, I 'll consider, may I know kung saan mo gagamitin ang pera?" nananantiyang tanong nito.
Muli ay itinaas niya ang noo bago sumagot.
"None of your business. Hindi ko hinihingi sa iyo ang pera, ibinebenta ko sa iyo ang katawan ko. Kaya hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo!" matatag pa rin niyang sagot.Ang hindi alam ni Tyron ay malapit nang maubos ang baon niyang katatagan.
"Why me? Sabi mo nga, you could have marry, Albert. Surely, kaya ring ibigay ni Albert ang halagang kailangan mo," anito sa nang-aarok na mga mata.
"Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So, you could have your revenge, and move on."
"At ikaw ang mahal ko..." sagot ng isang bahagi ng isip niya. Ngunit wala na siyang balak na ipaalam pa iyon dito.
"I'll accept your offer, but on my terms." pormal na sabi nito, na tila isang business transaction ang pinag-uusapan nila.
Nangunot naman ang noo niya sa sinabi nito.
"After three months, I will be going back to the states, I have to... nandoon ang main office ng business ko. I'll give you five million, be my bed partner, for as long, as I am here." tiim ang bagang na sabi nito na deretso ring nakatingin sa mga mata niya.
Napalunok siya sa sinabi nito.
Nang may biglang pumasok sa isip niya.
"No. Two million is enough for me. But I'll accept your three month offer. If you promise me, that after three months of being your bed partner, my contract here in WAAK will be void. And after three months, I am free, and we'll go seperate lives."
Sa isang saglit ay may nakita siyang nakiraang emosyon sa mga mata nito na hindi niya kayang tukuyin o ipaliwanag, na agad din namang naglaho kaya't ipinagpalagay niyang imahinasyon niya lamang.
"Deal. Maybe, this is what we both need. Satisfy ourselves with each others body, then, we could both move on." anitong patuloy lang ang pagngangalit ng mga bagang.
Parang gusto nang pumatak ng mga luha niya sa sinabi nito, ngunit pinigilan niya pa rin.
Kailangan niyang maging matatag.
Kahit ngayon lang.
Mamaya na siya iiyak.
Nagulat pa siya nang biglang tumayo si Tyron at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ito. Hinawakan siya sa magkabilang balikat at itinayo.
"Maybe we could seal our deal, what do you think?"
Nagtatanong ang mga matang nakatingin lamang siya rito.
"With this..." anitong agad na sinakop ang labi niya.
He kissed her, hungrily, fiercely! As if, he couldn't get enough of her.
Matapos ang halik ay humihingal na ipinag-dikit nito ang mga noo nila. Matiim pa ring nakatitig sa mga mata niya.
"From now on, you are mine, Anicka... just mine! Ayoko nang makitang magkasama kayo ni Albert." anitong nanalim ang mga mata sa huling sinabi.
"Just for three months, Tyron. Three months, do not forget that." aniyang nakipag-hamunan ng tingin dito.
"Yeah. Three fucking months! Nonetheless, still mine!" nagdilim na naman ang mukha nito at muling sinakop ang labi niya.
Sa pagkakataong iyon ay marahas ang mga halik nito, nagpaparusa.
Ngunit ganoon pa man ay hindi pa rin niya maiwasang tumugon.
Isang ungol ang kumawala sa lalamunan nito nang maramdaman ang pagtugon niya. Maya-maya pa ay nagbago na ang paraan ng paghalik nito. Naging masuyo. Bumaba ang mga kamay nito mula sa magkabilang gilid ng mukha niya, pababa sa katawan niya.
Dumadama.
Pumipisil.
Hanggang makarating ang mga iyon sa baywang niya.
Nandilat ang mga mata niya nang kabigin nito palapit ang katawan niya, palapit sa katawan nito. Tila sadyang ipinadarama sa kanya ang kasalukuyang nangyayari sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Tumigil ito sa paghalik at muling pinag-dikit ang mga noo nila, habang matiim pa ring nakatitig sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Your Love is my Revenge (Completed)
General Fiction"I want to sell my body to you." sabi ni Anicka na deretsong nakatingin sa mga mata ni Tyron. "What?! Why me?" kunot-noong sabi nito. "Dahil sa iyo ako may malaking kasalanan. So you could have your revenge, and move on." matatag pa rin niyang sagot...