PAULINE'S POV:
First day na ng school at nandito ako ngayon sa Bighit High para kunin ang sched ko sa registrar ng school. Medyo malaki rin pala ang eskwelahan na to, mukhang maliligaw pa ata ako. Pero infairness, maganda't malawak ang school na to ahh..
Sa sobrang mangha ko sa laki ng school, di ko namalayan na may nakabunggo sa 'king asungot.
"Ay! Sorry miss, nasaktan ka ba?" Umirap ako at iniwas ang kamay niyang balak pa ata akong hawakan para itayo. Bwisit na to! Di tumitingin sa dinaraanan nya. Nalaglag at nagkalat tuloy yung mga gamit na hawaak ko. Tsk!
Nang makatayo na ako at hawak na ang mga gamit ko, hinanap ko ang ibang mga gamit ko nang ibigay nya sakin ang mga gamit na hinahanap ko. Tumingin ako ng masama sa kanya at hinablot bigla sa mga kamay niya ang mga gamit ko na ikinagulat nya.
"Ho! Wag kang galit miss, nag sorry na ko ahh!" sabi nya.
"Sino bang di magagalit? Eh di ka tumitingin sa dinaraanan mo, binangga mo pa ako." Tumawa syang bigla at tiningnan ako na parang nagulat.
"Ako? haha.. ikaw kaya yung di tumitingin dyan. Nakatayo lang ako rito sa harapan mo. Ikaw ang nambangga." Ay! Ako ba? Sarre naman. Tss.
"Eh alam mo naman pala na nasa harapan kita, ba't di ka pa umiwas na lang?" Natahimik sya at huminga ng malalim. Tiningnan nya ko at ngumiti. Letcheng to! pangiti ngiti pa, infairnes sa kanya
cute sya ngumiti.
"Okay, I'm sorry!" Inirapan ko lang sya at patuloy nang maglakad papuntang registrar. Iniwan ko sya dun na natulala sa ginawa kong pagbalewala sa sorry nya.
__________________
Pagkatapos ko kunin yung sched ko, agad akong pumunta sa classroom ko at buti naman at di pa nagsisimula ang klase. Umupo ako sa bandang likod ng classroom, sa may tabi ng bintana. Masaya dun umupo lalo na kung may papabels na dadaan at makikita nila ako. At isa pa masarap ang hangin kaya gusto ko dun umupo.
Habang hinihintay ko ang pagdating ng titser namin, nakatingin ako sa mga taong dumadaan sa hallway ng school. Karamihan din pala sa school na to ay gwapo at chinito. Hahaha tiba tiba ako nito pag nagkataon.
Pero biglang sumama ang pakiramdam ko nang makita kong dumating ang ulupong na nakabangga ko kanina. Sinusundan ba ko nito o sadyang nananadya lang to?
Nakita nya ko ng pumasok sya sa classroom at umupo pa talaga sa tabi ko. Kung mamalasin ka nga naman oo.
"Hi!" Bati nya habang nakangiti. Nang aasar ba to?
Inirapan ko sya at lumingon sa kaliwa. Narinig ko syang tumawa ng mahina at bumulong sa tenga ko.
"Alam mo, ang cute mo pag nagsusungit ka." Shet! di lang pala sya gwapo, mabango't sexy pakinggan ang bulong nya. Pero hindi! Di dapat ako papadala sa bwisit na to. Pero... sinabi nya na cute daw ako. Agad na namula ang pisngi ko nang marealize ko ang sinabi nya.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Short StoryAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..