Hoseok Scenario

46 5 2
                                    


HOSEOK'S POV:


Ang bestfriend kong si Kling at ako at pareho ng gustong babae. Si Kling ay ang tomboy kong bestfriend pero ewan ko ba. Kung tutuusin, mas maganda pa sya kesa dun sa babaeng type naming dalawa. Pero don't get me wrong ha! Di ko gusto yang bestfriend ko. Masaya kami na kasama ang isa't isa. Kase pareho kami ng gusto. Babae na sexy at maganda. Mahaba ang buhok, maputi at makinis ang balat. 


Magbestfriend kami ni Kling since High School. Pero nung una ko sya nakita, akala ko talaga lalaki yan. Kaya sinali ko sya sa mga tropa ko na lalaki. Tawag samin Bangtan boys. Pero tsaka lang namin nalaman na babae sya dhil inamin nya samin umpisa pa lang. Natawa kami that time pero buti nga di sya nahiya kase kahit alam nya na babae pa rin sya, lalaki pa rin sya kumilos. Kaya tinuring ko syang maging bestfriend kase masaya pa rin naman syang kasama at pareho kami ng gusto sa babae. Minsan nga nagaaway pa kami at nagiging magkaribal. 



Pero itong nakaraan lang, nakaramdam ako ng kakaiba sa bestfriend ko.


Friday ng gabi nun nang samahan ko si Kling sa bahay ng nililigawan nyang babae. Nao-awkward ako dahil gusto ko rin kase ang babaeng nililigawan nya. Pero wala akong magawa kundi ng ilihim na lang ang feelings ko sa babaeng yun dahil naunahan na ako ni Kling na magconfess sa kanya. Kaya sumama na lang ako for support sa bestfriend ko.


Ilang araw na nya ring nililigawan si Samantha pero alam ko sa pinta pa lang ng mukha nya na ayaw nya kay Klings. Pilit ang ngiti at di makatingin ng diretcho sa kanya. Alam ko nang mangyayari ito pero di ko na lang sinabi kay Kling dahil masasaktan lang sya. Hahayaan ko na lang na sabihin ni Samantha ng diretsahan kay Kling at personal nyang sabihin na ayaw nya rito.


At Dumating na rin ang araw na yon. Tinawagan sya ni Samantha at may sasabihin daw syang importante sa kanya. Excited na kinakabahan si Kling na malaman ang sasabihin ni Samantha. Napalunok naman ako ng laway ko sa kaba dahil alam ko na ang magiging kasunod ng lahat ng mangyayare ngayon. Pero Kailangan nyang malaman ito dahil pag tumagal pa ang mga nangyayare, tyak na mas masaktan sya.


"Klings.... I'm so sorry. Pero... ayoko kase magkaroon ng karelasyon na.. alam mo na, tulad ko. Babae. At tsaka akala ko loko mo lang na liligawan mo ako. Totoo pala. I'm so sorry to say this, Kling. Pero ayoko talaga." Sabi nya na may kasamang pag-iling. Tiningnan ko ang itsura ni Kling at para syang nalugi sa narinig nya. Naibaba nya ang mga bulaklak na binili nya at nawala ang ngiti sa bibig nya. Napakagat sya ng labi nya dahil ganun sya pag pinipigilan nya ang pag iyak nya. Ako naman, napabuntong hining na lang sa mga nangyayare at nahuli kong nakatingin at nakangiti sakin si Samantha habang nag bablush pa ang pisngi. 


"Hey, Hoseok oppa. Musta ka na? Tagal kitang di nakita." awkward akong ngumiti at tumango sa kanya. Alam kong nakatingin samin si Kling at alam ko rin na nakatingin ng masama sa akin ngayon si Kling. Kaya nagulat kami nang bigla na lang syang mag walk out sa bahay at sinundan ko sya paglabas ng bahay. Wala na akong pakialam kung bastos akong lumabas ng bahay at di man lang nagbow at nagpaalam kay Samantha. Pero galit sakin ngayon ang bestfriend ko at di ko kaya na nagiing magkaaway kami.


"Sandali, Kling. Ano ka ba? Ba't ka ba nagmamadali?" Sigaw ko habang papalaapit na ko sa likod nya para hawakan ang braso nya. "Teka nga, tumigil ka nga saglit."Sabi ko habang hawak na ngayon ang braso nya. Humarap ako sa kanya at nakita na umiiyak na sya. Nanghihina ako pag nakkita ko syang  umiiyak at nasasaktan. Hinawakan ko ang mukha nya at pinunasan ang luha nya.

Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now