Taehyung Scenario

33 3 5
                                    


Angel's POV:


Haayy~ Sa wakas at fresh na ako ulit. Grabe! Ilang oras din akong bilad sa labas. Pano ba naman, yung prof namin ang galing magturo. Nakaupo lang samantalang kami ng mga classmates ko naggagawa ng activity sa may bandang garden ng school. Ang dumi ko tuloy. Tss.


Habang nagpupunas ako ng basa kong buhok, naririnig ko ang mga nag-uusap sa isang TV program. At alam kong interview ng Bangtan ang nasa palabas. Nagpopromote kasi sila ng new comeback nila this year kaya sobrang busy sila sa sched nila ngayon.


Magsisimula na sana akong magsuklay nang bigla akong mapatigil sa pagmention ni Taehyung sa pangalan ko sa interview.


"Si Angel, siya ang pinakaclose kong fan. Lagi syang nasa fanmeeting namin at lahat ng activities namin as Bangtan Boys. Naaapreciate ko talaga ang effort nya. At ang bait bait nya din sakin." sabi nya habang nakangiti ng malaki sa camera. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.


Di ko ineexpect na imemention nya ko sa harap ng maraming taong nanonood sa kanila, especially mga ARMY's all over the world.


"Kinocontact mo ba sya lagi?" nahihiya syang tumango at ngumiti na napaghahalataan na nagbablush sya sa camera.


"Waah! Ang pinakawacky na member ng BTS na si V ay in love!!" biro ng host kay Taehyung kasama ng mga members niya, lalo na ang maknae na si Jungkook na humahampas pa sa kanya. Kitang-kita ko sa mukha nya ang pagkapula na parang kasingpula na ng kamatis sa hiya nya. At ramdam ko rin na nagiinit din ang mukha ko sa mga nangyayari. Pero mabuti na lang at ako lang ang tao dito sa bahay namin. Dahil kung nandito ang pamilya ko, baka gulo ang mangyari since di pa nila nakikilala si Taehyung ng personal.


"So totoo ang tsismis? You're dating your closest fan?" iwinagayway nya ang mga kamay nya para ideny ang issue.


"Hi-Hindi po. Haha! Di pa po kami nagdedate. Uhm... Nililigawan ko pa lang po sya ngayon. So.. Please mahal naming ARMY's tulungan nyo po akong suyuin si Angel. Special po kasi sya sakin at gusto ko po syang pasayahin sa buong buhay nya." namangha ang ibang kuya nya pati si Jungkook sa matapang na pagtatapat ni V sa national TV. Hindi kasi lahat ng Idol nakakagawang ibroadcast ang love nila sa isa sa mga fan nila.



----------------------------


Ngayon, Bihis na bihis ako dahil may date kami ngayon ni Taehyung. 


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ilang saglit lang ay may kumatok na sa pinto ng bahay namin. Excited akong tumungo sa pinto at masayang pinagbuksan ang taong ineexpect ko sa kabilang part ng pinto.


Pero sa isang iglap lang, nawala agad ang ngiti ko nang makita ko ang mga taong di ko inaasahang darating ng maaga sa bahay.


Ang Mommy, Daddy at kuya kong si Chanyeol.



"Oh? Omma, Appa, Oppa. Ang aga nyo naman." agad namang napakunot ang noo nila sa sinabi ko.


"Uhm... syempre nandito na kami kasi oras na ng uwian namin at bahay din namin to." sarcastic na sabi ng mommy ko. Napatawa na lang ako sa awkward moment at kaba dahil any moment na din ay darating na si Taehyung.


"Ah! Hahahaha~ Oo nga po haha." Sabay kamot ng ulo ko para matago ko ang hiya na nararamdaman ko ngayon.


"At saan ka naman pupunta ng ganitong oras at nakabihis ka pa?" tanong ng daddy ko na suspicious ang tingin sakin. Isama na din sila Mommy at Chanyeol oppa.


"Oh! Uhmm..." Bago man ako magsalita pa ulit, bigla na lang namin natinig si Chanyeol oppa na may tinanong sa likod ng parents namin in serious tone.


"At sino ka naman?" nacurious naman ang parents namin sa taong kausap ni Chanyeol oppa at tumingin sa likuran nila.


Nandun nakatayo si Taehyung na nakangiti ng malaki sa aming lahat.


"Good Evening, Sir, Madame. I'm Your Daughter's Suitor, Kim Taehyung." pagkatapos noon ay nagbow sya ng 90 degrees as respect.



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now