KLINGKONG'S POV:
Bagong araw na naman sa king pinaka mamahal na trabaho. Ang magtrabaho sa isang car wash ay di isang biro. Kung iniisip nyo na pag nagcacar wash ako, nakabikini at seksi manamit habang nililinis ang mga kotse.. Hmmp! Iniisip nyo lang yun. Eto ang realidad. Simple lang akong naglilinis ng mga kotse. Nakat-shirt at shorts lang. Sino naman pagpapagandahan ko dito? Mga driver na manyakis? mga adik sa kanto? mga sira-ulong walang alam kundi manilip ng mga seksing babae? Tss.. Ano sila... Sinuswerte? Sayang lang kaseksihan ko kung sila lang makikinabang. pfft Charot lang.
Anyway. Highway.
Ang Tumal ng dating ng mga customer ngayon. Bakit kaya?
(a/n: baka kailangan mo nang gawin ang secret weapon mo, Klings)
Anong weapon, Author?
(a/n: sus! kunware ka pa. Lam mo na yung ibig kong sabihin. Di ka shunga noh!)
*Rolls eyes* Sinabi ko na Author. Di ako ganun. Dalagang Filipina ata to. Di ko hilig tumingin sa ABS, V-LINE ng lalake at yung sa baba pa. Di ko alam yung mga yun. Tss.
(a/n: -_- )
Buti naman at tinigilan na ko nitong si Author. Teka! Meron na kaming customer. Nice ah! Lamborghini. Seksing kotse to ee. Mas seksi pa sakin. Paniguradong bigtime ang may-ari nito.
Pagbaba ng windshield. Shet! Ang gwapo nya. Lumabasa sya ng sasakyan nya at sinara ulet. Nilapitan ko sya nang nakangiti.
"Pakilinisan ang kotse ko Miss.?" sabi nya habang naghahanap ng paraan para matawag ako sa kung anong itatawag nya sa kin.
"Kling na lang, Sir..?" sabi ko na clueless din sa itatawag sa kanya.
"Sehun." Sehun pala pangalan nya. Pero narealise ko na payatot pala tong lalaking to. Sayang ang kagwapuhan.
"Okay, sir Sehun. Lilinisin ko na ho ang sasakyan nyo. Just wait na lang po and be at home habang hinihintay nyong maging bago ulet ang sasakyan nyo." sabi ko ng masaya sa kanya. Grabe tong lalaking to walang emosyon.
"Bago yan. Linis lang ang kailangan." sabi nya. Aba! Ang taray. Yabang nito. Oo na! Ako na mahirap. Tss.
"Tss. Yabang. Parang tingting naman." bulong ko. buti na lang di nya narinig.
Habang nagsasabon ako ng sasakyan nya, tinitingnan ko rin sya na kausap ang manager boss namin. Grabels. Mukhang mayaman tong tingting na to. Ang swerte ng magiging asawa o girlfriend nito. Nasa likuran na ako ng sasakyan nang mapansin kong may nakatingin sakin. Lumingon ako at nakita ang Sehun tingting na to na nakatingin sa legs ko. Namula ako ng konti at tiningnan sya ng masama. Nag-smirk sya at tumingin sa cellphone nya. Tss.. Manyak na to.
Ilang minuto lang nagbabanlaw na ko ng sasakyan at mapupunasan ko na ang sasakyan para matapos na. Pagkatapos kong punasan ang front wind shield, tinawag ako manager boss ko.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Short StoryAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..