Si Edielyn at Baekhyun ay mag-asawa; Sa harap ng Diyos, at ng mga taong nakapaligid sa kanila. Simple ngunit masaya ang buhay nilang mag-asawa. Masaya sila sa kahit anumang sitwasyon, Masaya sa mga simpleng dahilan, nalulungkot kung may problemang kailangan pagtuunan ng pansin. Pinagtutulungan nilang gawn ng solusyon ang lahat ng kanilang problema sa abot ng kanilang makakaya. Nakakaya din nilang maglambing sa isa't isa kung stress man si Baekhyun sa kanyang trabaho. Napakasweet ni Baekhyun sa kanya kaya kung may oras na mag-away sila ay ang laging naiisip ni Baekhyun na pampawala ng away ay ang halik nya sa labi ng asawa.
Alam ni Edielyn na gusto nyang ganyan ang asawa nya sa kanya. Kaya sa sobrang tuwa na makasama si Baekhyun ay hindi na nya inisip ang kahihinatnan ng pagiging sobrang masaya nya. May kapalit pala itong sobrang lungkot na ikasisira ng relasyon nilang mag-asawa.
At nangyari na nga.
Lahat ng sayang bumalot sa tahanan nila ay napalitan at bumalot ng kalungkutan. Nawala na ang mga tawanan na nagsilbing music na kanilang mga tenga, at napalitan ito ng palagi nilang di pag uusap. Kumbaga lumalayo na sa kanya at dumidistasya na sa kanya ang asawa nya.
Ni hindi na sya hinahalikan sa pag-alis at pag-uwi nito sa kanilang bahay. Hindi na rin nya kinakain ang mga nihandang pagkain ni Edielyn para sa kanyang pagdating. At kapag nag uusap sila, tipid sumagot si Baekhyun at inunahan na sya nitong matulog.
Ang lahat ng iyon ay sobrang nagpasakit ng kanyang puso. At yun ang di napansin ni Baekhyun. Minsan napaisip din si Edielyn.
'Siguro kasalanan ko rin ito. Dahil sa sobrang pagmamahal na binigay ko sa kanya, hindi ko na nalaman na nagsasawa na sya sakin.' Hindi naman dapat si Baekhyun lang ang sisihin kundi sya rin dahil kung hindi nya sinimulan na ibigay ang lahat lahat, ngayo'y wala nang natira sa kanya at nakaya na syang abusuhin ng asawa nya dahil sa sobrang kabaitan nya.
'Ganun ba ako kamaling mali? Nakakasakal na ba ako? Nagsasawa na ba talaga sya sakin?' Dahil sa tingin nya ito ay sobrang unfair. Ang resulta ng ginagawa nya para kay Baekhyun ay sobrang unfair.
Alam nya din na pinagtataksilan sya ng asawa nya. Matagal na nyang alam. Pero alang alang sa diyos at sa paningin ng maraming tao, inilihim na lang nya ito. Sinubukan nyang ipasok sa utak nya na sya lang talaga. Siguro kailangan lang ni Baekhyun na lumayo ng saglit sa asawa nya dahil sa nagsasawa na nga sya siguro sa pagsasama nila ng asawa nya.
Anniversary nila noon nang mawalan na ng interes sa kanyang asawa si Baekhyun. Parang wala na syang nararamdaman na sparks at sweetness sa kanilang dalawa. Sinusubukan nyang umarte ng normal at ipakitang mahal nya pa ang asawa nya ngunit hindi umeepekto. Kung kaya't di na nararamdaman ni Edielyn ang sincerity ni Baekhyun sa mga I Love You nya.
"Late akong uuwi mamaya, wag mo na akong hintayin." Sabi ni Baekhyun habang halata sa kanya na nahihirapan syang ayusin ang necktie nya. Gusto sana syang tulungan ni Edielyn pero merong nagpipigil sa kanya na gawin na bagay na iyon.
"O-Okay." awkward nyang sagot. Pero sa loob loob nya, sobrang sakit na ng nararamdaman nya dahil sa patuloy na pagkausap sa kanya ng ganoong tono ng kanyang asawa.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Short StoryAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..