Based on Jin's Gone Music video.
Minseok's POV:
"Gawin mo yan ng key of B, then mamaya tuturuan kita ng Minuet." Tumango na lang ako habang nagpapractice magfingering ng piano piece sa harap ng piano nang makita ko ang isang babaeng dumaan sa labas ng bahay ng private teacher ko sa piano lessons.
Dire-diretcho lang sya sa paglalakad at hinahabol ko sya ng tingin dahil napansin kong diretcho lang ang tingin nya habang naglalakad. Ni hindi nga sya lumingon sa direksyon ko.
Sa tagal ng paghahabol ko ng tingin dun sa babae, nagulat ako nang biglang hampasin ng teacher ang top part ng piano. Nawala ang tingin ko sa babae at pinagpatuloy ang pagpapractice.
Ilang sandali lang ay naramdaman kong may presensya sa may likuran ko. Nakita ko sya na nakaupo sa labas ng kwarto kung saan ako nagpapractice at pinakikinggan ang tinutugtog ko. Hindi pa rin sya nakatingin sakin. Bakit ganun? Nahihiya ba syang tumingin sa kin?
Nang matapos na ako sa aking tinutugtog, Hinanda ko na ang mga gamit ko sa aking paglabas at nakasalubong ang babaeng kanina ko pa tinitingnan. Habang sinubo ko ang tablet na kailangan kong inumin, napatingin akong muli sa kanya. At nang mapalayo na ako sa kanya, magtatanong sana ako sa kasunod kong tagabantay sa bahay nang itulak nya ako palabas.
"Wag mo nang intindihin yung babae, basta lumabas ka na." nainis akong bigla at kumunot ang noo ko sa inis.
"Wag mo kong itulak, nagtatanong lang ako."
------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan...
Dumating na kami sa bahay ng private piano teacher ko at sinalubong ng isa sa mga tagasunod nya doon. Pumasok na ko sa loob at naghintay sa labas ng kwarto kung saan nakitang pinapalo at sinisigawan ng private teacher ko ang babaeng nakita ko kahapon.
"Ano ka ba naman, Kasimple simpleng key lang ang tinuturo ko sayo di mo pa makapa kapa. Naturingang gifted ka. Key of G lang." Nakikita kong halos paluha na ang babae pero halata sa kanya na nagpipigil syang umiyak ng malakas. Binagsak nya ang boteng katabi nito at tumilapon ang mga laman nitong candy. Saka sya umalis palabas ng kwarto.
Pagkalabas ng teacher, pansin kong lumuhod sya at hinahanap ang mga candy na nalaglag sa lapag. Kinakapa nya kung nasaan ang mga candy, dun ko na napagtanto na may kapansanan sya.
"Uhm.. Mr. Butler, pansin nyo bang parang walang nakikita yung babae?" tumungo lang ang butler sakin at nilagay nya ang daliri nya sa tapat ng mga labi nya at pinatahimik ako.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
PovídkyAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..