Minseok Scenario

49 5 1
                                    


EDIELYN'S POV:


Nagising ako sa sobrang liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Kinusot ko ang mga mata ko para matanggal ang mga muta muta ko. Pero nanlaki ang mata ko sa nakita ko sa paligid ko. Akala ko, ako ay nasa sarili kong kwarto. Pero di pala. Tumayo ako at naalala ang lahat ng nangyare kagabi.


Flashback:


"Lumayas kang babae ka!! Wala kang utang na loob!! Wag na wag ka nang babalik dito kundi ay mapapatay kita!!" Galit na galit na sigaw ng tiyahin kong nagmemenopause.


At bakit sya galit? Napagbintangan lang naman nya akong nagnakaw ng ref nila. Charot! San ko naman itatago yun? Sa bulsa ko? Ano ako, si Doraemon? 


Eto seryoso na. Napagbintangan nya akong kumuha ng pera nila sa Taas ng ref. Hindi ko naman ginawa yun. Ni hindi ko nga alam na dun nila tinatago yun ee. Tsaka hello! Ako? Sa ganda't seksi kong to, magtatangkang magnakaw ng kakarampot na pera. Tss.. Di ako cheap no. Maganda lang ako di ako magnanakaw. That's not my style. 


Eniwey.. Dahil nga sa pinalayas ako sa bahay, wala na akong mapupuntahan. At ang pinakamalas na nangyare sakin, ay ang mapahiya sa sarili kong crush na kasalukuyang nasalo ako dahil sa malakas na pagtulak sakin ng tyahin kong baluga na walang ginawa kundi magputak ng magputak.


Napatingin ako sa kanya habang hawak nya ang magkabila kong braso para pangsuporta bago pa man ako matumba sa pagkakatulak ni tyang. Namula ako sa hiya dahil sa lahat ba naman ng taong makakakita sakin ng ganitong sitwasyon ang lalaking gusto ko pa ang nakakita. Tsk! Kung minamalas ka nga naman Oo.


Ilang minuto lang ay hinimatay ako sa sobrang kaba at takot na naramdaman ko. 


End of flashback:


Oo nga pala. Si Minseok nga pala ang nakakita sa nangyari sakin kagabi. Pero... bakit nya ko dinala dito? Habang malalim ang pag iisip ko, narinig kong may tumawa sa bandang kanan ko. 


At dun ko na nakita si Minseok na nakasandal sa pader. Emeygerd!! NESE LENGET NE BE EKE? Shet! Bakit sya shirtless, at ang tangi nya lang na suot ay MADERPAKING TWALYA!!! Shet! Parang ang init dito! Kitang kita ko ang katakam takam na abs nya. 


Sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko sa itsura nya pero di ko talaga kaya. Namumula na ko sa sobrang pagmamangha sa ganda ng tanawin sa harapan ko. Pagkatapos kong mamangha, lumapit sya at nagsmirk sa kin. 


Nanlaki ang mata ko sa biglaang paglapit nya. At ako naman ay napaatras sa kinatatayuan ko, ramdam kong dulo na ng kama ang naatrasan ko kaya napaupo ako habang patuloy pa ding nakatitig sa nakakaakit nyang mga mata. Para akong naubusan ng hininga't boses dahil walang makalabas na boses mula sa bibig ko kahit gusto kong magsalita sa harap nya.


Palapit pa rin sya ng palapit at itinungkod nya ang tuhod nya hanggang sa mapaibabawan na nya ako. Habang ako naman ay nakahiga sa ilalim nya na kabadong kabado sa kung ano man ang gagawin nya sakin sa mga oras na ito.


"Buti naman at nagising ka na." Nagsmirk ulet sya. Gusto kong ilapit ang mga kamay ko sa batok nya at ilapit sakin para mahalikan ko na ang labi nyang sobrang kissable. Pero naudlot ang pangarap ko nang itulak nya ang ulo ko ng hintuturo nya. "Hindi mo pa rin talaga ako naintindihan no?" Napakunot ako ng noo sa sinabi nya.

Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now