NICOLE'S POV:
Musta, Readers! Nicole here~ Isa akong Famous Youtuber actually, may nagcomment kase sa isang youtube video ko na gawin daw ang "Boyfriend does my make-up challenge" so naramdaman kong mukhang masaya ang challenge na yun, so kinausap ko na si Yeollie tungkol dito. Di na ko naghantay ng sagot nya kase alam ko namang game din sya sa ganyang trip.
Kaya ngayon, gagawa na ako ng Vlog para maiupdate at upload ko sa youtube account ko later. Sinet-up ko na yung camera at hinanda na din ni Chanyeol ang make-up kit ko sa vanity table. At pagkatapos na namin maset-up ang lahat, tumabi na sakin si Chanyeol at sinumulan na namin magrecord ng video.
"Hi guys, It's been while nang iupload ko ang last video namin and then were back." sabi ko sa harap ng camera.
"That's right. At pinag-usapan din namin ang mga request ng mga followers namin at naisip namin na gawin ito for you guys. So.. pano ba gawin to, Hon?" Sabi nya.
"Actually, naipost ko na yung una kong video na 'How to do my eyebrow make-up done' sa isang youtube account ko and may nagrequest na gawin daw namin ang funny challenge na 'Boyfriend does my make-up' kaya eto na. Gagawin na po namin ang request ng aming beloved followers. Enjoy watching!" Tiningnan ako ni Chanyeol at ngumiti sakin. Shempre ngumti din ako sa kanya.
"So.. Let's get it started?" Aya nya kaya tumango na ako.
Nang mailatag na lahat ng kailangang gamitin sa pag memake-up, tiningnan ni Chanyeol ang mga make-up at alam kong di nya alam kung ano ang uunahing gamitin sa dami nito. Natawa ako dahil tumagal kami ng ilang segundo sa pagtitingin nya lang sa mga nakalatag na make-up sa mesa. Bigla kong naring syang tumawa at kinamot ang ilong nya para mabawasan ang awkwardness na nakapaligid samin.
"Hahaha! Di ko alam ang uunahin dito. Alam mo naman na mga coordi-noona lang namin ang gumagawa ng make-up namin ee. Kaya wala akong idea sa kung ano ang unang ilalagay dito." haha! ang cute talaga ng yoda ko lalo na pag clueless sya sa pagdating sa girl activities. Hmm... pahirapan ko nga.
"Well, Di kita bibigyan ng kahit isang clue kung pano gawin yan. Haha.. Goodluck, Hon." Nagpout sya.
"Meanie." Tapos bigla syang ngumiti ng malaki. "Ahh.. Alam ko na." Teka. Bigla akong nag-alala sa kung ano mang iniisip nitong yoda ko. Iba yung ngiti ee.
Kinuha nya ang liquid foundation at binasa ito. Tsaka nya ito nilagay sa mukha ko. Pumikit ako para mailagay nya ito ng di nahihirapan sa mukha ko. Pagkatapos nyang gamitin ay kinuha naman nya yung Bb cream. Napaubo ako para malaman nyang nagkamali sya. Dapat Bb cream muna bago yung foundation. Tiningnan nya ko at nagpout na naman.
"Baket~?" Tumawa ako pero di pa rin sinasabi sa kanya. Tsaka na pag tapos na ang challenge. Umiling lang ako at hinayaan syang magpatuloy na sa susunod na ilalagay sa mukha ko. Tiningnan nya ko ng masama at bumulong ng, "Babo!" Pero di ko lang pinansin yun at ngumiti lang ako habang nag aabang sa susunod na mangyayare. Nakyukyutan talaga ako sa giant hubby ko.
Kinuha nya ang contour kit at in-apply sa kin. Naramdaman kong nagkamali syang ibrush ang brown colored contour sa cheekbones ko at ikinalat na sa buo kong mukha. Tumawa syang bigla na ikinagulat ko.
"Hahahahaha! Para kang binugbog, hon." Natawa ako ng malakas pagkasabi nya nun at tinanong kung ano yung nilagay nya sakin.
"Umm... Contour?" Mukha syang di sure sa sagot nya kaya napangiti ako ng malapad sa kanya.
"Wow! Nasagot mo ng tama honey, sige nga ispell!" Mapagtripan nga to lalo.
"K.O.N.T.O.R. Kontor." Natawa ako ng sobra sa sagot nya. Mukhang sasakit ang tyan ko kakatawa sa pantitrip ko sa kanya.
"Bobo! Hinde. Di naman ganun kahirap yun. Tanga nito." pinalo ko yung braso nya habang nakatwa pa rin ako. Dumila sya at pinatuloy ang ginagawa nya.
By this time, kinuha naman nya yung mascara ko at halatang hirap na hirap syang planuhing ilagay sa kin yun. Kaya ibinalik na lang nya yun sa lalagyan at napangiti ako dahil dun. Alam nya kaseng masasaktan nya ko dun kaya di na nya ginawa.
"Alam kong ayaw mo kong masaktan, pero kaya ko to, honey, hmm?" Pinilit nyang ngumiti at tumango na lang. Kinuha nya ulet yung mascara at humarap sakin.
"Okay baby, Tingin sa taas." Tumawa ulet ako.
"Sigurado kang sa taas?" napabuntong hininga na lang sya at tumingin sakin.
'"Fine. Look down." Maingat nyang pinapahid ang mascara sa pilikmata ko habang kinakagat ang bottom lip nya, pokus na pokus sa paglalagay sa mata ko.
Pagkatapos ay kinuha na nya ang last but not the least, Ang lipstick. Marami akong klase ng lipstick pero may pinakafavorite sya na lipstick na ginagamit ko. Ang barbie pink colored lipstick. Sabi nya mag pout daw ko at tsaka nya nilagay na sakin yung lipstick. Swerte nya't maganda yung pagkakalagay nya ng lipstick sa labi ko.
Pagkatapos ng lahat ay pinakita na nya yung kinalabasan ng lahat sa camera. Mukha syang sobrang hiyang-hiya sa pinaggagagawa nya.
"Ugh! Di ko na gagawin yan kahit kelan~. Nakakahiya talaga!" sabi nya habang tinakpan nya ang mukha nya ng mga kamay nya sa hiya. Tumawa lang ako at niyakap sya.
"Hahahahaha wag ka ngang OA yeollie. Maganda naman gawa mo ee. Diba guys?" sabay harap ko sa camera. "Well, tell me guys kung ano sa tingin nyo ang make-up ko for today. Leave a like and show me your comments below. So, Here we go guys! Thanks for watching-" Naputol ang pagpapaalam ko nang sumabat pa sya sa camera.
"At sana may natutunan kayo sakin. Kung kailaangan nyo ng mag memake-up sa inyo, nandito lang kami ni Nicole para gamitin yung mga make-up nya for you guys. Ako mismo mag memake-up sa inyo, just call or tweet me."tapos nagwink sya sa camera.
"Hoy, baka maniwala sila sayo!" sabi ko habang tumatawa sa kalokohan nya.
"Again, Thanks for watching and talk to you guys later. Bye!" Tsaka ko na tinapos yung record ng camera.
"Ahh~ Yeollie, Mukha akong retarded sa itsura ko. Hahaha" Tumawa rin sya atpinisil ang pisngi ko.
"Don't worry, hon. Maganda ka pa rin naman kahit na minake-up an kita ng ganyan ee." Ako naman ang nagpout ngayon. Ngumiti lang sya at hinalikan ako ng matamis.
"Mahal kita Nicole, okay. Just the way you are." Namula naman ako dun kaya niyakap na lang sya.
"Mahal din kita, Yeollie ko. Thank you."
_________The End________
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Historia CortaAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..