Jungkook (Special Scenario)

52 3 6
                                    


Pagkauwi na pagkauwi si Jungkook mula sa live reality show na "Flower  Crew", nag-iisip pa sya kung anong ekspresyon ng mukha nya ang unang ipapakita nya sa harap ng kanyang mga kuya. Dahil hanggang ngayon ay di pa rin nya makalimutan ang pagkapahiya nya sa nasabing tv show. Sa sobrang bigat ng pakiramdam nya ay ninenerbyos pa rin sya na harapin ang kanyang mga kuya sa oras na makaharap nya ang mga ito.


Samantala, sa loob ng Dorm ay naghihintay ang 6 na myembro ng bangtan kasama ang mga kaibigan at mga girlfriend nila. Nagpunta sila doon para sabay sabay na panoorin ang pinakaunang guesting ng pinakapaboritong bunso ng Bangtan. 


Pagkatapos nilang mapanood ang palabas, agad silang nanggigil sa ikinilos ng host kay Jungkook. Di sila makapaniwalang magagawa nya yun sa first timer na si Jungkook sa nasabing tv show. Ang pinakainis na inis dito ay ang mga lalaki na sobrang namumuti na ang mga kamay sa pagpisil ng mga kamao sa galit sa host.


"Kumalma kayo, boys. I know na galit kayo pero kilala natin si Kookie, he knows to be a professional." Sabi ni Edielyn na pinakaate ng lahat.


"Pero Noona, alam mo na kahit alam ni Kookie maging propesyonal nasasaktan pa din sya." Sabi ni Yoongi na namumula na sa galit. Natigilan si Edielyn at tumingin sa mga babae na nakayakap sa iba pang mga lalaki sa grupo. Ang iba sa kanila ay halos umiiyak na sa sobrang awa sa bata na pinahiya sa harap ng camera.


"Alam ko, Yoongi. Pero kailangan natin ipakita na kaya nating palakasn ang loob ni Kookie kesa makita nya tayong umiiyak para sa kanya ng ganyan. Let's just be proud na lang at nakayanan pa rin nyang maging professional sa kabila ng lahat ng sinabi nung host kanina." sabi nya sa lahat ng nakababata sa kanya.


"Unnie, alam naming galit ka rin. Pero bakit di mo pinapakita samin yun? Si Kookie oppa na yung napahiya sa tv oh." Sabi ni Klings. Bumuntong hininga sya at ngumiti ng pilit sa kanila.


"Kailangan natin maging malakas for Kookie. We are his strength kaya naglakas loob syang pumunta dun sa tv show mag isa kahit alam natin na ninenerbyos nyang gawin yun." habang sinasabi nya yun ay nakikita na ng lahat na deep inside ay sobrang galit na galit si Edielyn sa nangyari.


Nagulat silang bigla nang may kumatok sa pinto. Alam na nilang si Jungkook na ang nasa pinto kaya tumayo silang lahat at inabangan si Jungkook na pumasok sa loob ng bahay. 


Pumasok sya na may ngiti sa kanyang mga labi at nagulat na lahat ng tao sa dorm ay nakatingin sa kanya at nakatayo. Kitang kita nya na nag-aalala sa kanya ang mga tao sa loob ng bahay. At ang pinakaate nya na nakangiti sa kanya kasabay ng ba na concern din sa kalagayan nya. 


"Kookie! Welcome back, galing mo sa tv show ahh~" Sabi ni Hoseok na pinutol ang awkward silence sa loob ng dorm. 


"Hahaha! Oo nga, maknae. We are so proud of you." Sabi ni Taehyung habang lumapit at ginulo ang buhok nito para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng bata. 


Agad lumapit ang iba pa sa Golden maknae at niyakap sya.


"Ang galing galing mo, Kookie oppa. Penge nga ng burger mo." Sabi ni Abby at pakunwaring kinapkapan si Jungkook pero ang tanging gusto nya ay kilitiin ito sa tagiliran para tumawa sya. 

Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now