Jimin Scenario

23 1 0
                                    

The Break Up


Edielyn's POV:


Hindi ko akalain na magagawa ni Jimin ito sakin. I thought we build our relationship into trust. Pero nagkamali ako. Naalala ko noon ang promise ni Jimin sakin na hinding hindi nya ako sasaktan kahit na anong mangyari dahil nasasaktan din daw sya pag umiiyak ako sa harapan nya. Pero bakit nya sakin ginagawa ito ngayon? I don't get it. Ginagawa nya ba ito para pagselosin ako o talagang hindi na nya ako mahal?


Hawak ko ngayon ang mga pictures nilang dalawa ng ate ni Hoseok na si Jiwoo. Alam na alam ko na sya yung lalaki sa picture na kasama ng kapatid ni Hoseok dahil yun din ang damit na binili ko para sa kanya noon sa birthday nya. Ang sakit lang dahil pati sa interview ng 'Fire' nila sa VApp na kapapanood ko lang, doon ko pa nalaman na gusto din sya ng Jiwoo na yun at isa pa, mukhang boto sa kanya si Hoseok para sa ate nya. Parang nakalimutan nila na 'Nandito ako, Girlfriend ni Jimin' makakapanood ako ng interview nila tapos sasabihin nila yung ganung klaseng sagot sa tanong ng interviewer. Nananadya ba sila? Nag-iinit ang ulo ko kay Jimin. 


Hinihintay ko si Jimin na umuwi ngayong gabi dahil nagtext sya sakin na di sya matutulog sa dorm nila at didiretcho sya sa condo unit ko. Di ako mapakali sa kinauupuan ko nang biglang magbukas ang main door ng kwarto at speaking of the devil, nandito na ang lalaking kanina ko pa hinihintay.


Ang laki ng ngiti nya habang papalapit sakin hanggang sa ilapit nya ang mukha nya para halikan ako sa pisngi. Hindi ko sya pinagbigyang halikan ako at bigla akong tumayo nang nakatingin ng seryoso sa kanya. Mukhang nagulat sya sa ginawa ko dahil kitang kita ko ang pagkaclueless ng reaction nya after ko syang iwasan.


"Hun, bakit? May Problema ba?" Psh.. nagmamaang maangan pa to.


Ibinato ko ang mga pictures nila sa living room table at pinagtaasan sya ng kilay habang nakacross arms ako.


"Problema? See it for yourself, Park Jimin." Sinabi ko ng madiin ang buo nyang pangalan dahil alam ko na alam nyang galit ako pag sinabi ko yun. Napansin kong napalunok sya ng laway nya sa kaba at dahan-dahang kinuha ang mga pictures sa table. Nanlaki ang mata nya sa nakita nya at ibubuka na sana ang bibig para magsalita pero inunahan ko sya.


"Ano? Ikakaila mo pa yan, Jimin? For all I know, Alam kong gusto ka nyang ate ni Hoseok. Akala mo hindi ko alam?" Lumapit sakin si Jimin at hinawakan ang magkabilang braso ko. Tsaka sya nagsimulang magsalita.


"Wait, Ed. Please let me explain. I'm sorry kung di ko nasabi na nagkasama kami ni Jiwoo noona. Pero kasi, alam ko naman na di importante yun." 


"Di importante?" natawa ako ng sarcastic sa sinabi nya. "Kung hindi importante yan Jimin, bakit kailangan pang ibalita ng social media yang date nyo?" di ko alam pero nagngingitngit na ako sa galit dahil sa article na yan at isa pa, boto si Hoseok sa kanila.


"Edielyn, It's just a friendly date. It doesn't matter to me. Trust me. Di ko sya gusto. I just like her as a noona. Wala nang iba pang reason yun." paliwanag nya.


"Kayo lang dalawa?" Napatahimik sya. Para akong nabato sa silent answer nya. Kahit na ba sinabi nyang friendly date yun. Pero bakit di ako naniniwala sa sagot nya. Di ko rin alam kung paranoid na ko o talagang gusto na nila ang isa't isa at nagpapalusot lang si Jimin na gusto nya ang babaeng yun bilang older sister lang. 

Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now