Mikay's POV:
Another day na naman sa school and worst, third day na ng masalimuot kong buhay dito sa school na to. Bakit? Dahil lang naman sa Hulog ng impyernong si Jung Hoseok. Siya kasi ang sinasabing bully dito sa school namin at kahit sinong mamataan nyang mapagtripan, di nya titigilan hangga't di ito susuko hanggang sa umalis ito sa school. Ganun sya kalupit.
Sa unang araw ba naman ng klase ko, agad syang humarang sa tapat ko at kinuha ang baon ko sa bag ko. At hindi lang yun ang naranasan ko sa unang araw. Naranasan ko rin ang pamamahiya nya sakin sa harap ng maraming tao. For example...
Flashback:
First day ng klase at onting minuto na lang ay malelate na ko sa klase ko. Kung bakit ba naman kase di ko narinig ang alarm ko. Habang tumatakbo ako sa pagmamadali, tsaka naman ako may nakabanggang lalaking mas matangkad sa akin.
"Naku po! Sorry po." paghingi ko agad ng tawad pero wala akong narinig na sagot mula dun sa lalaki.
Pagkatingin ko sa kanya...
Ang sama ng tingin nya sakin dahil napansin kong natapon sa damit nya ang kapeng iniinom nya. Medyo mainit pa yun kaya bukod sa kape nya, pati ulo nya uminit sa nangyari.
"What the fuck is wrong with you, Bitch? Di mo ba nakikita ang dinadaanan mo?" Sigaw nya na nakakuha ng atensyon ng mga estudyante sa buong campus.
Napansin kong bumulong sa kanya ang isa nyang kasama na napasmirk na lang. Tiningnan ko ang lalaking napasigaw sa harap ko na napasmirk na din sa kung anong binulong ng kasama nya. Kaya ngumiti na lang sya sakin at tangkang itataas ang kape nya sa ulonan ko.
"Since gusto ko ng fair play, Dapat siguro dapat ikaw din ay basa." ang laki ng smirk sa mukha nya at dun ko na naramdaman ang mainit na kapeng itinapon nya sa ulo ko. Nagulat ang mga estudyante sa ginawa nya, ang iba naman ay natawa sa pagkakapahiya ko.
Bwisit na to!! Unfair. Di ko naman sinasadya ang mabasa sya nang matapon ang kape sa damit nya. Ba't nya ako ipapahiya ng ganito?
"HOY!! DI KO NAMAN SINADYA YUN AHH! BA'T MO GINAWA YUN? NAGSORRY NA KO DIBA?" Sabay namang nagtawanan sila ng mga kasama nya.
"Hahahahaha Sorry? Sorry is not enough." Sabi nya sabay kuha ng bag ko at tinapon ang lahat ng gamit ko sa lapag na bigla ding pagbagsak ng lunch box ko sa sahig. Buti na nga lang at tightly closed ang lalagyan para kahit matapon o maitaob, di sya matatapon.
Kinuha nya agad ang lunch box ko at nilagay sa bag nya. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya at pilit na kunin sa kanya ang lunch box ko.
"HOY! IBALIK MO YAN!! AKIN YAN!" sabi ko habang tinatalon talon ang bag nyang hawak nya pataas para di ko maabot.
"Shut it, Bitch! Di ka uubra sakin. Akin na ang lunch box mo aah." sabay kindat sakin ng pang-asar pagkatapos ay umalis na sila ng tumatawa habang iniwan nila akong inis na inis na nakatingin ng masama sa kanila.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Short StoryAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..