Ten Scenario

20 3 2
                                    


Part One

Ten's POV:


"Okay, Class dismissed." sabi ng teacher namin. Sa wakas, tapos na ang klase today. Nakakapagod pala ang umupo ng magdamag sa isang classroom at walang gagawin kundi ang makinig, magsulat at mag-aral.


At ngayon, may time na ako para sa napaka cute kong baby na si Abby. Di na ako makapaghintay na mayakap ulit sya. Kaya uuwi na ako agad sa bahay at di muna sasama sa mga tropa ko.


Halos one week na din pala nang mapulot ko si Abby mula sa lansangan. Mukha kasi syang kaawa awa ng time na yun kaya inuwi ko sya at pinaliguan. At dun ko na sya kinupkop.


---------------



Pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay, agad na tumambad sa akin si Abby.


"Meow~" sabi nya sabay punta sa harapan ko kaya binuhat ko sya at naupo ako sa sofa.


Yumakap sya sakin at hinaplos ko naman ang malambot nyang balahibo sabay halik sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yumakap sya sakin at hinaplos ko naman ang malambot nyang balahibo sabay halik sa kanya. Sino bang hindi hahalik sa ganito kacute na pusa? Ilang saglit lang nang dahil sa sobrang pagod ko, di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.


Abby the cat's POV:


Meow~ 


Grabe, ang bilis naman makatulog nitong si Ten. Ganun ba talaga kanakakapagod ang pagpasok sa school na sinasabi nya?


Lalo tuloy akong naburyong dito dahil akala ko makikipaglaro na sakin si Ten ngayong nakauwi na sya. Kinamot ko ang balahibo ko sa inis pero di ako susuko. 


Lalapitan ko sa mukha si Ten at saka ko didilaan ang mukha nya hanggang sa magising sya. Pero nang magawa ko na ang plano ko, di naman umepekto. Mukha talagang pagod na pagod si Ten. Kaya naupo na lang ako sa mga hita nya at pinatong ko ang ulo ko sa dibdib nya para makatulog na din ako.


Okay na rin ito dahil malambot naman ang hihigaan ko.


Ilang minuto lang ay nagising na naman ako nang maglikot si Ten at nanlaki ang mata nya sa akin. Saka ako tinulak palayo. Tumama ang pwetan ko sa sahig.


Bakit? Ano bang meron at gulat na gulat sya?


Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now