Awake
2 years ago, at until now, magbestfriends pa din kami ni Jin. Nagkasama kami mula high school. Alam na alam na namin ang ugali ng isa't isa. Kahit ang mga kabalahuraan naming tinatago, alam namin. Wala kaming itinatagong sikreto sa isa't isa kaya kami nagtagal bilang magbestfriends.
Pero iisa lang ang hindi alam ni Jin tungkol sakin...
Mahal ko sya. Pero di nya alam.
Meron na kasi syang girlfriend. Pero di nya alam, bully ko ang girlfriend nya. Kaya ako naging isang emotional introvert. Kaya si Jin lang ang nagiisang kaibigan ko sa labas man ng school at sa loob.
"Nics, tara na. Maglunch na tayo. Gutom na ko ee. Oo nga pala, Pakilala na din kita sa mga bago kong friends. Naghihintay na sila sa cafeteria." Tumango na lang ako at ngumiti.
"Hey Guys! Pakilala ko sa inyo bestfriend ko, si Nicole." pagkapakilala sakin ni Jin, at pagkakita ko pa lang sa mga expression ng mukha ng mga kaibigan nya, alam ko na na friendly sila. Pinakilala nilang sila si Rapmon, V,Jimin, Jhope, Jungkook at Suga. Napag alaman ko rin na pinakamatanda si Jin sa grupo nila. Kaya niloloko sya lagi ng mga kaibigan nyang ito na after gumraduate ng college ay magpakasal na agad.
Pero ang nagpaiba ng mood ko ay ang pagsagot nya sa mga tanong nila.
"Teka, meron na bang magiging future wife to si Jin hyung?" tanong ni Bwi.
"Hahaha! Oo nga. The last time na binanggit mo samin yung isa sa pinakamaganda dito sa campus na naging gf mo ee. Sino nga ulit yun? Irene?" Sagot ni Rapmon.
"Hoy ah! Maganda din yun. Pero tingin ko wala na sila ni hyung. May bago na ata ee. Or binalikan mo na si Sowon. Cute yun ah, kahit matured mag-isip."
Ganyan ang mga usapan nila.
Dahil kahit anong gawin ko, Di pa rin ako nagugustuhan ng bestfriend ko. Takot din naman akong masira ang friendship namin nang dahil lang sa isang unrequited love. Kaya I chose to keep my love for him as a secret at para lang sa sarili kong kaalaman.
"Mga gunggong! Di nyo ba alam? Sila na ni Eunji. Yung ranked no. 1 most beautiful dito sa campus." tama si Suga. At yun ang pangalan ng bully ko. Pero di nga lang nya alam.
"Whut?! Seryoso? Eh bitch yun ee." Sigaw ni Jungkook na nagpalaki ng mata ng ibang kuya nya. Lalo na si Jin.
"What the actual Fuck, Jungkook? Ano bang pinagsasasabi mo?" Gulat na gulat na tanong ni Jin.
Susugurin sana ni Jin si Jungkook nang takpan agad ni Bwi ang bibig ni Jungkook para di na magdaldal pa ng iba pang info tungkol kay Eunji.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Short StoryAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..