BTS Scenario

64 2 1
                                    


Eden's POV: 


"Beks.. Kinakabahan ako. Pano kung di na natin sila maabutan?" taranta kong tanong sa mga tropa kong army din.


"Praning ka na beks. Maaga pa. Kita mo nag-aabang pa lang yung ibang fans oh." sagot ni Nicole na napapasimangot sa arte ko. Eh.. pano bang di magiging praning? Makikita lang naman namin yung asawa kong si Taehyung dito. Concert kaya nila dito bukas. Yun nga lang Team Bahay kami. Kaya nagdecide kaming lahat na maging team airport ngayon. 


"Kase naman noh.. Nakakakaba. Di ko alam kung ano magiging reaksyon ko pag nagkita na kami ni Taetae ko." pagpapabebe ko pa.


"Pfft.. Taetae mo talaga beks? Hahaha. Buang ka na talaga. For now, tsaka mo muna angkinin si Taehyung pag totoong nagkita na kayo at napansin ka na nya." saway sakin ni Edielyn. Tsk.. Kahit kelan talaga panira ng moment tong baklitang ito. Sapakin ko ngala ngala nito ee. Sabi ko sa isip ko habang iniirapan sya. Pero mukhang nakita nya ako.


"Hoy, Wag mo ko mairap irapan dyan ha." luh sya. Red alert ang lola mo. Mag memenopause na ata to.


Anyways, nakarating na kami sa destination namin. Ang Naia Airport. At since wala pa ang aming mga boylets, naghintay muna kami sa gilid kasama ng ibang mga armys na pilipino dito.


Ilang saglit lang ay nakita kong nakikita ko nang may papalapit nang mga tao mula sa labasan ng airport. Narinig ko na rin na nagsisigawan at nagtitilian ang mga fans sa paligid namin. Nataranta na rin kami at naiipit na sa kagustuhang masilayan ang mga magagandang nilalang mulang korea. 


Shet naman.. Ba't ba kase ang gagaslaw ng mga fans na to? tsk. Sarap ingudngod mga chararat na pagmumukha ng mga to sa pader. Tulakan ng tulakan. Pati kami natutulak na. Napalingon ako kay Abby at mukhang tuwang tuwa pa sa pagtulak ng mga ugok na fans na to.


"Hoy, Abby! Makangiti ka dyan? Nakikita mong tulakan na dito nakukuha mo pa ngumiti dyan." Natawa sya at hinahayaan lang na itulak sya.


"Hahaha. Okay lang yan beks. Basta mapalapit ako kay Kookie ko. Okay na itulak nila ako basta malapit sa kanya." Napatingin ako ng weird sa kanya. Baliw talaga tong kaibigan ko. Pero napaisip ako. Mukhang magandang idea nga naman yung ganung tactic na sumunod ka lang sa pagtulak nila basta papalapit sa mga lalaking to. Tiningnan ko rin sila Edielyn, Kling at Nicole. Napatingn sila at napangiti sakin ng lihim at mukhang alam ko na, na ganun din yung iniisip nila. 


Sa Sobrang tulak nila alam naming magkakaibigan na di lang dapat papatulak kundi itulak mo din sila ng malakas para itulak ka nila ng mas malakas papalayo sa kanila. Gantihan, kumbaga. 


Sabay sabay naming lima na tinulak ang mga nasa likod namin at sa gilid. Kaya kaming lima ay tinulak din nila sa gitna. Natumba kaming lahat sa impact ng tulak ng mga shungang army na nandun. Grabe.. Buwis buhay naman tong plano nila. Napaupo kaming lima sa sahig at napa-aray sa sakit. Nang may magsalita sa likod ko at nilatag nya ang kamay nya sa harap ko na ikinatahimik ng mga tao sa airport.


Napatingala ako at nakitang nasa harapan na namin ang mga Koreano. At partida pa dahil ang lalaking nasa harapan ko ay ang lalaking pinapangarap ko.

Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now