NICOLE'S POV:
Sobra sobra ang hingal ko dahil sa pagtakbo para matunton ang kinaroroonan ng pasaway kong boyfriend. Tinawagan kase ako ng bestfriend nyang si Baekhyun na naglasing daw etong kapreng to habang nagdidinner sila ng kanyang mga members. At eto ako ngayon, sobrang haggard na kakatakbo at hingal na hingal ngayong nandito na ko sa bar na pinag iwanan ng ibang members. At ang tanging nandito na lang kasama ni Chanyeol at si Baekhyun.
Lumapit ako sa kinaroroonan nilang dalawa at napabuntong hininga sa kasiyahan si Baekhyun nang masilayan nya ang presensya ko.
"Haay.. Buti naman at nandito ka na Nicole. Kanina pa nagmumukmok yang kapre na yan dito pinagagalitan na kami ng may-ari. Tara na't maihatid ko na kayo sa apartment nyo. Alam mo naman na di ko pa alam yung papunta sa inyo ee. Lasing pa tong pasaway na boyfriend mo." Napatawa ako sa reklamo nitong boyfriend ni Ate Edielyn. Pero infairness ha, di nya pa rin kinalimutang samahan si Chanyeol ko kahit sila na lang dalawa dito sa bar.
"Okay... Baek oppa. Salamat. Tara na." Sinimulan na naming pagtulungang akayin si Chanyeol paglabas ng bar at tumawag na ng taxi si Baekhyun.
__________________
"Sige, Nics. Uwe na din ako. Kailangan na ko ni Eds ee." Sabi nya habang tumitingin sa relo nya. Tumango na lang ako nang nakapasok na kami sa apartment.
Nang makaalis na sya, sinarado ko na ang pinto ng bahay at inakay si Chanyeol papunta sa sofa. Pero bago ko pa man sya madala sa sofa, tinulak nya ang kamay ko palayo sa kanya at tiningnan ako ng masama kahit na mukha syang lasing na lasing sa itsura nya. Nagulat ako sa ginawa nya at nanlaki ang mata ko sa biglaang pagtaboy nya sa kamay ko.
"Lumayo ka nga sakin!!! Lagi ka na lang nasa tabi ko. Wala ka namang ginagawa kundi ang tumabi sakin at gawin ang lahat ng gusto mo. Sawang sawa na ko sa relasyon naten alam mo ba yun?" Natigilan ako sa sinabi nya. Sawang sawa na sya?
"NapakaUnfair mo. Ikaw nagagawa mo ang gawin ang lahat ng gusto mo. Ako, iinom lang ako kailangan pang ipaalam sayo. Kahit yung pakikipagkita ko sa mga tropa ko. Kailangan alam mo din? Nakakasakal na." Hindi ko alam na ganun pala ang nararamdaman nya. Nangilid ang luha ko sa mga sinabi nya.
"I think, We should take a break for a while, Nicole." At tuluyan nang tumulo ang kanina pang nakaipon na luha sa mga mata ko. Iyon ang pinakaunang ayokong marinig mula sa mga labi ni Chanyeol. Hindi ko kaya na mawala sya sakin pero kung yun ang gusto nya wala akong magagawa kundi ang sundin ang gusto nya.
"S-sa tingin ko, tama ka nga. Pero kung di ka na masaya sa mga ginagawa ko para sayo... mas mabuti pa nga na itigil na natin to." Pinunasan ko ang luha ko at bumuntong hininga. "I'm sorry din kung Unfair ako. Kung nagsasawa ka na sa relasyon natin. Di ko alam na ganun pala yung nararamdaman mo." Pinipigil kong humagulgol ng malakas sa harapan nya at lumingon sa malayo para di nya makita kahit alam kong nakatingala sya at nakasandal sa sofa.
"Mabuti pa nga. Sana rin di na lang kita nakilala." Sobra na ang narinig ko at napalakas ang iyak ko sa huling sinabi nya. Di ko inaasahan na sasabihin nya yun sakin. Agad akong pumunta sa kwarto namin na ngayon ay kwarto na lang nya at nilabas ang maleta ko. Agad kong kinuha ang lahat ng gamit ko sa closet at nag-empake na. Ano pang gagawin ko dito? Di ko kayang manatili lalo na ngayon na wala na kami ng taong pinakamamahal ko. Sa kanya na mismo nagmula ang mga salitang tagos tagusang nagpasakit ng puso ko.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Short StoryAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..