ABEGAIL'S POV:
"Bba sae ho!! Bba sae ho! bba sae bba sae bba sae ho!!"
Ugh! Ang aga aga, ang ingay agad ng kasama ko sa dorm. Bwisit na Ilong Nose-Ranger na to, ang ingay ingay! Napuyat kaya ako, dahil nandito din yung Alien nyang bestfriend. Nagkaraoke silang dalawa magdamag. Nakakaurat! Sino bang di mapupuyat kung may maririnig kang nagcoconcert sa kabila ng 9pm hanggang 4am ng umaga? Sige nga? Kung sino makapagsasabi na di sila napuyat ng time na yun, sige sasaludo ako sayo. Isa kang alamat.
"Tumigil ka na, pwede ba? Kagabi ka pa ee!!"
"Bba sae ho!! Bba sae ho! bba sae bba sae bba sae ho!! WOOOOO!!!" Aba't talagang inaasar ako nilang kupal na to!
Tumayo ako sa kinahihigaan ko at dumeretso sa teritoryo nya. Tinanggal ko ang headphones nya at binatukan sya. Aray sya ngayon.
"Aray! Ano bang problema mong babae ka?" Nagtanong pa to. Engot talaga.
"Alam mo bang kahapon ka pa maingay? Nakakarindi na yang ingay mo!!" Sigaw ko.
"Yung nga ang gusto ko ee. Yung marindi ka. Para pag minura kita di mo marinig." Bwisit talaga to. tumingin ako sa binti nya at sinipa ito. Ngayon lulundag lundag sya sa sakit, hawak ang binti nya. Binelatan ko sya at iniwan. Tsaka ako pumunta ng banyo at naligo na.
Pagkatapos ko maligo, tsaka ko lang naalala na wala pala akong dalang twalya. Isa rin pla akong gunggong. Kasalanan ng lalaking malaking ilong na yun ee. Kung di nya ko binuwisit ng sobrang aga, di ko makakalimutan yung dadalhin ko sa banyo.
Juicecolored! Papano ba to? lalabas ba ko ng kwarto ng hubo't hubad? o tatawagin ko yung mortal na kaaway ko? Taena naman Abby! Kung ba't ba naman kase napaka uliyanin mo. Shyet! Namumula na ko sa gagawin ko. Binuksan ko ang pinto ng banyo at sumilip sa labas. Nandun sa living room ang tukmol, hayzz!! Kaya mo yan Abby, Tiwala lang.
"Psst!" Luh! Di na naman ako nadinig. "Huy!" Bulong ko. kase naman no nahihiya ako. Lalake kase yung kasama ko sa kwartong ito. Ang partida, nakaganito pa ako. "OI" Nilakasan ko na pero di pa din ako narinig. Putek na to! "Hoy! TAONG VACUUM!!"
"Oh!" Ayun. Narinig din ako. Yun pala yung keyword.
"A-Ano..."
"ANO NGA?" Sigaw nya mula sa kinauupuan nya.
"A-ano kase..." Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala sya ng pinto. Nakita ko na naka-smirk sya.
"Ahh... Alam ko na." Tumungo sya na kalevel na ng ulo ko at bumulong na syang ikinalunok ko ng laway ko. "Hulaan ko, Nakalimutan mo yung twalya mo no?" Utang na loob lupa, lamunin mo na ako. Nararamdaman ko nang sobrang pula na ng mukha ko sa hiya habang kaharap sya ng ganito.
"W-Wala kang P-Pakealam.. Dali na! Iabot mo na sakin." Pagsusungit ko para maitago ang hiyang nararamdaman ko ngayon. Natawa lang sya at umiling.
"Haha! Manigas ka dyan. Hangga't di mo inaamin na gwapo ako't hot sa paningin mo, di ko gagawin ang request mo." Pakingshet na to! Gagawin pa kong uto-uto.
"Over my dead body!!" Sigaw ko at pinagbagsakan sya ng pinto. Narinig ko sa kabilang side ng pinto na sobrang lakas ng tawa nya. Nakakainis! Bwisit talaga!
Ilang minuto lang ay nilalamig na ko. Ano bang klaseng lalaki ito? Walang puso. Nangingiyak na ko dahil mukha na kong kawawa dito.
Nang biglang may narinig akong katok muna sa pinto ng banyo.
"Oy! Liit na masungit! Patay ka na ba dyan? Buksan mo na yang pinto. Eto na yung twalya mo. Ang arte nito." Binuksan ko ng bahagya yung pinto at di ko namalayang suminghot ako at kinuha ang twalyang hawak nya. Tsaka ako ulet nagsara ng pinto at ibinalot ang twalya sa katawan ko.
Paglabas ko ay nakita kong nasa labas ang lalaking banta ng kamatayan ko. Di ko na sya pinansin at didiretso sana ako papuntang teritoryo nang hablutin nya ang braso ko at napaharap ako sa kanya.
"Umiiyak ka ba?" Marahan nyang sabi. Umiwas ako ng tingin para di nya makita. Pero hinawakan nya ang mukha ko at napatingin ako sa kanya. Bumuntong hninga sya at niyakap ako na sadyang ikinagulat ko. "Sorry na sungit. Ikaw kase eh.. Lagi kang nakasimangot pag nagkikita tayo." Nararamdaman kong hinahagod nya ang likod ko ng kaliwa nyang kamay at hinahaplos ang ulo ko ng kabilang kamay nya. Napakalma ako at naging komportable sa yakap nya. "Minsan lang kita nakikitang ngumiti, sa mga kaibigan mo pa. Ni isang beses di ka ngumiti sakin."
"Pano ba ko ngingiti kung lagi kang nangaasar?" sabi ko.
"Hayy... Di ka lang pala masungit, slow ka din." Napabalikwas ako ng yakap nya at tumingin ng masama sa kanya.
"ANONG SABI MO?" sigaw ko.
"Sabi ko slow ka! Kaya ko kaya inaasar ka para mapansin mo ko. Lagi kase sa mga kaibigan mo ee. Kung di naman sa kanila, aalis ka ng dorm. Tsaka natutuwa ako pag naaasar kita, ibig sabihin nakuha ko na atensyon mo." Namula naman ako sa sinabi ng ugok na to.
"A-Ano bang ibig mong sabihin? Di kita maintindihan." Napa-facepalm na lang sya sa sinabi ko. Bakit? may nasabi ba kong ka facepalm-facepalm?
"Haynako! Ikaw ang pinaka-slow na taong nagustuhan ko! Gusto kita Abby liit na sungit!" Nabato ako sa kinatatayuan ko sa gulat sa sinabi nya. G-Gusto nya ko?!
Napaling sya at hinalikan ako na lalong ikinagulat ko. Pero sa di inaasahan, nararamdaman kong napapapikit na ang mata ko at hinalikan din sya pabalik.
Ito na ata ang pinaka weird na confession na natanggap ko sa tanang buhay ko. At anag awkward moment: hinalikan ako habang suot ko ay twalya lamang.
________The End?__________
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
Short StoryAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..