Jungkook Scenario

30 3 6
                                    


Paper Hearts


Sabi nila Baliw na ko sa pagkakaroon ko ng ganito pa ring feelings.


Nagsasuggest sila na magsmile naman ako, at gumising na sa kahibangan ko. Sabi nila na kakabreak lang namin pero kinorrect ko sila at sinabing 8 months na ang nakakaraan. Kaya nga daw dapat nakamove on na ako't magsimula ulit ng panibagong buhay ko at ipagpatuloy ang pagtetake ng pictures since yun ang pangarap ko.


Yun pa rin naman ang ginagawa ko sa ngayon. Passion ko na ang pagtetake ng pictures noon pa man bago kami maging magkakilala ni Jungkook. Naging photographer ako ng magazine cover ng bangtan noon na nagsimula ng pagiging close  namin at niligawan nya ako saka ko sya sinagot. At dun ko nalaman na sya na ang Forever ko.


Ang unang taon namin na naging dalawa, still going strong  hanggang sa umabot na kami ng tatlong taon. Pero habang tumatagal pala ang pagsasama namin, nagiging malabo na rin ang closeness namin sa isa't isa.


Away dito, sigawan doon. Ganyan kami sa pangatlong taon namin.


Tawagin na nila akong tanga pero mahal ko pa rin sya, kahit wala na kami 8 months ago.


At tingin ko... mamahalin ko pa rin sya, Forever.


Paano ba naman, sinabi kasi nila samin noon na imposibleng magmahalan ang isang bad boy at isang good girl. Total Cliche yun. Pero di naman natin mauutusan ang puso natin kung kanino talaga tayo maiinlove. Magkaibang magkaiba kami. Simula lifestyle hanggang sa level ng pamumuhay. Pero bigla na lang kaming nagsama at ayun, naging kami.


Tinutulungan nya akong mag-arrange ng mga nakuha kong pictures at ineedit sa photoshop. At dahil give and take ang relationship namin, sumasama din ako sa mga fanmeeting at concerts nila.


Pero di namin naisip na sa sobrang inlove namin sa isa't isa, nagkakaroon din pala kami ng misunderstanding at matinding away paminsan-minsan.


Andyan yung nawawalan na sya ng time para sakin, di na kami naguusap tulad ng paggising ko ng umaga, wala na sya sa tabi ko na nagkocause ng lagi na akong mag-isang nagbebreakfast at kapag pag-uwi nya sa bahay, naaabutan na nya akong tulog na.


At laging natatandaan ko na lang sa huling taon naming magkasama ay ang laging pag-aaway namin. Ni hindi na kami nagkakaroon ng quality time together. Puro na lang sigawan  at mga tanong na 'Ano ang pake mo?' at 'Bakit ba ang selfish mo?' ang lagi naming bukambibig kapag nagkakaroon kami ng usapan.


At for the first time simula sa umpisa, napag-alaman ko na ayoko na talaga. Naramdaman ko rin na napagod na ako - na gusto ko nang tapusin ang lahat. 


Pero ang huling sinabi nya ay ang talagang nagpabagsak ng mga luha ko.


"Ayoko na, Abegail."


Natigilan ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya. "Ano?"

Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now