Bambam Scenario

19 3 2
                                    


Nicole's POV:


"Ahh... A coffee a day, makes your stress go away." sabi ko pagkahigop ko ng masarap kong kape at naupo sa tabi ng Best Friend kong si Jin. 


"At saan mo naman nakuha ang ganyang klaseng quote?" tanong nya habang nakataas ang kilay nya sa akin.


"Sa akin. May kasama pa ba tayong ibang tao rito? Ee dadalawa lang tayo dito?" nakita kong naparoll eyes sya sa sagot ko.


"Tangnang to. Napakapilosopo. Bakla ka ng taon." natawa naman ako sa taong to. akala mo kung sinong di tunay na bakla.


"Kung maka-bakla naman ng taon to, akala nya kung sino syang may matres." napairap na naman sya sa sinabi ko.


"Che!" di na lang sya ulit nagsalita at nagpatuloy na kaming manood ng drama sa TV. "Anyway, wala ka bang trabaho ngayon, Baks?" napashrug lang ako ng balikat ko.


"Ewan. Wala namang tumatawag sakin na kliyente para magpaayos ng kasal ee." sagot ko.


Well, Isa lang naman akong Wedding Organizer. At dahil medyo matumal ang tawag sakin dahil wala namang masyadong nagpapakasal ngayong december, naisip kong magpahinga na muna at magcelebrate dahil nalalapit na ang pasko at ang birthday ng bestfriend kong baklita.


"Haaayy.. Nakakapagtaka nga noh? Ba't ang tumal ng mga taong gustong magpakasal ngayon? Diba nga dapat mas marami ang may gustong magpakasal ngayon dahil malamig. Accurate maghoneymoon." Takteng Bakla to. Masyadong Byuntae. Palibhasa di pa sila nagkakaroon ng moment ng boyfriend nyang so Namjoon.


"Gaga! Lamig lang ang habol kaya magpapakasal? Tsk.. Boobita talaga to. Buti pinagtatyagaan ka ni RapJoon." Tawag ko yan sa bf nya. Ako lang ang nag-iisang tao na nakapagtawag sa kanya ng ganyang pangalan. Unique noh?


"Tse! Inggit ka lang kasi ako may boylet, ikaw wala. Diba nga simula nang magbreak kayo ni Bumbum-"


"Gago! Bambam yun. Anong Bumbum?" inirapan na naman ako.



"Edi Bambam. Basta... e ba't nga ba di ka pa naghahanap ng ipapalit mo dun? Jusko baks, ang mundo ay isang malaking quiapo, maraming isnatser. Maaagawan ka!" sinamaan ko naman ang tingin sa kanya.


"Anong maaagawan? Wala pa nga akong nakukuha, aagawan na agad."


"Yun na nga ee. Kung di ka pa maghahanap ng bago, baka maagawan ka ng ibang mas maganda sayo sa lalaking dapat na maging sayo. Dapat talaga hanapin mo na yan." 



Napaisip naman ako sa sinabi nya. He got a point. Pero bakit ako ang maghahanap? Babae ako.



"Haaayy baks. I'm a GIRL! Kaya ang gagawin ko, maghintay lang. Lalaki ang maghahanap sakin hindi ako ang maghahanap."

Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now