Taehyung Scenario

78 3 4
                                    


EDEN'S POV:


"Taehyung! Taekwon!" 


Kauuwi ko lang sa bahay at inaasahan kong sasalubungin ako ng mag-ama ko. Hmm! Ba't ang tahimik? Nasan na yung dalawang lalaki ko?


Sinubukan kong tumingin sa living room kung saan sanay na kong nakikita ang mag-ama ko na naglalaro ng video games pero wala sila dito. Inisip ko naman na puntahan ang dining room at bedroom pero wala pa din. Aba! Himala ata. naging tahimik ang bahay.


Ahh! Alam ko na.. Last place na lang ang di ko pa napupuntahan. Ang kitchen. Sigurado ako sa takaw nung mga yun talagang di na nakakapagsalita sa dami ng laman sa bibig ee. Wait! WALA?! HALA! Asan na sila?


Ilang segundo lang ay may narinig akong nagtatawanan sa labas. Specifically, sa backyard namin.


Dahan-dahan akong sumilip sa bintana at nakita ang mag-ama ko na masayang naglalaro ng basketball. Napangiti ako sa nakita ko dahil sa closeness ng mag-ama ko kahit maraming projects ang Tatay ni Taekwon sa kanyang showbiz career bilang isang member ng BTS.



"Taekwon, alam mo ba kung pano magbasketball?" Tumango si Taekwon habang nakaupo sa hita ni Taehyung.


"Sinasabi po lagi ni omma na madalas daw kayong magbasketball kasama ang mga tito. Ilang beses din po namin kayong pinapanood ni omma sa youtube na naglalaro ng basketball kasama sila tito Jungkook. Panalo nga po kayo kasama din si tito Jimin. Alam nyo po, Idol ko kayo nila tito. Paglaki ko po, gusto ko maging tulad nyo kagaling." Sinabi ni Taekwon ang lahat lahat para lang malaman ng tatay nyang proud na proud sa kanya ang nag-iisa nyang anak. Nakita kong napangiti naman si Taehyung sa narinig nya at natouch sa sinabi ng anak nya.


"Aww Talaga? Pinanood nyo ko? So.. meron na pala akong special fans ngayon." Tumawa sya at kiniliti si Taekwon na mas malakas pa ang tawa kesa sa kanya. Nakakatuwang panoorin ang mag-ama ko pero bigla akong nauhaw at kumuha ng tubig sa ref at tsaka bumalik ulet sa kinatatayuan ko.


Ngayon ay nasa posisyon na sila, nakaskwat si Taehyung dahil di gaanong mataas ang basket na papasukan ng bola ni Taekwon. Ibingay nya ang bola kay Taekwon.


"Okay, My Tae boy, ready ka na ba? Gawin mo yung ginawa ni Appa okay?" Tumango si Taekwon.


"Pag pinasa na ang bola sayo, kailangan mong maishoot ang bola sa net. Pag nagawa mo na yun, Magiging champion ka na tulad ni Appa." Okay. Medyo mayabang ang alien kong asawa. Pero sanay na ako dyan. Dati nang ganyan yan ee. Nu pa bang bago. 


Tumango ulet ang anak namin at tsaka na sila nagsimula. Nagsimula nang mag-dribble si Taekwon ng bola at binablock ni Taehyung ang mga tira ni Taekwon minsan kaya natatawa na lang sa kakulitan ng tatay nya. Ayaw kase pagbigyan.


"Appa~ pagbigyan mo naman ako please~." Pagpapacute nya. Hahaha! Kahit kailan, manang mana sa appa nya ang anak ko. Tsk... Di na ko magtataka kung kinabukasan sirain na rin nya mga damit nya at magpanggap na pulubi sa lansangan gaya ng ginagawa ni Taehyung noong boypren ko palang sya. Ssa mga dates namin, ganun sya manamit kaya napagkakamalan syang pulubi at aksidenteng nabibigyan ng barya sa awa daw nila sa itsurara ni Taehyung noon. Tss... Kainis, weirdo kase.

Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now