KLING'S POV:
Sigurado naman na siguro akong alam nyo ang pakiramdam ng magkagusto sa sarili mong bestfriend diba? Pero mas alam kong karamihan satin na may gusto sa mga bestfriend natin, walang gusto satin. Yun ang sadlyf. Kung babae ka wala kang magagawa kundi ang maghintay na mahalin ka rin nya, pero kung lalaki ka naman gagawa't gagawa ka ng paraan para mahalin ka ng babaeng bestfriend mo. Alam ko, unfair talaga yun. Pero wala tayong choice, ang babae ay pinanganak na maghintay talaga sa taong dapat na magmamahal sa kanya.
At yun ang kwento namin ni Sehun. Sya ang bestfriend ko since high school. At kahit na kailan, hindi nya ko tinuring na isang babaeng pede ring magmahal sa kanya at pede nya ring mahalin. Ang tanging alam nya lang na pagmamahal sakin ay ang pagmamahal ng isang bestfriend.
At ang bawat buwan at taon na nakikita't nakikilala ko ang mga girlfriends nya, nasasaktan ako pero pinipilit kong sumaya kahit na nasasaktan ako sa ginagawa nya. Sino nga ba naman ako, bestfriend nya lang naman ako na nag-aadvise at nag-aalaga sa kanya pag sinasaktan sya ng mga past girlfriends nya. Pero yung pagmamahal ko, hindi nya talaga nakikita.
Pero itong nakaraang dalawang taon lang ay mukhang seryoso sya sa naging huling gf nya. Dito ko yun nalaman simula nang nakipag break sa kanya ang girlfriend nyang si Irene. IIwanan daw sya at pupunta sa Amerika. Sinabi ni Irene na ayaw na nya at bigla na lang iniwan si Sehun sa parking lot na pinipigilan syang umalis at clueless sa kung anuman ang dahilan kung bakit ayaw na nya kay Sehun. Samantalang alam ko naman na sa kanya lang sinubukan ni Sehun maging perfect Boyfriend sa kanya. Ayaw din kase sakin ni Irene kaya nya ko sinabihan na layuan si Sehun noon.
Haaayy! So, eto kami ngayon ni Sehun. Magkatabi sa sofa ng apartment ko katabi ng Dorm ng EXO. Namimiss na daw kase nya na makasama ang paborito nyang bestfriend. Tss.. Kung di ko lang to mahal ee. Tinadyakan ko na ang matambok na pwet nitong mas malaki pa sa dibdib ko.
(a/n: peace klings hahaha)
"Tibay mo ahh.. Nakakatagal ka palang di magkaroon ng girlfriend? Akala ko di ka mabubuhay ng walang babae kang kahalikan o kayakap ee." Tumingin sya sakin ng masama at pinisil ng mahigpit ang mga pisngi ko. At ako naman tong sigaw ng sigaw at pinapalo ang kamay nya para lubayan ang pisngi kong namumula na sa sakit. "AAARAAYYY!!! PUTSPA!! SHEHUN MASHAKET!! BITAW NAAA!!!" Tumawa sya ng malakas at sa wakas, nilubayan na nya ang ramdm kong pisngi na lawlaw na sa sobrang pagstretch dahil sa pagpisil nya.
"Yan ang napapala mong tabachoy ka. Sinisira mo ang pagkalalake ko ee."
"Ay! Lalake ka pala?" tanong ko ng pabiro. Nagngitngit sya ng ngpin at mag aamba na pipsilin nya ulet ang pisngi ko. Tumawa naman ako nang may kaba at napatayo sa kinauupuan ko.
"Ikaw talaga! Inaasar mo talaga ako ee ha! Humanda ka saking baboy ka!!" Asar nyang pagbabaanta at hinabol ako sa loob ng living room ng apartment ko.
"Hahahah! Sarre na di na kita aasarin, tingting!!" Tumawa sya at binilisan ang takbo papunta sa kinaroroonan ko. Tatakbo sana ako papuntang kaliwa pero ang bilis nya at nahuli nya ako. Napayakap sya sa sakin mula sa likod at lumakas ang tawanan namin.
YOU ARE READING
Kpop Scenarios and Imagines
KurzgeschichtenAng mga scenarios na maaaring ma-imagine ng mga Echoserang palakang Fangirls... hahahah Charot lang.. For the Girls who are my youtube/facebook friends who also loves KPOP..