Yoongi Scenario

22 1 0
                                    


Yoongi's POV:


May date kami ngayon ng girlfriend ko at sigurado akong magugulat sya sa pagdadalhan ko sa kanya. I smirked sa reaksyon nya na poker face. Ewan ko ba, pero natutuwa akong para syang di interesado sa umpisa pero pagdating ng huli, makikita nyo mag-eenjoy na yan. 


Bigla ko namang naramdaman na pinalo nya ang dibdib ko kaya naman napa-aray ako sa sakit.


"Aray! What the F-" natigilan ako nang paluin nya ang bibig ko naman.


"Sige, magmura ka. Ibebreak kita. Makikita mo." agad kong tinikom ang bibig ko. Bumuntong hininga sya at inis na naman syang nagtanong sakin. "Ipaliwanag mo nga sakin kung bakit tayo nandito, Min Yoongi." napangiti ako sa kanya at sumagot.


"Sinabi ko na sayo, Myles. At dahil date natin to, special kaya dito." nakita kong nagroll lang sya ng mata nya sa sinabi ko.


"Psh.. Yoongi really? Sa Basketball court?" Huh? Bakit? ano namang problema sa basketball court?


"Bakit? Ine-expect mo bang dadalhin kita sa mall or somewhere? Pfft... Di yun cool no? Alam mo ba kung ano ang sweag na gawin? BASKETBALL!!" pero umiling lang sya at magtatangka na aalis. Napasmirk ako at pinigilan sya sa isang salita lang. "Bakit ka aalis, babe? Natatakot ka bang baka matalo ka lang sa galing ko?" at dahil di na nya ako matiis, hinarap nya ako ulit at nilapitan ako.


"Di ako natatakot at lalo namang di ako matatalo." mas lumaki ang smirk ko at lumapit sa kanya para bigyan sya ng matamis kong halik. Saka na ako kumuha ng bola mula sa court.


"That's my girl! Sige babe, catch!" sabi ko sabay hagis sa bolang hawak ko papunta sa kanya. Nagsimula na syang idribble ang bola at ishoot sa basket. 


At sumunod, ako naman ang may hawak ng bola. Habang nasa likod ko sya Hindi nya makuha ang bolang hawak ko at tsaka ko tinadtad ng dunks ang mga tira ko. Nang makuha ko ulit ang bola, itinaas ko ito dahil alam kong di nya abot ang bola kapag itinaas ko ito. Talon sya ng talon pero di na pa rin maabot ang bola. Alam kong asar na asar na sya sa mga ginagawa ko sa kanyang pangungulit at dun ko nalaman na mas nachachallenge na sya sa mga pang-aasar ko. Ramdam kong pasuko na sya at akala ko ay susuko na sya pero nagulat ako nang bigla syang umakyat sa katawan ko at pilit inaabot ang bola sa kamay ko habang kasama kong tumatawa at sya naman ay nagmamakaawang ibigay ko na sa kanya ang bola. Pero kahit muntik na ko mafall sa mga tactic nitong babaeng to, di ako nagpahalata at nilikot ko ang katawan ko para malaglag sya sakin at magawa ko na ang lay-up ko.


Pagkatapos nun ay nakuha na nya ulit ang bola at nagsimula nang mag-shoot pero sa kasamaang palad, ilang try hard shoot ang ginawa nya't di pa rin sya makapag-shoot. I'm laughing my ass off sa ginagawa ng girlfriend ko.


Pagkatapos ng ilang pagbibigay ko ng time para makapuntos sya, nagsimula na ulit akong agawin ang bola sa kanya at nagtatangkang maglay-up ulit. Sa halip, instead na makapagshoot ako ay nabangga ko sya sanhi ng pagbagsak ng nya sa lapag. 


"Myles? Okay ka lang?" nabitawan ko ang bola at agad na tumabi sa kanya. Hinaplos ko ang ulo nya at hinalikan ang noo nya.


"Hahaha! Okay lang ako, Yoongi." napangiti naman ako at hinalikan ulit ang noo nya pababa sa pisngi hanggang sa leeg nya. Ramdam kong nakikiliti ko sya sa bawat halik ko kaya natatawa na din ako. "Yoongi~ Tama na. Nakikiliti ako! Hahahaha!" 


Tumigil naman ako sa paghalik sa kanya at hinawakan ang magkabilang kamay nya para tulungan syang tumayo sabay hawak sa mukha nya para iinspeksyon ang mukha nya kung nagkagalos.


"Nasaktan ba kita?" umiling lang sya at ngumiti. At pagkatapos ay niyakap ako.


"Hindi naman. Pero sa tingin ko.. isa na rin to sa pinakamasayang date na nagawa natin." natuwa naman ako at nag enjoy sya. 


"Buti naman at nag-enjoy ka. Akala ko kasi ako lang ang mag-eenjoy." natawa naman sya at kinurot ako sa tagiliran.




Kpop Scenarios and ImaginesWhere stories live. Discover now